Ramdam ng lahat ang bigat ng hangin na pumapaligid sa buong kaharian, nakadagdag pa ang ingay ng mga sundalo at mandirigma na nag-iinsayo, mga sundalo na hinahanda ang kanilang mga sandata. Ang paroon at parito ng ilang mga alipin na hinahanda ang paglikas ng marami.
"Nasaan ang Prinsesa?" Tanong ng ginoo sa isang alipin na maraming dala-dalang gamit.
"Patawad po Ginoo pero wala pong nakakaalam kung nasaan ang Prinsesa maliban sa Mahal na Hari" magtatanong pa sana ang ginoo ng makarinig siya ng sigaw mula sa opisina ng Hari. Agad niyang tinungo ang kinaroroonan ng silid.
Nakatalikod ang Hari sa ginoo kaya hindi niya nakikita ang reaksyon nito. Dalawang binata ang kasama ng Hari sa loob ngunit ikinababahala niya ang ekspreyon ng mga mukha nito.
"Anong nangyayare dito Ama?" Hindi pa rin nagsalita ang Hari kaya itinuon niya ang atensyon sa dalawang binata. Napayuko ang dalawa dahilan para makaramdam ang ginoo ng sobrang kaba at takot.
"Umalis po si Aya at posibleng kasama niya si Lance" sa nanlalaking mata ay ibinalik niya ang tingin sa Hari na nanatiling nakatalikod sa kanila.
"Nakatanggap ang Prinsesa ng sulat mula sa rebeldeng pamilya" tiningnan ng ginoo ang lamesang nasa harapan at duon nakalagay ang papel na amoy ang dugo ng isang mortal.
"Hinahamon kita Prinsesa Rhea Alliya Montalban, ako na si Vincent ang pinuno ng pamilya Torres. Na makipaglaban ka saakin hanggang kamatayan, kung manalo ako ay ibibigay ko sayo ang kalayaan ng napakaraming mortal na aking bihag at kung hindi, hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa mga pinakamamahal mong mga mortal. Ikaw lang mag-isa ang pumunta dahil kung hindi sisirain ko ang palasyong tinitirahan ng mga mahal mo sa buhay. Magkita tayo sa lugar kung saan una mong nasaksihan ang kamatayan" malakas niyang pagbasa sa sulat na halatang sinadyang punitin para hindi mabasa ng makakakuha nito.
"Su-sumugod mag-isa ang a-anak ko?" Napaharap ang Hari ngunit walang ekspresyong sa mukha nito.
"Hindi siya nagpapigil" walang emosyon na sagot ng Hari. Lumapit siya sa Ama na tumatayo rin bilang ama ng napakaraming bampira.
"Ba-bakit h-hindi n-niyo siya pinigilan?" Tumulo ang ilang butil na luha mula sa kanyang mga mata.
"Magpapapigil ba siya? Mapipigilan mo ba siya....." tiningnan siya ng Hari sa mga mata. Halata sa mga iyun ang pag-alala at takot.
"May magagawa ba kayo?" Ang dalawang binata naman ang tinignan niya na pareho ding napayuko.
"Ang maghintay na lang ang tangi nating magagawa at wag na wag niyong ipapaalam sa lahat na ang Prinsesa nila ay wala. Makakaalis na kayo" tumalikod ang Hari na halatang may mabigat na dinadala sa kanyang mga balikat.
Walang nagawa ang tatlo at nagsimula na silang maglakad papunta sa pinto ng marinig nila ang boses ng Hari.
"Protektahan niyo ang palasyo at ang mga naririto habang ibinubuwis ng aking apo ang kanyang buhay sa labas yun na lang maitutulong niyo sa kanya".
Ilang oras ang lumipas pagkatapos mag-usap ng apat na lalake bago nagkaroon ng ingay na siyang nagpabulabog sa katahimikan ng kaharian.
"PATAYIN ANG NASA LOOB NG PALASYO!!!!" sa lahat ng direksyon ay sumusugod ang napakaraming bampira na siya namang pinaghandaan ng mga sundalo at ng mga taga palasyo.
"Ipagtanggol niyo ang palasyo at ang kaharian" utos ng Hari na nasa pinakatoktok ng mataas na tore ng palasyo. Mabigat na hangin ang siyang pumapalibot sa buong paligid habang naghihintay ang mga sundalo sa mga rebeldeng bampira.
Malakas na ugong ng isang tambol ang narinig sa buong kaharian na siyang hudyat ng mga sundalo para lumaban.
Ang magandang hardin ng palasyo ay tila isang dagat ng dugo, kama ng kamatayan sa mga bampira at sundalong namatay. Ang dating asul na langit ay sing-itim ng gabi. Ang dating tahimik na kapaligiran ay maririnigan ng mga ingay, iyak ng pagmamakaawa, sakit ng padurusa at kamatayan, sigaw ng may ipinaglalaban. Ang dating masayang lugar ngayon ay lugar ng kaguluhan, kamatayan, hinagpis, pagdurusa at ang lugar ng pag-asa.
"KAMATAYAN!!!!PARA SA KINABUKASAN!!!" sigaw ng isang bampirang sundalo na sinundan ng iba pa. Sa mata ng Hari makikita ang sakit at hinagpis. Marami sa kanyang mga tauhan ang namatay ngunit marami pa din ang nagpapatuloy para makamit ang payapang kinabukasan.
Lumipas ang maraming oras ng labanan sa lupain ng kaharian ngunit natapos ito at ang ingay ay napalitan ng katahimikan ng buong paligid. Ang dating mga bangkay ay unit-unting naging abo at isinama ng hangin sa paglipad.
Nakatayo ang mga tagapagtanggol ng kaharian, sa kanilang katawan ay tanda ng matinding laban. Bumagsak ang malakas ng ulan ngunit wala pa ring kumikilos at lahat nakatingin sa iisang lugar na tila may inaabangan.
Sa dilim at patak ng ulan makikita ang pigura ng isang lalake na tila may dala-dalang tao. Takot yun ang naramdaman ng marami.
"Lalake? Bakit mag-isa lang siya?" maririnig ang takot sa boses ng dating Hari. Hinihintay na may isa pang pigura ang mabuo.
Unti-unting naging malinaw ang pigura dahilan para mapaluhod ang binatang si Dylan, pumatak ang luha ng Hari at ng dating Hari, gulat ang makikita sa mata ng binatang si Rogue at hiyaw sa mga sundalo.
Ang binatang si Lance akay-akay ang katawan ng dalagang si Alliya sa dibdib niya makikita ang putol na talim ng espada, sa likod ng binata ay ang napakaraming mortal iyak ng pagluluksa ang maririnig mula sa kanila. Napaluhod ang binata dahil sa pagod at kalungkutan sa pag-angat niya ng mukha makikita ang sakit, hinagpis, lungkot at kasawian.
"Tu-tulo-ngan n-niyo si-siya" basag ang boses mula sa pag-iyak.
"Tulungan niyo siya!!!!ALLIYA!!!!!!!!!!!!!!!"
Umalingaw-ngaw sa tahimik na paligid ang iyak ng binata. Napatakbo ang dating Hari kasunod ang dalawang binata na sina Rogue at Dylan. Agad kinuha ng ginoo ang katawan dalaga at agad tinginan.
"BUHAY PA SIYA!!!!"
Nanlaki ang mga mata ng marami sa sinabi ng ginoo dahilan para mabuhayan sila ng loob. Maliligtas pa ang Prinsesa.
"HANAPIN ANG MGA MANGGAGAMOT!!!' dali-daling sumunod ang marami sa utos ng Hari.
There you go.
salamat at nakapag update na din. sorry sa mga nabitin sa inyo.
vote, comment and follow.
asahan ko yan.
Love lots.-lyn
![](https://img.wattpad.com/cover/34480466-288-k776102.jpg)