Papunta ako sa library para kumuha sana ng libro ng makita ko ang pagmumukha ni Peke, yun ang ipinangalan ko sa kanya. Bwisit maagang nasira ang araw ko dahil sa babaeng to. Mabilis akong tumalikod para pigilan ang galit na nararamdaman ko.
"Going somewhere?. O nahihiya ka dahil ako ang tunay na Prinsesa?" Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niyang yun. Nilingon ko siya at pinameywangan.
"Sa pagkakaalam ko espalto lang ang masyadong makapal bakit inaagaw mo?" Napangisi ako ng makita ko ang inis sa mukha niyang parang ginawang coloring book ng isang bata.
"How dar-"
"How dare me? Oh come on masyado ng gasgas ang linyang yan" now I'm enjoying this banter or ours. Naglakad ako papalapit sa kanya like a predator stalking her prey."Walang hi-" hindi naman halata na ayokong patapusin ang sinasabi niya.
"Walang hiya? Sino ba saating dalawa? Ako o ikaw?. May itatanong ako sayo, do you know a vampire named Luis and Vincent? " Kahit alam ko naman ang sagot ay kailangan pa ring sa kanya to manggaling. nanlaki ang maliit niyang mata. Bingo.
"At kung hindi anong gagawin mo?" malakas pa rin talaga ang loob nito kahit huling-huli na.
"Gagawin? why would I tell you? by the way ang ganda palang panuorin ang ulong gumugulong sa lupa and guess what kung kaninong ulo ang sinasabi ko" malaki ang ngising ibinigay ko sa kanya. Wala siyang imik sa sinabi ko. Kaya lumapit ako sa likuran niya at ibinulong ang pangalan ni Director Luis.
"HAYOP KA!!!!" Fuck!!! nasira ang pader ng palasyo dahil sa pagsipa niya saakin. Hindi ko yun inaasahan. Napaligiran ako ng mga debris. Nakaagaw kami ng atensyon.
"Walang makikialam" napahinto ang mga nagtatangkang lumapit sana saamin. Pinigilan ni General Frer si Ama sa tangkang pagsugod sana.
-----------------------
Tumayo ang dalaga at pinagpag ang mga alikabok at duming kumapit sa kanyang damit. Nakangisi pa niyang hinarap ang kalaban na tila nang-uuyam."Base sa reaksyon mo ay kilala mo ang traydor na iyun." Naging malamig ang boses ng dalagang si Aya at tiningnan sa mata ang kalaban sa pamamagitan ng kanyang magkaibang kulay na mata. Kahit takot na ang nararamdaman ng kalabang dalaga ay tiningnan niya pa rin ito ng masama.
"Gagawin ko rin sayo ang ginawa mo kay Luis!!!!" agad sumugod ang dalaga kay Alliya na tila sabik na mamatay ito at maalis sa landas nilang mag-ama
"Kaya mo kaya?" gamit ang kaliwang kamay ay hinawi lang ng dalaga ang papasugod na kalaban at napasubsob ito sa lupa.
"Hindi ka na dapat bumalik!!! pamilya na sana namin ang mamumuno sa lahi ng mga bampira!!!" sumugod ang dalaga kay Alliya na kampante lang na nakatayo na parang may hinihintay. Agad niyang hinawakan ito sa leeg.
"At hayaan kayong sirain ang payapang pamumuhay ng maraming bampira?" sa sikat ng araw kumislap ang matatalas na pangil ng dalagang si Alliya.
"Patayin mo man ako ay patuloy pa rin ang ACCCK!!!" nagpumiglas ang kalabang dalaga na halatang hindi man lang mapaluwag ang pagkakawak sa leeg niya.
"Sinong nagsabing papatayin kita agad?" kinagat ni Alliya ang kalabang dalaga na halos narinig ng lahat ang malakas na sigaw nito.
"AHHHHHHH!!!!" binitiwan ni Alliya ang dalaga dahilan para bumagsak ito sa lupa na nanghihina.
"lason ang dugo ko para sa mga bampira na hindi tinataglay ang simbolo ng aming pamilya. Unti-unti ay papatayin ka nito sa loob hanggang sa ikaw na mismo ang humiling na mamatay. Umalis ka sa harapan ko bago pa magbago ang isip ko at patayin na kita" kahit nanghihina ang dalaga ay agad itong tumayo at dalidaling tumakbo ngunit tumingin pa ito na may nagbabagang mga tingin.
"Hindi pa dito ito nagtatapos" matapos niyang sabihin iyun ay dalidali siyang umalis.
Tahimik yun ang namayani sa buong paligid at sa mga nakasaksi. Tulala silang nakatingin sa nakatayong dalaga na nanatiling magkaiba ang kulay ng mga mata at nasisinagan ng araw ang pula niyang buhok.
"Maghanda kayong lahat nalalapit na ang katapusan" nakaalis na ang dalaga ngunit tulala pa rin ang lahat.
"General Frer paghandain mo ang lahat ng sundalo, mandirigma at magaling makipaglaban pati na rin ang mga sandata. Mag-utos ka sa mga maglilikas. Mamayang gabi magsisimula ang katapusan"
Utos ng Hari na agad sinunod ng Heneral at dahilan para makaramdam ng takot ang ilan. Giyera ang salitang ayaw nilang marinig, pagka't kaguluhan, pagkasira at kamatayan ang tanging hatid nito ngunit kung wala namang giyera hindi nila makakamit ang katahimikan, kapayapaan, kasiyahan at magandang pamumuhay.
"A-Ama talaga bang anak ko na a-ang dalagang yun?" Kitang-kita sa mga mata ng ginoo ang pangungulila, takot at kalungkutan na sinasalamin rin ng mga mata ng kanyang esposa.
Ngumiti ang Hari at tiningnan ang dinaanan ng dalaga.
"Oo siya nga. Ang dalagang yan ay ang sanggol na ipinagmalaki ng aking asawa at ang magdadala ng maganda at tahimik na pamumuhay natin."
Naluha ang ginoo gayundin ang ginang. Maling pagkakamali ang kanilang nagawa, nasa harapan nila ito ngunit itinanggi nila at napagsalitaan ng kung ano na siyang nakasakit dito.
-------------------------
Lame update kaya pagpasensyahan niyo na pero sana magustuhan niyo pa rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/34480466-288-k776102.jpg)