Ika Tatlumpo't Tatlong Kabanata

163 6 0
                                    

I'm giving you a hint sa pamamagitan ng picture kung sino ang may-ari ng Pov sa last part. Dapat nabasa niyo ang isang chapter kung nasaan siya.
------------------------------
"As the New Queen I am closing our world to the mortal world" nanlaki ang mga mata niya pero ngumiti lang ako sa paraang ito mapoprotektahan ko siya. Naging maingay rin ang mga bampira sa utos kong yun. Halatang hindi sila sang-ayon. Tiningnan ko si Lolo, si Ina at si Ama nakangiti sila saakin bilang pagsuporta sa desisyon ko.

"Oras na malaman ng mga mortal ang tungkol saatin ay paniguradong tutugusin nila tayo hanggang walang matira saating lahi. Kinatatakutan ko ang bagay na iyun. Ang mundo ng mga mortal ay para lang sa kanila hindi tayo nabibilang duon. Mabubuhay tayo dito sa ating mundo, maraming hayop ang pwede nating pagkunan ng dugo. Isa itong kautusan at may kaparusahan sa paglabag"

Napatango ang mga bampira halatang naiintindihan na nila ang gusto kong mangyari.
Isa na rin sa dahilan ay para maprotektaha ang lahi ko sa pagkakatuklas at sa mga pagtugis. Ang mortal ay para lamang sa mortal kayundin ang mga immortal na para lang din sa mga immortal.

Tumango ako kay Dylan dahilan para ipagtulakan niya si Rogue papalabas ng tarangkahan. Tumingin siya saakin at binigyan ko lang siya ng malungot na ngiti.

"I LOVE YOU" nanlaki ang mata niya ng sabihin ko iyun sa isipan niya. This is goodbye.

"From this day onwards no vampire shall enter the mortals teritory!!!"

Dahil sa kapangyarihan ko malakas na nagsisara ang mga pinto, lagusan, tarangkahan at daan patungo sa mundo ng mga mortal.

Simula sa araw na ito mamumuhay tayong magkahiwalay. Hangad ko ang kasiyahan mo.
Goodbye Rogue, goodbye my love.

-3RD PERSON-

Tulalang nakatingin ang binata sa napakalawak na kapatagan kung saan alam niyan nakatayo ang napakalaking palasyo ng mga bampira.
Napangiti siya ng mapait.

"I will protect you even if we're worlds apart" nagpalinga-linga siya ng marinig ang tinig ng dalaga pero agad ding huminto ng mapagtanto niyang sa isip niya lamang ito naririnig.

"I LOVE YOU RHEA!!!!!" sigaw niya sa malawak na kapatagan. Hinihiling na marinig ito ng dalaga kahit alam niyang napakaimposible nito.

"Goodbye Rogue, goodbye my love" hinihintay niya na muling marinig ang boses ng dalaga ngunit wala ng kasunod. Tumingala siya sa mabituing kalangitan hinihiling na tulad niya ay nakatingin din ang dalaga sa mga ito.

50 YEARS LATER
SOME ONE'S POV

"At duon nagtatapos ang kwento" napangiti ako sa itsura ng mga bata ng matapos ang kwento. Halatang hindi nila nagustuhan ang katapusan dahil sa mga nakabusangot nilang mukha.

"Hindi po ba sila nagkatuluyan Lolo?" Tiningnan ko ang apo kong babae na siyang nagtanong. Umiling ako sa kanya.

"Sa tingin mo apo? Malay mo magkasama sila." Napangiti ako sa isiping yun.
"Hay naku Dad hanggang ngayon ikinukwento niyo pa rin yan?"papalapit sa amin ang anak kong babae na may ngiti sa kanyang labi. Manangmana talaga siya sa kanyang ina.

"Pero tulad nila ay nagustuhan mo rin ang kwento" ilang ulit pa nga niyang ipanakwento saakin ang storya mula ng marinig niya ito mula sa akin.

"Yeah kaya nga yun ang pinaka-favorite kong kwento sa lahat. So kids how's your day?" Nagsitayuan ang pitong apo ko at lumapit sa kanya. Taon taon kong ikinukuwento sa kanila ang tungkol sa kahangahangang babae na siyang nagligtas saakin mula sa mga bampira.

"Come kakain na. Ikaw Dad?" Umiling ako sa kanya at ngumiti. Gusto ko pang magpahangin.

"Dito muna ako" tumango siya at naglakad na sila papunta sa bahay ko kung saan nagtitipon-tipon ang pamilya ko. Gusto ko ang tahimik na lugar at ang malawak na damuhan.

"Everytime I visit here you always tell that story" napalingon ako sa kanan ko kung saan nanggaling ang boses. May malalaking puno roon kaya medyo may kadiliman sa bahaging iyun. Naaaninag ko ang isang tao na nakatayo kahit sa nanlalabong mga mata ay alam kong isang babae yun na may mahabang buhok at ang tila pag-apoy ng pulang buhok niya kapag natatamaan ng liwanag.

"Rhea?!!!" Paanong nandito siya?. Napangiti siya na parang nabasa ang iniisip ko. Lumapit siya sa kinaroroonan ko. Malaki ang ipinagbago niya, mas naging mature at mas gumanda.

"Chasing some kids. Anyways palagi akong napapadaan dito at palagi ko ring naririnig ang mga kwento mo" naupo siya sa damuhan ay malayang nililipad ang buhok niya. Kitang-kitang ko ang pagiging kontento sa mukha niya pero may lungkot pa rin sa kanyang mga mata.

Nabalot kami ng katahimikan at malayang pinagmamasdan ang luntiang damo.

"So? How are you?" Wala sa sariling napangiti ako sa tanong niya.

"I'm fine. Today is my wife's death anniversary" ramdam ko ang mga tingin niya saakin pero hindi ko iyun pinansin at nagpatuloy lang sa pagtingin sa malawak na damuhan.

"I have 3 children. My eldest is a doctor, I have 3 grandchildren in him. The second one is a famous attorney and I also have 4 grandchildren in him. And the woman earlier is my youngest and only daughter, she's a chef" nakinig lang siya sa mahaba kong lintaya.

Dahil sa kanya ay nakaligtas ako mula sa tatlong bampirang muntik ng pumatay saakin. Dinala niya ako sa Divine Academy kung saan siya nag-aaral pero hindi ko na nakilala ang Director na sinasabi niya. Ang akala kong magulong buhay ko ay walang pinagkaiba sa mas magulong buhay niya.

I have seen her hardship and her struggle to fight all her enemies. Dahil sa kanya natutunan kong pahalagahan lahat ng bagay na meron ako. Nakontento ako sa kung anong meron ako. And I thanks her for that. Siya ang eye opener ko.

"Your Highness we found them" napalingon ako sa lugar kung saan galing si Rhea kanina. Nakaluhod ang tatlong lalake at may isa pang nakasandal sa puno. Tumayo si Rhea at ipinagpag ang suot niya

"It's nice seeing you again Kris"
Sa isang kisap mata ay nawala silang lahat ni bakas ay walang naiwan.
--------------------
Sinong akala niyo?
Comment niyo yung mga hula niyo.
Thanks!!!.

True Identity (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon