Ika Labing-isang Kabanata

249 9 1
                                    

For imaginary purpose lang ang picture
----------------------------
-Alliya-

Sabi nga nila kahit anong tago sa sekreto ay lalabas at lalabas pa rin ito at yun na nga ang nangyari. Nalaman pa rin ng Peacemaker at ni Director ang labang kinaharap naming tatlo nina Rogue at Dylan kung laban man yung matatawag.

Isinumbong ng mga Peacemaker ang ginawa namin at ang masaklap imbes na pasalamatan nila kami binigyan pa kami ng parusa. Asan ang hustisya sa kabayanihang ginawa namin?!!. Pwe kabayanihan eww!!!

Ang nakakainis pa binigyan nila kami ng parusa. Hindi na pinaglaro si Dylan sa lahat ng game para sa basketball team nila at ang nakakainis ay parang ayos lang sa kanya!!! Na siyang ikinaiinis ko!!!>.< ang parusa naman ni Rogue ay ang maging facilitator buong sporst feast na dahilan para ikabusangot ng mukha niya at ang inakukulo ng dugo ko ay ang parang pagiging patrol guard ko dahil sa nililibot ko ang buong Academy!!! Di ba nila alam kung gano kalaki ang premises nito?!. Nasan ba kasi si Cheska? nakakalimutan niya atang isa parin siyang Prefect of Discipline, malaman ko lang talaga na naggagala lang ang babaeng yun ipaparanas ko sa kanya ang naranasan namin ni Rogue dito (+_+).

"Pwede mo ba akong bisitahin?" Ay palaka ka!!! Muntik pa akong madapa dahil sa bigla nanamang may kumausap sakin. Wag mong sabihin na kalaban na naman to?.

"Sino ka?" Agad kong hinawakan ang baril na nasa lower leg ko aba panigurado tayo mahirap na at baka nasa paligid lang ang lokong to.

"Don't worry I'm not an enemy" dahil sa sinabi niya ay naningkit ang mga mata ko. May mga kilala na akong nagsabi niyan at ang resulta? Aatakihin ka sa likod.

"Why would I trust you?"
"Hahahaha. You never change. I am Lance the vampire you saw with chains" Lance...... Lance. Ahh ang gothic looking vampire na nakakadena ang leeg (=_=).

"So? Anong kailangan mo?"
"Bisitahin mo lang ako. Nagbobore na ako dito, wala akong makausap" lakas din ng tama nito gawin daw ba akong libangan.

"Ano ako intertainment mo? (-_-)"
"Sige na tsaka wala ka naman ibang ginagawa bukod sa paglalakad mo lang" tss sabagay ay tama naman siya.
-------------------------------
"Pano ka napunta rito?" Hindi nakatinging tanong ko kay Lance na kanina pa nakatingin sakin.>.>------->.>
Hindi niya ba alam na nakakailang ang ginagawa niya? Pasalamat siya at wala ako sa mood para barilin siya.

"Matagal na ako rito halos walongpung taon narin" (OoO) ganyan ang itsura ko. 80 years!!! Grabe maraming taon na din pala ang nasasayang ng isang to dito.

"Di nga?" Pero syempre hindi naman ako maniniwala agad malay natin kung isa pa lang sinungaling to (-_-).

"Totoo yun. Pagkatapos mawala ng prinsesa ay nandito na ako" prinsesa…………ang sabi ng marami bigla daw nawala ang prinsesa na siyang magiging tagapagpana ng trono, kasabay daw nito ay ang pagkamatay ng mga magulang nito na silang namumuno ng mga panahong yun at bilang paghalili ay ang lolo ng prinsesa ang namumuno na dating hari noon na siya namang hari ngayon. Tanging yun lang ang alam ko, wala kasing nakakaalam ng totoong nangyari.

"Kilala mo ang prinsesa?" Naupo ako sa harapan niya. Nacucurios kasi ako sa ikukwento niya sa hindi ko malaman na dahilan.

Bigla siyang ngumiti na parang may naalalang kung ano.

"Oo naman. Kababata ko siya, para ngang hindi prinsesa kung kumilos yun" the way he describes their prinsess makes his eyes sparks and brought smile to his lips.

"Maganda ba siya?" Bigla akong naexcite at kinabahan sa kung ano ang isasagot niya. Bakit ko ba to nararamdaman?(@_@)?.

Tiningnan niya ako sa mata at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko may gusto siyang sabihin sa mga tingin niyang yun. Iiwas sana ako ng tingin ng bigla siyang ngumiti sakin.

"Oo naman. In and out she's beautiful" nakatulalang nakatingin ako sa kanya. His smile, bakit parang nakita ko na yan?

"Where are you?" Nagulat ako ng bigla ko na lang marinig ang boses ni Dylan sa isip ko. Napatayo ako agad.

"Dylan" I said without realizing that I voice it out.

"Hindi kita makita ni hindi ko rin mahanap ang aura mo"
"Papunta na ako dyan" dali-dali akong naglakad para makalabas ng biglang magsalita si Lance.

"Babalik ka ba?"
"OO!!!" with that I run.
--------------------------------
"Dylan? Are you the same Dylan that I know? If yes, bakit hindi mo sinasabi sa kanya kung sino siya?" Nakatingin sa kawalan ang bampirang si Lance na tila nakikita ang kausap niya.

"Hindi siya nabibilang dito na kasama ang mga mortal. Matagal na siyang hinahanap ng Hari at kailangan na ring mapaalis at maparusahan ang prinsesang huwad na kasama ng kanyang mga magulang" sa huling pangungusap na iyon na kanyang sinabi ay biglang naglaho ang liwanag sa loob ng kwarto at naiwan sa kadiliman ang pulang mga mata niya na tila nagmamasid lang.
--------------------------------
Another update that you'll like it.
@animegoddessxD thank you for all your votes.

True Identity (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon