Pagpapatuloy

174 6 0
                                    

Vote, Comment and follow.
------------------------
Ayokong pumasok sa main door ng gym dahil baka makaagaw ako ng atensyon. So I decide na sa gilid na pinto na lang.

Sa gym ginaganap ang ball taon-taon at sa bawat taon na iyun ay iba-iba ang theme ng party. Last year's theme is masquerade and this time is Victorian. The gym looks like a big hall in Victorian time.

Sino bang nagsabi na dapat sa unahan ang mga officer? (=_=)?. Napabuntong hininga na lang ako at naglakad papunta sa unahan kaya nakuha ko pa rin ang atensyon ng ilan. Bwisit (+_+).

"Late ka ata ngayon Ms. Pres." Hindi ko pinansin ang pagbibiro ng co-officer ko bagkus itunuon ko sa paligid and atensyon ko. May mali talaga.

The program starts pero hindi naman ako nakikinig o nagpaparticipate. Bakit nga ba ako nandito? Oh yeah I remember ako ang President ng Sun dorm. Psh makalabas nga muna.

Malapit sa gym ang Academy forest. Mas maganda pa ata dun. I slowly walked on the cemented path walk na ginawa para sa mga maintenance na nag-aalaga sa mga halamang nandito.

I ended up in an open field. Naupo ako sa madamong sahig ng gubat and watch the beautiful night sky na parang sinabuyan ng mga hiyas sa dami ng mga bituin. Wala na rin ang bloodmoon, ilang minuto lang kasi itong nagtatagal.

"So you're here too" hindi ko na nilingon ang nagsalitang iyun sa likuran ko dahil naramdaman ko na ang aura niya ng paparating pa lang siya dito.

"Nakakasuffocate ang kakaibang paligid." Naupo siya sa tabi ko. I can see him in my peripheral vision. All white ang loko tapos hihiga sa damuhan? Yan ang madaling paraan para dumihan ang puting damit (=_=).

"Napansin mo rin pala" napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niyang yun. Ibig sabihin hindi lang ako ang nakapansin.

"Yeah anyways, kamusta naman ang buhay sa Moon Dorm?" Niyakap ko ang binti ko at isinandal ko ang baba ko sa tuhod. Halos mag-iisang buwan na rin siya sa kabilang dorm at ngayon ko pa lang siya nakamusta. Nagkikita kami kapag papasok sila pero hindi kami masyadong nakakapag-usap.

"Fine I guess? Kung hindi ko lang siguro kayo kilala ni Christian baka hindi na tayo makakapag-usap" napatango na lang ako sa sinabi niya. Hindi tanggap bilang mortal si Rogue sa bampirang dugo niya at ganun din sa mga bampira dahil sa dugo niyang mortal. Nabalot kami ng mapayapang katahimikan.

"Naglalaban pa ba ang dugo mong bampira at mortal?" Naramdaman ko ang mga tingin niya saakin ng itanong ko yun. Gumawa lang ako ng topic na mapag-uusapan.

"Hindi pa naman" bakit ba lagi kaming nauubusan ng pag-uusapan?.

Napatitig ako sa isang alitaptap na dumapo sa gown ko at ang isa ay nadagdagan pa ng isa at nadagdagan pa hanggang sa dumami na sila. Napatayo ako habang pinagmamasdan sila, ang gaganda nila kahit maliliit lang sila.

I open my palm at dumapo duon ang ilan. Ng buhay pa ang mga magulang ko (yung pinatay ng bampira) ay hinahayaan nila ako sa bakuran namin tuwing gabi para lang manghuli ng mga alitaptap na inilalagay ko sa isang garapon at pagkatapos ay papakawalan ko din. Isa yun sa mga alaalang iniingatan ko dahil kasama ko pa sila.

"Here" napatingin ako sa panyong nasa harapan ko at sa taong umabot saakin. Naramdaman ko ang likidong dumaloy sa mukha ko. Ilang patak ng luha, pupunasan ko na sana ng kamay ko ng siya na mismo ang nagpunas gamit ang itim niyang panyo.

"Thanks. Nakakahiya at nakita mo pa akong lumuha" tumalikod ako sa kanya. Ayoko kasing may nakakakita saaking lumuluha, pakiramdam ko kasi nagiging mahina ako.

"Wala ka dapat ikahiya. Natural ang umiyak." Naramdam ko ang paglagay niya ng coat sa balikat ko at iniharap niya ako sa kanya.

"Lahat umiiyak maging ang malalakas. Ito na ang pangalawang pagkakataon na nakita kitang umiyak." Nginitian niya ako, a sincere one dahilan para mapatitig ako sa mukha niya at naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng puso ko. Bwisit nakuha pa talagang maglandi ng puso ko.

I can't take away my eyes off him. Tulad ng dati ay ganito pa rin ang epekto ng mga mata niya saakin.

"You're beautiful in and out. Sa kabila ng pagigi mong matapang at palaban ay nakatago ang napakabait, matulungin, at maaasahang mortal. I am blessed that I met you. Alam mo bang pinagseselosan ko sina Lance at Dylan? dahil kilala ka nila at nakakausap ka nila kung kelan nila gusto. Hindi mo sila itinuturing na kalaban dahil sa pagigi nilang bampira." Napaawang ang bibig ko sa naririnig ko sa kanya. Para akong nabibingi na halos siya na lang ata ang naririnig ko.

"When I lost your trust and I made you cry parang sinaksak ng espada ang puso ko at hindi ko alam kung bakit. Maiinsulto ka ba kung sasabihin kong nakaramdam ako ng kasiyahan na malaman kong nagseselos ka saamin ni Cheska?" Nanlaki ang mga mata ko sa naririnig ko sa kanya. Shit!!! Magsalita ka Aya!!! Kahit ano!!!!.

Pinagdikit niya ang noo naming dalawa habang nakatingin sa mata ng isa't-isa. Bakit ganito kumilos ang lalakeng to?.

"Na realize ko kung ano ang nararamdaman ko ngayon-ngayon lang ng lumuha ka." Humiwalay ako sa kanya at tiningnan ang mukha niya.

"Ro-Rogue...." He cupped my face with his hands and look straight to my eyes.

"I-"

"AHHHHHHHHHH!!!!" isang malakas na sigawan ang pareho naming narinig.

"Sa gym" magkasabay na sabi naming dalawa at agad kaming tumakbo patungo sa gym. Bwisit na gown to, huminto ako sa pagtakbo kaya napahinto rin si Rogue at tumingin saakin.

"Mauna ka na, aalisin ko lang ang sagabal na gown ko" tumango siya at tumuloy na sa pagtakbo. Agad kong sinira ang laylayan ng gown hanggang lumagpas ito ng tuhod ko, mabuti na lang at tube style ang gown ko.

Ilang minuto rin ang itinakbo ko at hindi ko inaasahan ang tanawing nakikita ko. Lahat ng Sun dorm student ay nakabulagta at walang malay samantalang ang mga taga Moon dorm ay hawak-hawak ng mga bampira.

"May isa pa pala dito" kilala ko ang boses na iyun, and there standing tall si Cheska na may malademonyong ngiti. Naningkit ang mga mata ko dahil sa kanya. Traydor.

"Pureblood ngang maituturing ang dugo mo isa ka namang traydor ng lahi mo" imbes na mainsulto sa sinabi ko ay lalong lumaki ang ngumiti niya.

"Hindi ito pangtatraydor" napahalakhak ako ng malakas ng sa wakas ay nagsalita na rin ang talagang may pakana nito.

"O? Hindi nga ba Director?"

True Identity (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon