Tulala ang lahat na nakatingin pati ang mga sumusugod na bampira ay napatigil.
"TANGINA!!! Anong itinatayo-tayo niyo dyan?!! Kunin niyo si Cheska!!!" Sa sigaw ng dalaga ay agad kumilos ang mga bampira lalo na sina Christian at Rogue. Ngunit bago pa sila tuluyang makalapit ay hinarang na sila ng mga kalaban.
"Damn it!!! Dylan!!!" Dali-daling lumapit ang binata at dinaluhan ang dalaga. Magkatalikuran sila habang pinapatay ang mga kalaban.
"Bakit?"-Dylan
"Ihagis mo ako kung nasaan sila Cheska" tango ang isinagot ng binata at pinagsalikop ang kamay kung saan tatapak ang dalaga."You ready?"
"Oo" sa lakas ng binata nakatalon ang dalaga ng mataas. She flex herself like a gymnas. Landing gracefully at the back of the Pureblood she aim her gun straight to his heart with a click she pulls the trigger and the bullet struck its target, his heart. Naglaho na parang bula ang kanilang mga kalaban."Cheska!!!" Agad sinalo ng dalaga si Cheska ngunit dahil sa pagod ay pareho silang natumba.
"Christian!!" Lumapit agad ang bampirang tinawag. Pag-aalala ay kitang-kita sa kanyang itim na itim na mga mata.
Inilayo ng dalaga ang sarili niya para ang kapatid ni Cheska ang umalalay rito.
"Anong lagay niya?" Hindi nakatinging tanong ni Christian sa dalaga. Ang boses nito ay punong-puno ng emosyon.
"Kumalat na ang dugo ng bampirang yun sa kanya. Ano mang oras ay magigising siya na isa ng bampira"
"Wala ka bang magagawa para pigilan?" Tumingin si Christian sa mga mata ng dalaga na may pagsusumamo ngunit iling ang isinagot ng dalaga.
"Wala na Christian. Siguradong makaramdam ang kapatid mo ng sobrang sakit katulad ng sa mortal na nagbabago"
"Bampira?"
"Magigising?"
"Kapatid? Nino?" Tanong ng ilan galing sa Moon dorm na takang nagpapalit-palit ang tingin kay Alliya at kay Christian na kasalukuyang nakayuko."Ipaliwanag mo sa kanila karapatan nilang malaman. Tutulungan kita" sa huling sinabi ng dalaga ay tulalang nakatingin sa kanya ang bampirang si Christian ngunit nginitian lang siya ng dalaga na may pang-unawa.
"Oo at Salamat"
-----------------------------------------
Dahil sa tulong ni Alliya nalaman na ng buong Moon dorm at ni Rogue ang totoong pagkatao ni Cheska at kung bakit ito isang mortal.Nilapitan ng dalaga ang nakatayong si Rogue na pinagmamasdan lang ang kasalukuyang natutulog na si Cheska. Nasa loob sila ng Moon dorm.
"Para sa galit sa mga bampira natanggap mo agad ang pagbabago ni Cheska" bumuntong hininga ang binata at sinulyapan ang dalaga ngunit agad ibinalik sa natutulog na ai Cheska ang kanyang buong atensyon.
"Tatanggapin ko siya kahit sino at ano pa siya. Siya ang dahilan kung bakit buhay pa ako" binigyan ng nagtatakang tingin ng dalaga ang binata. Hindi niya maintindihan ang pinaparating nito.
"A-anong ibig mong sabihin?" Tila may bara sa lalamunan ng dalaga. May pakiramdam siya kung ano ang nangyayari.
"Matagal na yun. Siya ang nagtangka na pumigil sakin na pumasok sa banquet ng mga bampira pero you know me di ako magpapapigil. Nakagat ako pero sa tulong niya ay napigilan ang pagiging bampira ko" napakuyom ng kamao ang dalaga. Bakit ipinalabas ni Cheska na siya ang tumulong kay Rogue?.
"Ganun ba?. Sige kailangan ko na ring umalis" walang narinig na pagpigil ang dalaga kaya nagpatuloy siya at ni hindi lumingon.
"Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang totoo?" Pagak na tumawa ang dalaga at nilingon ang binata.
"Bakit pa Dylan? Wala naman akong makukuhang kahit na ano tsaka ginawa ko yun bilang isang concern na tao sa kapwa niya. Kung masaya si Cheska sa ginawa niyang kasinungalingan di pangatawanan niya pero ito ang tandaan niya hinding-hindi ko kakalimutan ang ginawa niyang ito" agad na tumalikod ang dalaga ni hindi hinintay kung may sasabihin pa ang binata sa kanya.
"Ayos lang ba talaga sayo Aya? Pero bakit nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman mo?. Umiibig ka na ngunit di mo ito inaamin sa sarili mo." Nakatingin ang binata sa likod ng papalayong dalaga. Hindi niya mapigilang masaktan para dito.
--------------------------------------
Heavy!!!!
Here you go. Another update na sana ay magustuhan niyo.