Siya ang mortal na iniligtas ni Alliya.
----------
"Totoo ba talaga sila? Saan ba sila galing? Pano mo sila kinaya? Pano mo nalaman na bampira sila? Teka saan ka ba nag-aaral? Kakaiba kasi ang uniform mo" pigilan niyo ako baka masapak ko na ang lalakeng to. Ang daming tanong. (+_+)"Isa-isa lang ang tanong pwede?" Pagkatapos kong iligtas ang isang to hindi na ako tinigilan at sumunod sakin hanggang dito sa mansion. Hindi ko mataboy dahil dadalhin ko kay Director para masolusyonan ang pagkakatuklas niya sa mga bampira.
"Hija natawagan ko na ang magulang ng binatang to"- Nay Yaya
"Tinawagan?"
"Salamat Nay Yaya. Aalis na po ako. Tara"
Sa isang kamay ay ang bag ko na may lamang pera at sa isa ay ang braso ng isang to."Teka!!! Para sa isang babae masyado kang malakas"
"Pasok" pagkapasok niya sa kotse ay agad akong sumunod at nagdrive."At para sa isang lalake para kang babae maingay at reklamador"
"HOY!!!" Hindi ko na pinansin ang pagrereklamo niya at tahimik na nagdrive. Mabuti at tumahimik rin ang kasama ko."Kung inaalala mo ang mga magulang mo. Don't worry makakabalik ka sa kanila ng buhay" pambabasag ko sa katahimikang bumabalot samin.
"Kahit wag mo na akong ibalik" napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yun. Problema nito? (-_^). Kanina putak ng putak ngayon ang sungit. May dalaw siguro to. (-_-)
"Wag mo aking artehan ng ganyan. Kung isa kang typical rebel boy, wala akong pakialam. Ang concern ko lang ay ang pagkakatuklas mo sa mga bampira at sa nakita mo" Rude na kung rude pero hindi ako yung good girl na pakikinggan ang mga sentiments mo lalo na't you have all the things in your life yet you are not contented.
"Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan?!!! At dapat malaman ng tao na may bampira pa sa taon na to!!!" Tae to anong akala niya? Na madaling matatanggap ng tao ang mga bampira? (-_-'')
"Wala kang paki kung sino ako dahil pagdating sa Divine Academy at madala ka sa Director ay hindi na tayo magkikita that's my answer for your first question. And about your suggestion naman ay hindi pwedeng malaman ng mga tao na may bampira dahil magkakaron ng digmaan kung sakali at maraming mamatay na inosente. Makakaya mo kayang dalhin sa konsensya mo na maraming namatay dahil sa pagsasalita mo?"
Bigla siyang natahimik sa sinabi ko. Mukhang pinag-isipan niya.
"Divine Academy? Eskwelahan ba yun?"
-ECKKKKKK-
Bigla kong natapakan ang preno dahil sa sinabi niya. Seriously? Sa haba ng sinabi ko yun pa ang naisipan niyang itanong?"Dahan dahan naman!!!"
Napailing na lang ako sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagda-drive. Para talaga tong babaeng may dalaw. Ang daling magbago ng mood. Tsk tsk tsk.
---------
-3rd Person Point of view-"AH!!!shit!!!! Hinaing ng isang pigura na nasa sulok ng kwarto. Hinaing na puno ng paghihirap ng taong nasasaktan.
"Rogue you have to drink blood" nag-aalala ang tinig na nanggagaling sa isang babae. Nakalahad ang kanyang braso na tila iniaalay ito. Payag siyang magpakagat at inomin ang dugo niya.
"No. I prefer to suffer. FUCK!!!" sa tulong ng liwanag ng buwan na galing sa nag-iisang bintana ay maaaninag ang anyo ni Rogue. Pawisan, magulong buhok, matang namumula at pangil na sumisilip sa kanyang mga labi.
"Baka mamatay ka Rogue"
"Then I rather die" nakahawak siya sa kanyang dibdib. Malalalim na paghinga at halos maligo na sa sariling pawis."Kung ako sayo ay gagawin ko na ang ipinapagawa sayo ni Cheska in that way ay hindi ka mawawala sa katinuan mo kung sakali"
Isang seryosong tinig ang nagmumula sa isang pigura na malapit sa bintana. Kitang kita ang pares ng mga mata nito na kasing pula ng dugo. Nakatingin ito na walang emosyon sa nahihirapang si Rogue.
"FUCK YOU CHRISTIAN!!!" Nanlisik ang pulang mga mata ni Christian ngunit nanatiling kalmado.
"Bahala ka. Gumagawa-gawa ka ng katangahan pati kami idadamay mo"
"Tama na Christian"
"Tama na? Bakit ako ang pinagsasabihan mo Cheska at hindi ang tangang yan? Kung hindi ba naman niya pinairal ang pagiging bobo niya at dumalo sa kasiyahan ng mga bampira gayong alam niyang isa siyang mortal at pagkain namin. Kahit na sinong bampira ang makaamoy at makakita sa kanya ay talagang kakagatin siya para sa dugo niya. Maswerte ka at magiging bampira ka pa at hindi pinatay""Lucky?! Ayoko ng sumpang to!!!"
"Sumpa? FUCK YOU!!! Ang sinasabi mong sumpa ay ang nagpapanatili sayong buhay!!!. Tanggapin mo na lang yan at wag mong labanan, kahit sabihin pa nating nakakaya at napapatagal mo ang pagbabago mo ay dadating ang oras na magbabago ka at magiging bampira, pero ngayon palang binabalaan na kita dahil sa matagal mong pagpigil diyan siguradong may masamang resulta yan"Na tahimik ang nahihirapang si Rogue ngunit matalim na nakatingin sa bampirang si Christian.
"Walang kwentang bampira"-Rogue
"Anong sabi mo?"-Christian
"Tumigil nga kayo"-Cheska"Manahimik ka kung ayaw mo pang mamatay" Christian said through greeted teeth, fangs and claws flashing dangerously
"If you can"
"Wag mo akong subukan. Isa akong pure blood at sa kondisyon mo ay hindi mo ako kakayanin. Ito lang ang payo ko, sundin mo si Cheska. Uminom ka ng dugo at sisiguraduhin kong iinom ka talaga dahil oras na mawala ka sa sarili mo ako mismo ang papatay sayo. Hindi ko ito ginagawa para sa mga mortal na nandito sa Academy kundi para sa lahi namin na inilalantad mo sa mga mortal"Walang lingong likod na umalis sa kwarto ang bampira at iniwang tahimik ang dalawang naroroon na parehong nasa malalim na pag-iisip.
![](https://img.wattpad.com/cover/34480466-288-k776102.jpg)