Ika-Dalawampu't Siyam na Kabanata

156 4 0
                                    

The ever handsome
Mabibilis na yabag ang maririnig sa buong palasyo. Ang buhay ng kanilang Prinsesa ay nasa bingit ng kamatayan.

Walang magawa ang tatlong binata kundi ang manuod lang na pagkaguluhan ang dalaga, sa tabi nila ay ang magulang ng dalaga na parehong may mga luha sa kanilang mga mata.

"Sa labas na lang po kayo maghintay" ang sabi ng isa sa mga manggagamot.

Aangal pa sana ang binatang si Lance ng tingnan siya ng Hari dahilan para agad siyang lumabas kasunod ng dalawa pang binata at ng magulang ng dalaga.

"Ma-maliligtas siya hindi ba Ama?" Kitang-kita ang lungkot sa bluish gray eyes ng ginang. Matagal bago sumagot ang Hari.

"Hindi ko alam" dahilan para umiyak ang ginang at ikayuko ng mga nakarinig.

Makalipas ang ilang oras ay lumabas ang pinunong manggagamot na may malungkot na mukha at bagsak na balikat na ikinatakot ng mga naroroon.

"Naialis na po namin ang putol na espada sa dibdib ng Prinsesa ngunit hindi pa rin naghihilom ang sugat at hindi rin siya nagreresponde sa aming pagtawag." Napakuyom ng kamao ang binatang si Dylan sa narinig. Alam niya ang dahilan kung bakit hindi maghilom ang sugat ng kaibigan.

"At kailangan po niya ng dugo ng mortal" napaangat ng mukha ang binatang si Rogue sa narinig at nakadama ng galit. Hindi ba pwedeng iligtas ang dalaga sa ibang paraan?.

"Hindi niyo po siya mapapainom ng dugo" napatingin ang lahat ng naroroon sa binatang si Dylan na nakayuko at nakakuyom ang kamao. Pagtataka ang makikita sa kanilang mga mata.

Naningkit ang mata ng Hari at tiningnan ang binata.

"Magsalita ka" nag-angat ng mukha ang binata na may lungkot sa kanyang mga mata.

Matagal bago nagsalita ang binata at tumingin sa pintong nakasara kung nasaan ang dalaga.

"Simula ng magbago siya ay hindi pa siya uminom ng dugo ng mortal at kahit ng hayop. Yun ang dahilan kaya matagal ang paghilom ng sugat niya" makungkot na paliwanag ng binata.

"Pinuno,pinainom na po namin ang Prinsesa" nanlaki ang mga mata ng binata sa narinig mula sa manggagamot.

"Hindi niyo dapat ginawa yun!!!" Dali-daling pumasok sa kwarto ang binata at agad tumabi sa dalaga. Nakasunod sa kanya ang ilan, pagtataka ang kitang-kita sa kanilang mga mata.

"Anong ibig mong sa-" hindi pa tapos ang dapat sasabihin ng Pinuno ng manggagamot ng sumuka ng dugo ang dalaga na halos mapuno ang isang timba.

Nagkagulo ang mga manggamot at tinangkang paalisin ang binata.

"Gaano karaming dugo ang pinainom ninyo?" Iba ang tono ng boses ng binata. Takot.

"I-isang baso lang"

"Ayaw ni Aya ang uminom ng dugo ng mortal kaya nagpagawa siya ng orasyon sa isang mangkukulam. Kapag uminom siya ng dugo ng mortal doble o higit pa itong ilalabas niya" sa sobrang pagmamahal ng dalaga sa mga mortal ay isinasakripisyo nito ang sariling buhay.

Umiyak ang ina ng dalaga.

"Ama ang anak ko" nasasaktan ang Hari sa itsura ng kanyang anak at sa kalagayan ng kanyang apo. Sobra-sobrang sakripisyo na ang ginawa ng pamilya niya para sa mga mortal.

"Hanapin niyo lahat ng mangkukulam sa buong mundo" matigas ang tono ng boses niya. Agad nagsipagsunod ang tauhan ng palasyo. Hindi pwedeng mawala ang Prinsesa nila ito ang nagbigay sa kanila ng pag-asa.

Lumipas ang maraming araw at patuloy pa rin sa paghahanap ng mangkukulam ang buong kaharian. Unti-unting humuhina ang katawan ng dalaga na siyang ikinakatakot ng marami. Nauubusan na sila ng oras.

"Ikinagagalak kong makilala ang Hari" yumuko ang bisita bilang pag-galang. Bata itong tingnan pero alam ng lahat kung paano baguhin ng mga mangkukulam ang kanilang kaanyuan. Gusto ng mga ito na manatiling bata sa panlabas kaya kung anu-anong orasyon at inumin ang ginagawa ng mga ito.

"Nabalitaan ko ang inyong suliranin" naningkit ang mata ng Hari sa sinabi nito. Base sa tono ng boses nito ay may alam ito sa nangyayare.

"Magsalita ka"
Ngumiti ito ng makahulugan sa sinabi ng Hari. Nanlaki ang mata ng binatang si Dylan kilala niya ang amoy ng mangkukulam na nasa harapan ng Hari.

"Ikaw yun!!!" Naagaaw niya ang atensyon ng lahat maging ang mangkukulam dahilan para ngumiti ito ng malaki.

"Ahhh nagkita tayong muli"

"Naghihintay ang Hari" bumalik sa Hari ang atensyon ng mangkukulam at humingi ng paumanhin.

"May solusyon pa sa problema niyo" nabuhayan ng loob ang lahat. Maliligtas ang Prinsesa nila.

"Ipagpatuloy mo" ngumiti ang mangkukulam.
"Lahat ay may kapalit pero kung para sa dalagang ibinuhis ang sariling buhay gagawin ko. Kung dugo ng mortal at hayop talagang hindi tatanggapin ng katawan niya pero kung galing ito sa isang halfblood posibleng mailigtas siya at sa loob ng palasyong ito mayroong nag-iisa" nagkaroon ng bulungan sa buong bulwagan dahilan para maging maingay.

Natahimik naman ang binatang si Rogue. May hula na siya na posibleng siya ang tinutukoy ng mangkukulam pero matagal ng hindi umaatake ang dugo niyang bampira kaya maaring hindi rin siya.

"Sino?" Agad tumingin sa gawi ng binata ang mangkukulam kaya napaatras siya. Sa klase ng tingin nito ay para siyang sinusuri at pinag-aaralan. Lumaki ang ngiti ng mangkukulam.

"Siya. Ang binatang yan" gamit ang kanyang kapangyarihan ay nagawa niyang mapalapit ang binatang si Rogue kahit hindi ito gumalaw ng kusa.

"Isa siyang mortal ngunit nanalaytay sa ugat niya ang dugo ng bampira" umatras ang binata. Ano ba ang pinagsasabi ng mangkukulam na ito?

"I was bitten but I'm not a halfblood" nagtatangka siyang umalis sa kinatatayuan niya. Ayaw niya ng atensyon.

"Fuck!!! Bakit di ako makaalis?" Ang sigaw niya sa isip. Nginitian lang siya ng mangkukulam dahilan para sumuko siya sa pagpupumiglas.

"Hindi na dugo ng bampirang kumagat sayo ang dumadaloy sa ugat mo kundi ang dugo ng Prinsesa" marahas siyang napalingon sa mangkukulam, mata'y nanglalaki.

"Pa-paano?" Ngumiti sa kanya ang mangkukulam at tumingin sa Hari na may naguguluhang mga mata.

"Ang akala ng binatang ito ay pinahinahon lang ng Prinsesa ang dugong bampira niya ngunit duon siya nagkamali. Ipinalit ng Prinsesa ang dugo niya para maiwasan ang pagbabago ng binatang ito sa pagiging level E vampire, ang bampirang wala na sa sarili" hindi makapaniwala si Rogue sa nalaman niya. Napahawak siya sa dibdib niya. Nasa ugat niya ang dugo ng isang maharlika.

Katahimikan ang namayani sa bulwagan na binasag ng Hari.

"Rogue, please help my granddaughter I'm begging you" gulat ang makikita sa mga mata ni Rogue. Ang Hari nagmamakaawa sa kanya na isa lamang mortal.

"We're begging you" lahat ng bampira sa loob ng bulwagan ay nagsiluhod sa kanya. Ganito kamahal ng lahi niya si Alliya at maging ng mga mortal at ganun din siya. Oo mahal niya ang dalaga sa kabila ng pagiging bampira nito.

Another update.
Hope you'll like it.
Vote and comment.

Love lots.
-lyn.

True Identity (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon