Ika-sampung Kabanata

267 7 0
                                    

For the 1st time iba naman ang magpo-Point of View.
-------------------
-Dylan-

Pinagmamasdan ko si Aya habang nauuna siyang maglakad saamin ni Rogue. Hindi ko mapigilang mag-alala para sa kanya. Unti-unti ay may nakakaalam na ng mga sekreto niya.

Bata pa lang siya ng makita ko siya sa mansyon ng mga Reyes at sa pagkakataong yun ay may iba sa kanya at hindi ko alam kung ano na siyang labis na nagpapalito sakin.

Nasubaybayan ko ang paglaki at pagdalaga niya. Sa mga panahong yun ay hindi ko siya malapitan dahil sa utos ng kanyang amain. Itinuring siya na isa sa mga Reyes sa kadahilanang malaki ang potensyal niyang maging magaling na hunter. Dahil sa hindi ko siya makausap o malapitan ay sa pagobserba sa malayo ang tanging nagagawa ko.

Masayahin siya at palaging palangiti sa kabila ng hirap ng kanyang mga pagsasanay pero dahil sa siya ang inaasahan na posibleng maging tagapagmana ng mga Reyes ay hindi siya hinahayaan na makisalamuha sa ibang bata na kasing edaran niya kaya may mga oras at pagkakataon na lagi siyang mag-isa at nagmumukmok kaya ang ginawa niya ay ang palipasin ang oras sa pagbabasa ng makakapal at lumang mga libro sa malaki nilang aklatan, duon niya nakuha ang kaalaman tungkol sa mga bampira at iba pa.

Matalino siya kumpara sa pangkaraniwang bata. Lumipas ang mga panahon at nagi siyang magaling na hunter sa kagustuhan ng pamilyang umampon sa kanya ngunit hindi siya pumapayag na hindi masunod ang gusto niya.

Hindi ko inaasaahan na magiging mabait siya sa tulad kong bampira. Ibang ibang siya sa pamilyang nagpahirap at gumutom saakin. Nakikita niya ang kabutihan ng isang mortal at ng isang bampira na tanging sa kanya ko lang nakikita. Makatarungan siya sa lahat ng nilalang na nakakasalamuha niya. At ang mga tanong sa aking isipan ay unti-unting nasasagot ng mga lumipas na mga araw na nakakausap at nakakasama ko siya at dun ko napag-alaman na higit kanino man ay mas mataas ang uri niya saamin.

Hindi ko alam kung may nakakaalam na ng nalalaman ko. Si Rhea Alliya Reyes ay ang nawawalang apo ng kasalukuyang Hari ng mga bampira, that's the reason why she have advance senses, maliksi, malakas, kakayahang makipag-usap sa pamamagitan ng isip at ang paggamit niya sa kanyang aura, sa ngayon ay ang mga kakayahan na yan palang ang alam ko tungkol sa kanya.

Ang malakas na pruweba na siya ang nawawalang prinsesa ng mga bampira ay ang pagiging lason ng dugo niya sa ibang bampira. Noon pa man ang dugo ng Royal Family ay lason na sa kanilang mga kalabang bampira at ang dugo rin nila ang gamot ng mga bampirang kakampi nila o ang mga bampirang nagtataglay ng tattoo ng kanilang pamilya ito ay ang asul na rosas.

Pero ang labis na ipinagtataka ko ay ang pagiging mortal niya. Panong nangyaring naging mortal ang prinsesa gayong parehong ang mga magulang niya ay bampira?. Ang kanyang ama na si late Alexander Montalban ay ang anak ng kasalukuyang Hari at ang kanyang ina ay si late Riva Montalban, ang itinuturing na napakagandang bampira. Pareho na silang patay sa kadahilanang walang nakakaalam, tanging ang kasalukuyang Hari lamang ang may alam.

Gustong-gusto ko na itong sabihin sa kanya ngunit may mga bagay na nagpipigil saakin para hawin ang bagay na iyon. Una baka posible siyang mamatay agad ng kalaban ng kanilang pamilya lalo na't isa siyang mortal, pangalawa ay ang pagiging slayer niya na higit na kinatatakutan ng mga bampira at pangatlo at malaking rason ay paniniwala niyang isa siyang mortal na ulila sa magulang.

"Dylan to earth earth to Dylan" tulalang napatingin ako sa mukha ni Aya habang nakataas ang isa niyang kilay.

"Ah.....yes? May sinasabi ka ba?"
"Rhea are you sure na hindi din baliw yan?" Huh? Ano bang pinag-uusapan ng dalawang to?

"Noong una naniniwala akong hindi but now I'm not sure"-Aya
"Maybe he is"-Rogue.

Dalawang to akala mo wala sa harap nila ang pinag-uusapan (-_-).

"Ano ba kasi yun?(-_^)"
"Kanina ka pa hinahanap ng team mo. May laro ka pala ngayon" (OoO) SHIT!!!! May basketball game pala ako ngayon!!!. Dali-dali akong tumakbo keeping a pace for the mortals not to be suspicious about my fast running.

"Goodluck Dy" napangiti ako ng marinig ko ang sinabi ni Aya.
----------------------
Another long update.
Gusto ko lang magpasalamat kay @janedelacerna31 for voting dahil sa kanya lalo akong nagkaroon ng inspiration to update my stories.
@janedelacerna31 mention lang ang magagawa ko hindi kasi ako makapag-dedicate.

True Identity (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon