IkaLabingSiyam na kabanata

199 7 2
                                    

Ilang araw na dito sa Divine Academy ang Hari slash may-ari at ilang araw na ding magkasamang nag-aaral ang Moon at Sun dorm at hindi talaga ako sanay (-_-). Pampalubag loob na siguro ang palagi akong gustong makausap ng Hari at talagang ang gaan ng loob ko sa kanya.

"Wag kang lutang" matalim kong tiningnan ang nagmamay-ari ng boses na yun. Masyado ng pakialamera ang babaeng to (+_+). Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi siya pinansin. Istorbo, nakita na ngang nagtatrabaho. I'm doing my job as the Prefect of Discipline lalo na ngayon at magkasama nga ang dalawang dorm.

"Wag mo akong tatalikuran!!" Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko at marahas akong pinaharap sa kanya. Namumuro na ang babaeng to sakin.

"Ano bang problema mo Cheska?" I look at her with bored expression. Wala ako sa mood na makipagdiskusyon sa kanya.

"Ikaw ang problema ko" napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Should I be flattered with that?" Nag-igting ang bagang niya sa sinabi ko. Magkapatid nga sila ni Christian, ang daling mapikon.

"Masyado kang pasikat. Pati sa Hari nagpapansin ka" napatawa ako. I can hear jealousy in her voice.

"Ako pasikat? Papansin? Bakit naman ako magpapasikat at magpapansin? May dahilan ba?. Come on Cheska don't be jealous -smirk-" I cross my arms in front of my chest. Yun lang pala ang ipinuputok ng lahi nito. Gusto niyang siya ang mapansin ng Hari. Kasalanan ko bang ang Hari mismo ang nakapansin sakin?.

"Why would I be jealous of you?"
"Wala nga bang dahilan? Tsk tsk tsk walang patutunguhan ang pag-uusap nato, nasasayang ang oras ko" aalis na sana ako ng harangan niya ang daan ko. Aba marunong ng kumilos bilang isang bampira. I smile in amusement.

"Sinabi ko ng wag mo akong tatalikuran!!!" Ano bang problema ng babaeng to?. Sinasagad niya ang pasensya ko.

"Wag mo akong tataasan ng boses Cheska at baka hindi ako makapagpigil at malintikan ka." Hindi na ako nagtataka kung hindi man lang siya natakot sa sinabi ko. Isa na siyang bampira at alam niya yun pero wala akong pakialam (=_=).

"Sinong tinatakot mo? Isa akong bampira at Pureblood pa" inikutan niya ako na para bang nahuli niya ako sa bitag na hinanda niya. Napabuga na lang ako ng hangin.

"So? Bagong bampira ka pa lang para sakin at alam mo ang  ibig sabihin nun?" Sinadya kong hindi itinuloy ang sasabihin ko dahil siguradong magkakaroon ng gulo.

"Wag mo akong bitinin!!!" I smirk at her. Lumabas din ang tunay niyang ugali.

"Wala kang kwenta para sakin. Isa ka ngang Pureblood pero mas mababa ka pa sa level ng Fangless na bampira" nanlaki ang mata niya sa sinabi ko marahil ay hindi niya inaasahan na sasabihin ko yun at ikokompara ko siya sa pinakamababang antas ng bampira.

"Bawiin mo yun!!! Igalang mo ako dahil mas mataas ang uri ko sayo!!! Pureblood ako sunod sa Royal Family!!!" Naging pula ang mga mata niya na lalo kong ikinangisi, mukhang maganda ang mangyayari.

"At bakit kita igagalang? Hindi tayo magkauri Cheska. Hindi ko iginagalang at nirerespeto ang nilalang na sinungaling" halata na sa panginginig ng katawan niya ang sobrang galit na pinipigil niya.

"Sinong nagligtas kay Rogue sa banquet na yun? Ikaw? At pano mo ginawa? Care to exp-"

-BOGS-
I found myself in between Cheska and the wall. Hawak hawak niya ang leeg ko. Bakit ba sa ganitong lagay ako parati pagdating sa magkapatid? (-_-)7.

"Subukan mong sabihi-" ako naman ang nagpatigil sa kanya sa pagsasalita.

"Bakit? Natatakot ka na malaman niya ang katutuhanan at layuan ka? Don't worry Cheska hindi ako ganun dahil hinding-hindi ko ibaba ang level ko sayo. I have my dignity hindi katulad mo" at lalo niyang diniinan ang pagkakahawak sa leeg ko pero dahil siguro sanay na ako ay manhid na ako sa sakit. Nagtaka ako ng bigla siyang ngumiti at binitawan ako.

"Oo nga naman hindi tayo magkalevel alam mo kung  bakit? Dahil sa ating dalawa ikaw ang walang kwenta. Walang nagmamahal sayo, wala kang pamilya, walang nagpalaki sayo. Hindi mo naramdaman ang pagmamahal."

Naikuyom ko ang kamay ko dahil sa sinasabi niya. Wala siyang karapatan na sabihin yan dahil hindi niya alam kung ano ang mga pinagdaanan ko.

"Lumaki kang isang mamamatay, marami kang pinatay, nabahiran na ng dugo yang kamay mo"

I felt so much rage towards this insolent woman. How dare her say those words!!!. May gustong kumawala sa loob ko like I'm craving for her blood. Gusto kong patayin ang babaeng to.

"Tumigil kana" I said in a cold tone.
"Bakit dahil totoo? Isa kang mamata-"
"SABING TUMIGIL KA!!!"

Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay naitulak ko siya dahilan para mabitak ang pader na tinamaan niya. Ngunit hindi ko iyon pinansin. Pula..............yun lang ang nakikita ko.

"A...ang ma-mata......mo" hinawakan ko ang leeg niya at buong lakas na itinaas siya dahilan para hindi na siya makatapak sa lupa.

"Hindi kita mapapatawad" lalo ko pang diniinan ang pagkakasakal ko sa  kanya at natutuwa akong nahihirapan siya.

"CHESKA!!!" May tumulak saakin kaya natumba ako at narinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"Aya!!!" Nakita ko na lang sa harap ko si Dylan na may nanlalaking mga mata na nakatingin sakin.

"A......ang........mata.....mo" hindi ko naiintindihan ang sinasabi nila. Naramdaman ko na lang ang sobrang pagod and everything went black.
----------------------------
Hohohohoho.
Ano kaya ang meron sa mata ni Alliya?
Abangan niyo na lang.

True Identity (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon