Ika Tatlumpong Kabanata

146 3 0
                                    

Napalunok ang binatang si Rogue habang nakatingin sa nakahigang dalaga.

"Anong gagawin ko?" Ang tanging naisip niya. Siya at ang binatang si Dylan lamang ang nasa loob ng kwarto. Pinalabas kasi ang lahat para magawa niya ng maayos.

Napabuga ng hangin ang binatang si Dylan at nilapitan ang binata at hinawakan ito sa balikat.

"Nauubusan na tayo ng oras" nilingon niya si Dylan na may naguguluhang mga mata.

"Pa.....paano?"
"Gamit ang kutsilyong to sugatan mo ang sarili mo at ipainom mo kay Aya ang dugo" hawak ni Dylan ang isang kustilyo na may nakaukit na asul na rosas sa hawakan nito.

Tiningnan ni Rogue ang kutsilyo at gamit ang nanginginig na kamay ay kinuha ito at tiningnan ng maigi at tumingin rin sa nakahigang dalaga na malalalim ang ginagawang paghinga.

Sa kamay niya nakasalalay ang buhay ng dalaga. Wala siyang makukuha kung tutulungan niya ito at wala rin siyang makukuha kung wala siyang gagawin.

Nagtatalo ang puso't isip niya.
Ang sabi ng isip niya ay wag itong iligtas dahil isa itong bampira, kalahi nito ang pumatay sa kanyang lola. Ang sabi naman ng puso niya ay tulungan ito sa anong dahilan? Hindi niya din alam kung bakit.

Ikinuyom niya ang isang kamay at tiningnan ulit ang dalaga.
Ano bang pinag-iisip niya? Ng siya ang nangangailangan ng tulong, tinulungan siya nito ng walang pagdadalawang-isip. Kailangan siya ng dalaga at siya lang ang may kakayahang tumulong dito.

Agad niyang sinugatan ang palapulsuhan at hindi ininda ang kirot na dulot nito. Tiningnan niya ang dugong tumutulo mula sa sugat niya.

Umupo siya sa tabi ng dalaga at inangat ito sa tulong ni Dylan. Dahan-dahan niyang inilapit sa namumutlang labi ng dalaga ang may sugat niyang palapusuhan at ipinainom ang dugo rito.

Malakas ang kabog ng dibdib, malapot na pawis ang tumulo sa kanilang dalawa habang hinintay ang magiging resulta.

Walang paggalaw, walang resulta. Bigo silang iligtas ito. Napaluhod ang binatang si Dylan na may lumuluhang mga mata habang nakatingin sa nakahigang dalaga. Habang tulala namang nakatingin si Rogue sa maputlang mukha ng dalaga.

May mali ba sa ginawa namin? Sinunod naman namin ang sinabi ng mangkukulam kaya bakit hindi pa siya nagigising?. Yan ang mga tanong na umiikot sa isip ni Rogue.

"H....hey.....wa....wake....up"
Gamit ang nanginginig na kamay ay maingat niyang binuhat ang dalaga at kinarga. Masuyo niyang hinaplos ang mukha nito.

"Ple...please wake up. Damn it!!! Wake up!!! Alliya....do....don't this. They are waiting for you!!!".
Kahit nakayuko ay kitang-kita ang mala-dyamanteng luha na nanggagaling sa mga mata ng binata na malayang pumapatak sa mukha ng dalaga.

"Ro...Rogue" lumapit na si Dylan para ilayo na ang wala ng buhay na katawan ng dalaga mula sa pagkakayakap ng binata.

"NO!!! Alliya!!! I'm begging!!! Open your eyes please" mahigpit na niyakap ng binata ang katawan ng dalaga  na tila ayaw nitong pakawalan.

"Rogue she's...." Hindi kayang sabihin ni Dylan ang salitang iyun dahil kahit siya ay hindi niya matanggap ito. Rinig na rinig niya rin ang mga iyak na nanggagaling sa labas ng kwarto.

"She's gone" mahina na tila isang bulong lang ang mga katagang iyun ngunit rinig iyun hindi lang ng binata kundi lahat ng nasa palasyo.

"NO!!!!!!" ang malakas na sigaw ni Rogue ang umalingawngaw  sa buong palasyo. Sigaw ng isang nagluluksa, ng naghihinagpis, sigaw ng naiwan, sigaw ng nabigo.

Hindi nakayanan ni Dylan ang nakikita kaya agad siyang lumabas. Tumambad sa kanya ang mga luhaang mga mata.
Nakayakap ang Ina ng dalaga sa asawa nito na parehong masagana ang mga luha.

*boogsh*

Malakas na sinuntok ng binatang si Lance ang pader at napaluhod siya. Wala man marinig na boses sa kanya ngunit ang paggalaw ng kanyang balikat ay tanda ng pag-iyak niya.

Hilam sa luha ang mga mata ng Hari. Nakakuyom ang mga kamay nito.

"Pre-prepare the Royal burial" masakit para sa kanya ang sabihin ang mga iyun. Ngunit yun ang nararapat para sa Prinsesang minahal ng marami. Ang bigyan ito ng marangal na libing.
-------------------------------
"Nasaan ba ako? Nasaan ba switch ng ilaw?" Naglakad lang ako kahit wala akong makita na kahit ano.

"Teka? Bakit ako nandito? Nasa laban ako kanina" sa sobrang pag-iisip ay biglang bumalik sa akin ang mga nangari.

FLASHBACK

I am walking in the Dark forest. I heave a sigh and stop walking. Bakit ba sumunod to? (=_=).

"Lumabas ka na" napataas ang kilay ko ng di siya lumbas at pinilit itago ang aura niya na nagsusumigaw kanina.

"Lalabas ka o ako pagpapalabas sayo?" The plants made a sound dahil sa paggalaw niya. Humarap ako sa kanya with blank expression. Hinayaan ko lang siya kanina pero hindi ko na siya hahayaan na sumunod pa.

"Saan ka pupunta?" My eyes narrowed into slits. I don't like the way his asking me and its not the proper way to ask, as if he was commanding me.

"Mag c-cr. Sasama ka?" It was supposed to be a joke but I guess it didn't work. Lalong bumibigat ang hangin sa paligid. Kailangan ko ng makaalis at matakasan ang isang to.

"Cut it will you. Where are you going? Kailangan ng Palasyo ang Prinsesa nila" napatawa ako ng pagak sa sinabi niya na siya namang ikinainis niya.

"So? Kailangan ka rin nila. Babalik naman ako." Agad na akong tumalikod. Kung sumunod siya wala na akong pakialam. Alam ko na kailangan ako pero mas mapoprotektahan ko sila sa gagawin ko.

Pumunta siya sa harapan ko na may galit na mukha. Napabuga na lang ako ng hangin.

"Kailangan ko ng umalis. Kung gusto mong malaman kung saan ako pupunta sumunod ka na lang at tumahimik" kapag lalo pa akong nakipagtalo sa kanya ay mas lalo akong magkakaproblema.

Nauna na akong maglakad at hinayaan siya. Tahimik lang siyang sumasabay sakin pero ramdam ko ang mga emosyon niya.

Natatanaw ko na ang bayan na tila isa ng haunted town. Sira-sirang mga bahay, patay  na mga halaman at madilim na kalangitan. Tss typical place to be a battle place.

Pamilyar saakin ang lugar na ito. Dito ako nakatira kasama ang mortal na mga magulang ko noon at dito ko rin unang beses na nakita na may mamatay at yun ay ang mortal kong mga magulang. Napapikit ako sa mga alaalang yun at napakuyom ng kamao.

"This....this is where you live" tumango na lang ako sa sinabi niya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hindi ka tumupad sa usapan"
-----------------
Oops hanggang dyan muna.
Vote and comment naman dyan
THANKSSSS!!!!!(^×^).

True Identity (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon