"Tulad ng narinig mo kay Victor sampid lang ako sa pamilya nila. Tinuruan nila ako sa paraan nila ngunit hindi ako katulad nila. Naniniwala ako na may mabait at masamang bampira tulad ng mga mortal." Tulalang nakatingin ang binatilyo sa dalagita. Iba ito sa mga nakilala niyang hunter. Mali dahil hindi ito isang hunter.
"Pero isa akong slayer" halos lumuwa ang mga mata ng binatilyo sa kaalaman na isang slayer ang kaharap niya. Lahat ng bampira ay pinangingilagan ang mga tulad nitong slayer dahil sa kaalamang pinapatay nito lahat ng makaharap na bampira.
"S-slayer?"
"Oo, sandata ko ay dalawang espada"
"IKAW!!! Ikaw yung nagligtas sa isang bampira na nagligtas sa isang batang mortal" tumango ang dalagita sa sinabi ng bampira."Ahh yun. Inosente ang bampirang yun, wala na ngang pangil yun" parang wala lang na kwento ng dalagita at ipinagpatuloy ang pagbabasa.
Lumipas ang mga araw at naging magkaibigan ang binatilyo at dalagita hanggang may di inaasahang nangyari.-SLAP-
Napahawak ang dalagita sa kanang pisngi na sinampal ng lalake ni hindi niya pinakita na nasaktan siya dahil turo mismo ng mga ito na wag magpapakita ng kahinaan sa harapan ng kalaban mo."Bakit mo iniligtas ang batang yun!!!" Kitang-kita ang galit sa mga mata nito na nakatingin sa dalagitang nakayo sa kanyang harapan.
"Bata lang po siya" walang takot na sagot ng dalagita sa lalakeng pinuno ng pamilyang umampon sa kanya. Pinalaki siya nito pero iba ang pagtingin niya sa buhay kumpara rito at sa pamilya nito.
"Isa pa ring bampira ang batang yun!!!" Kitang-kita ng dalagita ang nagbabagang mga mata nito na nakatingin sa kanya, tinuruan siya nito na lumaban at maging malakas pero ang tanggapin ang mga prinsipyo nito sa buhay ang hindi kayang tanggapin ng dalagita.
"Inosenteng bata na maiituturing"-dalagita
-SLAP-
Isang malakas na sampal ang muling natanggap ng dalagita dahil sa pagsagot niya. Pinapapatay sa kanya ang isang batang bampira sa isang maliit na bayan. Inaalagaan ito ng mga taga roon. Ang nais mangyari ng kanyang amain ay patayin ito bago makapanakit ngunit dahil likas sa dalagita ang pagiging makatarungan at pantay hindi niya sinunod ang utos na ikinagalit ng amain."Pinalaki kita kaya dapat mo akong sundin!!!" Akma ulit nitong sasampalin ang dalagita ng magsalita ang bampirang bihag nila sa nakakatakot at seryosong tono dahilan para mapunta rito ang kanilang atensyon.
"Itigil mo yan" nakayuko ang binatilyo kaya hindi nakikita ng mga ito ang kanyang mga mata na pulang pula, ang pangil na mas lalong tumalim.
"Tumahimik ka walang silbing bampira!!!" Papaluin sana ito ng metal na baston ng lalake ng humarang ang dalagita at ito ang tinamaan ng baston.
"Shit" daing ng dalagita ng tumama ang baston sa kanyang likuran.
"Pati ba naman ang bampirang to poprotektahan mo?!!!" Di pinansin ng dalagita ang amain at lumapit sa kaibigang bampira.
"Tumakbo ka pag-"
"AHHHHHHH!!!" Nanlaki ang mga mata ng mga naroroon sa silid sa nasasaksihan. Nasira ng binatilyo ang mga kadenang pilak na nakatali sa kanya. May nanlilisik at mapupulang mga mata, pangil at kuko na singtalim ng espada."PATAYIN ANG BAMPIRANG YAN!!!" Sinugod ng buong pamilya ang binatilyo na nasa ilalim ng blood lust. Tulalang nakatingin lang ang dalagita sa nangyayari habang unti-unting namamatay ang pamilyang kumupkop sa kanya.
-BLAG-
Pabalyang itinapon ng binatilyo ang katawan ng lalake. Ang lalakeng nanakit sa dalagita, ang kanyang tamer at pinuno ng pamilyang dumakip sa kanya."D-Dylan" walang takot na nakatingin sa kaibigan ang dalagita habang inaabot ito.
"Labanan mo ako Aya"
"Bakit?"
"I-tame mo ako" doon naunawaan ng dalagita ang ibig sabihin nito. Nasa ilalim pa rin ito ng bloodlust at maaaring pati siya ay mapatay nito at kapag natame niya ito ay hihinahon ito. Lumaban sila pareho na halos kumitil sa buhay nila. Nanalo ang dalagita sa kadahilanang wala sa tamang pagiisip ang binatilyo.
Ipinalabas ng dalagita na isang pagnanakaw ang dahilan sa pagkamatay ng kanyang pamilya at nautusan siya na pumunta sa ibang bayan kaya tanging siya lang ang nakaligtas. May ilan na nakakaalam sa tunay na nangyari ngunit tikom ang bibig.
Napunta sa dalagita ang mga yaman at ari-arian ng Reyes.-END OF FLASHBACK-
"Tama na ba yun?" Bwusit pati tuloy ang pagiging ulila ko naungkat. (=_='')"Problema niyo? (-_^)" makatingin ang mga to.
"Mas mayaman ka pa sakin" napanganga ako sa sinabi ni Director Luis. Yun lang? Sa haba ng ikinuwento ko sa kanila?
Tsk tsk tsk.
Makaalis na nga dito.
------
Nakakatuwa dahil kahit papano ay may nagbabasa.
Pakilala kayo. ^______^
![](https://img.wattpad.com/cover/34480466-288-k776102.jpg)