Ika-Dalawampu't Apat na Kabanata

184 10 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, para akong kinakabahan na ewan. Tatayo, uupo, maglalakad, titigil.

Mamayang gabi ay ang special event na ginagawa sa Divine Academy. Parang tradisyon na rin kung tutuusin. It was a grand ball to commemorate the day the Academy was founded. Kaya nga sa halos buong linggo ay naging busy kaming Sun Dorm at siguradong pati ang Moon Dorm pero ng mga panahon na yun ay nakakaramdam ako ng kaba at lalo na ngayon.

"Ms. Pres. Bakit hindi ka pa nakaayos?" Napalingon ako sa pumasok sa opisina ko. One of the Sun dorm's officer. Nakaball gown na siya at hindi ko naapreciate ang ganda ng suot niya.

"Susunod na lang ako" napaupo ako sa swivel chair ko na parang hapong-hapo ako. Umalis na din siya ng wala na akong sinabi.

Napatingin ako sa balcony ng opisina ko. Makapagpahangin nga muna. Agad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Bilog na bilog ang buwan at habang tumatagal ay parang nag-iiba ang kulay ng buwan.

Te-teka... Anong nangyayari? A-ang buwan. Pula. Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko ngayon. Blood Moon. Hindi ko maialis ang mata ko sa buwan. Pakiramdam ko ay may koneksyon kami.

Blood.
------------------------
"Alliya" nanatiling walang kibo ang nakatayong dalaga na parang  walang narinig.

"Alliya?" Ulit na tawag niya sa dalaga ngunit tulad ng unang nangyare ay para itong bingi. Napagdisyonan niyang lapitan ito.

"Alliya" kasabay ng pagtawag niya sa dalaga ay hinawakan niya ito sa balikat upang paharapin.

Napaatras siya sa nakikitang itsura ng dalaga. Mag-kaiba ang kulay ng mga mata nito. Ang isa ay asul at ang isang ay pula. Kilala niya ang bampirang may ganitong mga mata. Ang unang Hari at ang nawawalang Prinsesa.

"I-ikaw?"

"Magandang gabi sayo Christian" sa napakaseryosong boses binati ng dalaga ang Pureblood na binata.

-BLAG-

Kahit sa malakas na pagbagsak ng pinto ay hindi man lang napakurap ang dalaga. Mabibilis na yabag ang maririnig sa buong kwarto.

"Bakit kayo nagmamadali? Lance? Dylan?" Humarap ang binatang si Christian na may nanlalaking mga mata, punong-puno rin ito ng kalituhan at katanungan dahilan para mapatigil ang dalawa sa paglapit.

"Chris-Christian? Bakit ka nandito?" Pilit sinisilip ng binatang si Dylan ang dalagang si Alliya ngunit dahil sa binatang Pureblood ay hindi niya ito makita.

"Siya ang Prinsesa?" Parehong nanlaki ang mata ng dalawa sa itinuran ni Christian. Nangkatinginan silang dalawa at magkasabay na lumapit sa kinaroroonan ng dalaga at sa kinatatayuan nila ay pareho silang napako ng makita ang mga mata ng dalaga.

"A-Aya" nabaling sa kanila ang atensyon ng dalaga at ngumiti ito na parang natutuwa na makita ang dalawa.

Mag-sasalita sana ang dalaga ng biglang matakpan ng ulap ang pulang buwan. Nawalan ito ng malay dahilan para matumba siya na agad din namang nasalo ng binatang si Lance.

Dali-daling inihiga ng binata ang dalaga sa sofa.

"Alam niyong siya ang Prinsesa hindi ba?" Parehong nilingon ng dalawa ang nakatayong binata. Ilang minutong katahimikan ang lumipas bago nagsalita si Dylan.

"Oo. Kaya siguro nagbago siya ay dahil sa pulang buwan. Base kasi sa kasaysayan ipinanganak ang unang Hari sa gabi ng pulang buwan kaya niya nakuha ang magkaibang kulay ng mga mata at ganun rin ang nangyare kay Aya. Pareho silang may koneksyon sa pulang buwan" Buntong hininga ang huling narinig sa binatang si Dylan.

"All these time the lost Princess is here?! Bakit hindi niyo sinabi?" Matalim na tingin ang ibinigay ng binatang si Christian sa dalawa.

"Yun ang kagustuhan ng Hari. Maraming rason kung bakit itinatago ang Prinsesa. Una isa siyang mortal sa paningin ng marami, pangalawa oras na may makaalam na narito sa Divine Academy ang Prinsesa susugurin ng mga rebeldeng bampira ang Academy at maraming madadamay at ang gusto ng Hari ay ang Prinsesa mismo ang makatuklas sa totoo niyang pagkatao. Kaya sana maging lihim muna ang bagay na ito" pinagmasdan ni Christian ang walang-malay na dalaga at sa dalawang binata na parehong may seryosong mga mukha.

"Kung sa paraan na yun ko siya mapoprotektahan sige."

Ilang minutong katahimikan ang naghari sa buong paligid ng unti-unting magising ang dalaga.

"Oh? Bakit nandito kayong dalawa? At pati ikaw?" Nakataas ang kilay ng dalaga na nakatingin sa binatang si Christian.

"Napadaan lang" nanatiling nakatingin ang dalaga sa binata na parang sinusuri kung nagsisinungaling ito. Nagkibit-balikat na lang siya.
-----------------------------
"Ang porma din ninyong tatalo." Nakasuit silang tatlo. Black suit ang suot ni Lance, cream colored naman ang kay Dylan samantalang gray naman ang kay Christian.

"Bakit hindi ka ba aattend sa ball?" Napalingon ako kay Lance na nakaupo sa armrest ng sofa at tinaasan siya ng kilay.

"Sinong nagsabi na hindi? Psh. Magsilayas na nga kayo at magbibihis na ako" pinagtulakan ko sila palabas ng office ko.

Napasandal ako sa pinto ng maisara ko na ito. What happen? Yun ang tanong ko. Ang tangi ko lang na naaalala ay ang pagtingin sa bloodmoon at pagkatapos ay wala, blanko na parang nakatulog ako ng ilang minuto at sila ng tatlo ang nakita ko.

Bakit parang lalong naging kumplikado ng takbo ng buhay ko? I sighed and decide to put it aside at bukas ko na lang isipin.

"Off to go" lumabas na ako sa opisina at binagtas ang madilim na daan. Napatigil ako sa paglalakad dahil parang may nakamasid sa bawat kilos ko. Kakaiba ang gabing ito, sigurado akong may mangyayare. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi pinansin ang pares ng mga mata na patuloy na nakatingin saakin.
-----------------------------
Tatapusin ko ang story na to no matter what.
Hindi naman sa pagiging demanding or what pero gusto kong mabasa ang mga comment niyo either positive or negative man yan, sa mga votes and comments niyo kasi ako nakakakuha ng inspirasyon para lalong magsulat at hindi po yun sa pambubula lang.

True Identity (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon