Pagpapatuloy

202 6 0
                                    

Slayer Alliya.
----------------------
"Ilan na bang mortal ang napatay mo ha?" Ngumisi siya saakin na tila ba nagyayabang na ikinataas lang ng  kilay ko.

"Sampung mortal na ang napatay ko at magiging labing-isa kapag napatay kita"

"Pffft....hahahahahahahahaha" napahawak ako sa tiyan ko ng sabihin niya yun saakin. Bakit ko nga ba itinanong yun? Ay bwisit nakalimutan ko na. Hahahahaha.

"Anong nakakatawa?!!!" I compose myself and with a smirk ay tinalikuran ko na siya. Walang patutunguhan ang pagbabangayan naming ito. Mabuti at nakapasok na sa kanilang dorm ang mga taga Sun at hindi na nila napapanuod ang bagay na ito.

"Wag mo akong tatalikuran!!!" Naramdaman ko ang mabilis niyang pagtakbo papunta saakin. Ilang dipa na lang ang layo niya ng bigla akong humarap at sinipa siya sa tiyan niya dahilan para tumilapon siya sa malayo.
-------------------------
"Pa-panong?" Dahan-dahang tumayo ang bampirang si Cheska at gulat na nakatingin sa  dalagang nakatayo sa gitna ng field. Isa siyang bampira pero bakit naramdaman niya ang sakit ng sipa ng isang mortal lamang?.

"Tanga pala ang kapatid ni Christian ano?"
"Oo nga, kapatid ngang kapatid niya di kinakalaban ang mortal na yan"
"Hindi niya ata kilala kung sino ang hinamon niya" napalingon siya sa mga bampirang nag-uusap, mga middle class ang mga ito. Nagtaka siya kung bakit sa pag-uusap nila ay parang pinupuri nila ang mortal?.

"Nakalimutan mo ata ang sinabi mo ng atakehin mo ako. Mamatay yun ang tawag mo saakin hindi ba?" Nanlaki ang pulang mata niya pero hindi niya ito ipinakita ngunit ngumisi pa na tila siya ang lamang sa nangyayari.

"Oo nga naman. Isa kang mama-"
"Gusto mong malaman kung ilan na ang napapatay ko ha?" Kinilabutan siya sa malamig nitong boses, napansin niya rin ang pag-atras ng ilan sa mga taga Moon dorm pero hindi siya magpapatalo sa isang mortal lang. Mas malakas siya rito kung sa pisikal na aspeto lang ang pagbabasehan.

"Mamatay!!! Palibhasa wala kang magulang!!! Walang nagmamahal sayo!! Hahahaha yun ang dahilan kaya ka pumapatay!!! Walang kwentang mortal" nabalot ng katahimikan ang buong paligid at duon niya lang naitindihan ang nabitawan niyang salita. Bigla siyang tumingin kay Rogue at nakita niya sa mata nito ang puot, disappointment at marami pang iba, maging kapatid niya ay umiling na lang.

"Ganun ba? Alam mo bang hunter ang tinutukoy mo? At hindi ako katulad nila. Ibang-iba ako sa kanila. Nakalimutan mo na siguro. Mas kilala akong bilang Slayer" slayer? Anong pinagkaiba ng dalawa kung pareho lang naman silang mamamatay.

"Tanga!!!wala silang pinagkaiba!!!" Dahan-dahang lumapit sa kanya ang dalaga na may kakaibang aura na ikinakakaba niya.

"Meron. Hunters kill vampires with no mercy they never think twice in killing a family of vampires or a town of vampires, Slayers kill those vampires who kill mortals without mercy. Slayers move on his/her own while hunters move on a group. Slayers is far more powerful than Hunters" sa isang kisap niya ng mata ay biglang naglaho sa kinatatayuan ang dalagang si Alliya. Balisa siyang naghanap na animo'y hayop na nacorner.

"I am a Slayer Ms. Valdez and I punished those who made a mistake like you" nanigas ang dalagang bampira ng marinig ang malamig na boses ng dalagang si Alliya sa likod niya. Mabilis siyang humarap at nagtangkang atakehin ito ngunit wala na ito sa harapan niya.

"I can kill you right now infront of your clan." Muli ay narinig niya ang boses nito sa kanyang likuran at pagharap niyang muli ay wala ito.

"Duwag!!! Harapin mo ako!!!" Tila baliw na naghanap ang dalagang bampira sa paligid niya. Galit ang tanging nakikita sa kanyang mukha.

"Sinong duwag?" Nanlaki ang pulang mga mata ng dalagang si Cheska. Sa harapan niya ay ang dalagang si Alliya holding a sword pointing straight in her heart.

"Wag mo akong hinahamon Cheska dahil baka pagsisihan mo ito ng sarili mong buhay at madagdag ka sa halos isanglibong bampira na napatay ko na" pagkatapos sabihin ang mga salitang iyun ay tumalikod na ang dalagang si Alliya at iniwan ang tulalang nakaupo na dalagang bampira.

Agad sumunod sa dalagang si Alliya ang dalawag  bampirang binata na sina Dylan at Lance. Naiwan naman ang binatang si Rogue na malamig lang na nakatingin sa nakalugmok na dalaga.

"Rogue..."
"Pinaniwalaan kita sa lahat ng sinabi mo, I should believe at my heart. Hindi ko alam kong bakit kita niligawan kung ganyan naman pala ang ugali mo. Oo nga pala ikaw pala ang nagligtas saakin noong banquet pero iniisip ko na baka pati yun ay kasinungalingan" hindi na hinayaan pa ng binatang si Rogue na magsalita ang dalaga at agad itong tinalikuran.

"Hindi ka ganyan Cheska kaya bakit?" Nilingon ng dalaga ang nagsalita at nakitang nakatayo ang nag-iisang kapatid na lalake, si Christian.

"Dahil puro na lang ang babaeng yun ang bida!!! Bakit palaging siya?!!!" Puno ng galit ang mukha niya ng sabihin ang mga iyun.

"Ikaw ang talagang nagseselos sa kanya. Alam mo kung bakit siya hinahangaan ng marami? Kaya niyang tumayong mag-isa, nabuhay man siyang walang gabay ng tunay niyang magulang ay hindi siya nagpatalo sa laban ng buhay, ginagawa niya ang tama hindi niya hinahayaan na matalo siya ng masama, nanaig sa kanya ang kabutihan, pantay ang tingin niya sa mortal at sa mga bampira na siyang naging kulang sayo. Nagpadaig ka sa selos" tulad ng ginawa ni Rogue ay tinalikuran din ni Christian ang kapatid.

Kahit kapatid niya ito ay mali pa rin ang ginawa nito na hinding-hindi niya kukunsintihin.
------------------------
"Mapapatay mo din ang babaeng yun" napatingin ang dalaga sa kamay na nakalahad sa kanyang harapan.

"Si-sino ka?" Isang misteryosong ngiti ang ibinigay ng estranghero sa dalaga.

"Planuhin natin ang pagkamatay ng babaeng yan. Sagabal siya sa mga plano kong pag-angkin sa trono" walang pagdadalawang-isip ay agad na kinuha ng dalaga ang kamay na nakalahad sa kanya.

Agad nawala ang dalawa na tila parang mabula.
--------------------------
Sino kaya yun?.

True Identity (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon