Ika-Labindalawang Kabanata

267 7 0
                                    

Cheska on the picture.
------------------------------
Shit!!! Bakit hindi ako makatulog? >.<
Ito ako pabaling-baling sa kama. Alas-dos na ng umaga at gising pa ako.

Inaalala ko kasi ang ngiti ni Lance. Talagang nakita ko na ang ngiting yun, hindi ko lang maalala kung kailan at kung saan at ang mas lalong nakakadagdag sa bagabag ko ay ang nararamdaman ko tuwing kausap ko siya. Sa tuwing may bago akong makikilala hindi agad ako nakikipag-usap man lang sa kanya pero kay Lance.......

"Shit!!!! Makalabas na nga muna!!! Walang silbi kong nandito lang ako. Maluluka ako nito ng maaga" dali-dali akong tumayo mula sa kama at nagbihis ng panlamig.

Pagtingin ko sa mga classroom ay bukas pa ang mga ilaw. May klase pa siguro ang Moon dorm. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa kung saan. Magpapaantok lang si-

"Fuck!!!" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang matunog na mura na yun.

"Shit!!!" Naningkit ang mga mata ko ng marinig ko ulit ang ingay na yun. Hindi lang yun basta mura. Nahihirapan ang kung sino man na taong nasa gubat.

Ihahakbang ko na sana ang paa ko ng may marinig akong ibang mga boses.

"Please drink my blood" boses babae Drink? Blood?. Something sparks in me. Psh mga baliw na to gusto ba nilang malaman ng iba ang sekretong itinatago nila? (-_-).

Naglakad ako papunta sa Academy forest na malapit lang sa lugar kung saan ako naglalakad at narinig sila. I hid my aura and presence to prevent them from finding me. Sumandal ako sa isang puno at pinanuod sila.

"Please Rogue drink my blood" tsk tsk tsk. Bakit ba kasi pinipilit ni Cheskang painomin si Rogue gayong ayaw naman nito (=_=).

"N-no" nakasalampak sa lupa si Rogue. Di niya ba alam na marumi dyan? Okay anong kinalaman nun? Ay bwisit pati sarili ko kinokontra ko na (-_-''').

"Pipilitin pa ba kita?" Napatingin ako kay Christian na prenteng nakaupo sa buwal na puno. Loko din to imbes na tulungan yung nahihirapan ay pipilitin pa sa ayaw nitong gawin.

"F-fuck you" Woah!!! Ang lakas din ng loob nitong si Rogue na sabihan ng ganun ang isang PureBlood. Matigas na ulo, too arrogant, ano pa bang pwede kong idescribe kay Rogue?.

"Rogue, mamatay ka niyan sa ginagawa mo. Drink my blood" isa pa tong babaeng to. Oras na ipainom niya sa lalakeng yan ang dugo niya siguradong pagsisihan niya yan. Ito namang si Christian di man lang pigilan. Napatigil ako sa pag-iisip kong yun at tumingin kay Christian agad naningkit ang mata ko. Christian, balak mo bang gisingin ang dugong bampira ng kapatid mo? And are you are using the situation of Rogue?.

Dahil sa realization na yun ay sumabat na ako. Anong klaseng laro ang ginagawa mo Mr. Moon dorm President?.

"Bakit ba pinipilit mo siya ha Cheska?" Gulat silang napatingin saakin. I walk toward Rogue and look at his eyes.

"Bakit ka nandito Ms. Pres?" I heard the warning from Christian's voice and I ignore it. Ako? Babalaan niya? Tsk. Ni wala nga akong pinapakinggang babala.

"Anong nararamdaman mo?" I sincerely asked Rogue and he look straight to my eyes. I give him a small smile.

"Na-na....hihi....rapan" tumango ako sa sinabi niya. Nilihis ko ang sleeve ng jacket ko at kumuha ng matulis na kahoy dahilan para manlaki ang mata niya.

"A-anong-" hindi na siya nakapagsalita ng sinugatan ko na ang sarili ko at inilapit sa bibig niya ang sugat ko.

I can see his hesitation. Lokong to siya na nga ang tinutulungan siya pa ang may ganang umayaw? (-_-'').

"Drink. It will help you to ease the pain tsaka hindi ka aatakihin ng dugong bampira na nasa katawan mo sa loob ng isang buwan" dahil sa sinabi ko ay hinawakan niya ang wrist ko, sa una ay inamoy niya ang dugong dumadaloy dun at dinilaan bago niya kinagat. Sanay na ako sa sakit tuwing kinakagat kaya halos manhid na ako.

Unti-unting tumugil ang malalalim niyang paghinga at siya na mismo ang bumitaw sa pagkakagat sa wrist ko.

"Ayos ka na ba?" Tiningnan niya ako bago siya ngumiti. Problema nito? (-_^).

"Pagod na pagod lang. Can I sleep?" Ha? Ano daw? Bago ako nakapagsalita ay humiga na siya sa lap ko. Teka loko to ha!!! Wala pa  nga akong sinasabi. Dahil sa pakatarantang nararamdaman ko ay tulalang napatingin ako sa kanya.

-dubdub dubdub dubdub dubdub-

(OoO) shit!!!. Inaatake ba ako sa puso?

"Alliya" naputol ang pag-iisip ko ng marinig ko ang pangalan ko na tinatawag ni Cheska.

"O?" I compose myself and look at them.

"A-alam mo ang sekreto ni Rogue?" I look at Christian na binibigyan ako ng tingin na nagbabala na nginisihan ko lang.

"Of course."
"Pano?" I can hear jealousy in her voice.
"Because I know. Pumasok ka na ako na bahala dito" magsasalita pa sana siya ng si Christian na ang magpaalis sa kanya.

"Sige na" excited naman ata akong makausap ng isang to. Tumango si Cheska at tiningnan si Rogue. Binalingan ako ni Christian ng makaalis na si Cheska.

"Bakit ka nandito?"
"Naligaw?" Dahil sa pabalang na sagot ko sa kanya ay agad naningkit ang mata niya at naging pula. Psh hindi ako matatakot dyan.

"Sagutin mo ako" kung makapang-utos to kala mo kung sino (-_-). Bigwasan kita dyan eh.

"Hindi ako makatulog kaya naglakad-lakad ako at napunta rito and the rest you know"

"Kanina ka pa?"
"Tama lang para malaman ko at maintindihan na binabalak mong gisingin ang bampirang dugo ni Cheska sa pamamagitan ni Rogue" dahil sa sinabi ko ay nanlaki ang mata niya.

"Base sa reaksyon mo ay tama ako. Kung ako sayo ay ititigil ko yan. Rogue is fighting the vampire blood in him tapos gagamitin mo siya para magising ang kay Cheska? eh tanga ka pa lang talaga. Hindi mo ba naisip na baka magkaroon ng pagkakamali sa ginagawa mo?. She is a PureBlood at ang nasa dugo ni Rogue ay isang midclass kapag pinaghalo ang magkaibang dugo ay isang baliw na bampira ang magiging resulta. Kung gusto mo talagang magising ang dugo ni Cheska na kapatid mo ba't hindi ikaw mismo ang kumagat sa kanya?. Tss mas bumaba ang pagtingin ko sayo."
------------------------------
"Magkapatid pala sila?" Tinignan ko si Dylan na nakaupo sa sofa dito sa opisina ko.

"Nakalimutan mo na ba ang tungkol sa kanila?" Tanong ko sa kanya habang kinukumutan si Rogue na nakahiga sa kutson na inalatag ni Dylan sa sahig. Sa kanya ako nagpatulong para madala to dito. Pagkatapos ko kasing insultuhin si Christian ay bigla na lang niya akong nilayasan (=_=).

"Wala na kasi akong nakukuhang balita tungkol sa magkapatid na yan" kung tutuusin ay tama naman siya. Ang alam ng marami ay patay na ang isa sa magkapatid na si Cheska na isang mortal ngayon. May nakita akong picture sa isang libro tungkol sa pamilya nila kaya nagkaroon ako ng hinala at naghanap ng impormasyon. Nagkaroon sa pamilya nila ng sakim at gustong makuha ang yaman at pamumuno sa angkan nila pero dahil sa ang ama nila ang namumuno ay hindi ito pumayag at nagkaroon ng laban sa pamilya nila para  maprotektahan ang magkapatid ay inilayo ito at wala ng nakalaam kung nasaan.

Isang sulat ang hindi sinasadyang nabasa ko at malamang nandito lang pala sila at ang isa ay isang mortal. Lumapit pala ang ina ng dalawa sa isang mangkukulam para gawing mortal ang isa, magigising lang itong muli kung makagat ito ng isang Pureblood din na kauri nila pero mukhang mali ata ang nakuhang impormasyon ni Christian.

"Hayaan mo na nga sila"

True Identity (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon