Ika-Dalawampu't Dalawang Kabanata

222 6 0
                                    

Rogue on the picture.
---------------------------
Nakahalumbaba ako habang nakatingin sa labas ng opisina. Ang boring naman ng araw na to. Kung itatanong niyo kung ano ang nangyari pagkatapos namin magbangayan ni Cheska ay tumawa lang ako ng tumawa kasama ang dalawang bampira na kung makatingin saakin ay parang baliw ang nakikita nila (=_=).

Ang sabi saakin ni Lance bigla daw naglaho si Cheska to make the story short ay naglayas ang babaeng yun. Ang ikinatataka ko nga ay parang baliwa lang ito sa kapatid niya.

Ay bwisit bakit ba buhay ng iba ang iniisip ko at hindi ang buhay ko? (-_-'''). Kung itatanong niyo kung okay na ba ako?. Maayos pa sa maayos, patuloy ko pa ring napapanaginipan ang Royal Family na nagbibigay saakin ng panatag na pag-iisip. Ewan ko ba kung ano ang nangyari.

"Ms. Pres." Hindi ko nilingon ang kung sino man na yun. Tinatamad ako eh.

Narinig ko na lang ang pagpasok ng kung sino man at hindi ko pa rin nililingon ang pumasok na yun.

"Tamad na tamad ang itsura mo ah" napataas ang kilay ko ng marinig ko ang boses na yun. Nilingon ko ang istorbo sa pagiging tamad ko ngayong araw.

(OoO) ganyan ang itsura ko ng makita ko ang gwapong mukha na bisita ko. Ay bwisit alam kong gwapo ang lokong to pero kailangan talagang ipangalandakan sa harapan ko? (+_+).

I compose myself and look at him with my poker face.

"Anong kailangan mo? Taga Moon dorm ka na diba?" Nagcross arms pa ako para hindi mahalata na nadadala ako sa itsura niya ngayon.

"Visiting a friend? Tsaka may ibibigay ako sayo" tinaasan ko lang siya ng kilay at ang gago umupo sa sofa na parang at home na at home.

"Friend mo mukha mo" tumayo na ako at pumunta sa shelf ng mga libro. Ano bang magandang basahin?.

"Friend naman talaga kita ah" agad akong napalingon ng bumulong siya malapit sa tenga ko. Bakit di ko naramdaman ang paglapit niya?. I realize our position, potek oh kinorner pa ako.

"Pwede ba wag feelingero" tiningnan ko siya sa mata na parang wala lang saakin ang posisyon namin pero ang totoo....parang may karera ng mga kabayo sa loob ko!!! Bwisit!!! Paano ba ako makakaalis dito?!!!.

"Hahahahaha ang cute mo pala sa malapitan" inirapan ko lang siya at itinulak ng mahina. Wala atang matripan ang isang to.

Umupo ako sa sofa at siya naman ay sa kaharap na couch. Ipinatong niya sa armrest ng couch ang siko niya at ipinakita saakin ang isang box na may pulang ribbon na ikinataas lang ng kilay ko.

"O? Sinong may birthday?" Hindi niya sinagot ang pagtataray ko bagkus ngumiti pa. Ay bwisit tapyasin ko na kaya ang kissable lips niyang yan?. Potek nagiging malandi na ata ang utak ko ah? At parang nakakalimutan ko ata na dapat ay hindi ko na pinapansin ang isang to.

"My gift for you" tingnan ko siya sa mata and I can see his sincerity through them. Napabuga na lang ako ng hangin at inilahad ang palad ko sa kanya pero sa may balcony ako nakaharap. Ayokong makita niya ang medyo namumula kong pisngi.

"Yun!!!" Napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang tila nasisiyahan niyang boses.

"(OoO). Hoy!!! Tumayo ka djan!!!" Nakaluhod kasi siya sa harapan ko. Ano na naman kayang pauso ng isang to?.

"Wait lang" binuksan niya yung box at inilabas niya ang isang napagandang bagay.

Tumibok ng napakabilis at lakas ang puso ko, pakiramdam ko nga ay maririnig niya ang pintig nun.

"Bagay pala sayo ang may anklet" sabi niya habang nakatingin sa paa ko kung saan niya sinuot ang bigay niya saaking anklet.

"Why?" Bigla na lang lumabas ang tanong na yan sa bibig ko, kaya napatingin siya saakin na may ngiti sa labi niya.

"To gain your trust" napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi niya.

"Get out" tumayo na ako at tinalikuran siya. Ayos lang saakin na nag-uusap kami pero ayoko sa lahat na bibigyan ako ng kung anu-ano para maibalik ang tiwala ko. Parang lumalabas na ibinebenta ko ang tiwala ko kapalit ng mga material na bagay.

"Teka anong nagawa ko?" Pinipigilan ko ang sarili ko na masigawan siya.

"Wag mo na akong bigyan ng mga walang kwentang bagay." Narinig ko ang pagsinghap niya at mabibilis na yabag. Marahas niya akong pinaharap at hinawakan sa magkabilang braso ko. Napangiwi ako sa sakit ng pagkahawak niya pero ininda ko iyun.

"Walang kwentang bagay? Hindi yan walang kwenta para saakin!!!" I can see anger and hurt in his eyes.

"Mahalaga ka saakin kaya kita binigyan niyan!!!. Bukal sa loob ko yan, yeah I want to gain your trust sa paraang alam ko." Pinagdikit niya ang noo namin and look straight in my eyes. Sa pagkakataong to ay talagang nanlambot ang mga mata niya na pati puso ko ay parang natutunaw sa mga iyun.

"I don't know kung anong nangyayari saakin pero ng araw na sabihin mo saakin na you lost your trust in me parang may gumuho saakin, hindi ko alam kung ano yun pero ikinalungkot talaga iyun ng puso ko." Pabulong niyang sinabi saakin ang sentence na iyun. Shock is an understatement on what I feel right now.

"Rogue..."
"Please let me do this. I want to gain your trust at gusto kong maintindihan ang nararamdaman kong ito sayo." This time ay nakayakap na siya saakin and I can feel the beat of his heart as if mirroring the beat of my heart. Nangilid na ang mga luha ko sa katuwaan na nararamdaman ng puso ko kaya para pigilan ito sa pagtulo ay tumingin ako sa taas.

"Ano ba? tama na nga ang drama. Ke lalake mong tao masyado kang madrama" napatawa na lang siya sa sinabi kong yum at binitiwan ako.

"So payag ka na?" I roll my eyes heavenwards. Pagkatapos niya akong dramahan magtatanong pa siya.

"Tingin mo?" Balik tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay ko pero may ngiti sa labi.

"Hahahahahaha. Tara kain tayo sa canteen" inalis ko ang braso niya na nakadantay sa balikat ko, ang bigat kaya.

"Mahuli ang manlilibre" mabilis akong tumakbo pagkatapos kong sabihin yun.

"Rhea!!!!" Mas binilisan ko pa ang takbo ng marinig ko ang pagsigaw niyang yun.

"Hahahahahahahahaha" ang malakas na tawa naming dalawa ang tanging maririnig sa buong building habang papunta kami sa canteen.
-----------------------------------
Sa madilim na bahagi ay may nakatingin na dalawang pares na pulang mga mata.

"Nahulog na siya ng tuluyan sa kanya" malalim na buntong hininga ang binitiwan ng isa sa dalawang pigura.

"Wala na tayong magagawa roon, Lance" muling nabalot ng katahimikan ang dalawa bago parehong nawala na tila mga bula.
-----------------------------------
Anong tingin niyo?
Hindi talaga ako marunong gumawa ng kilig moments kaya pagpasensyahan niyo na ang updatae ko. That's all and keep on supporting True Identity.

True Identity (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon