Pagpapatuloy.

192 8 1
                                    

Halos isang linggo na ako rito sa kwartong hindi ko alam kung kanino. Wala akong kinakausap bukod kay Dylan kahit ang Hari hindi ko kinakausap kapag naririto siya.

Mula ng mapanaginipan ko ang Royal Family parang nawala ang buong pagkatao ko. Ako nga ba talaga si Rhea Alliya Reyes? Mortal nga ba talaga ako? Sino ako? Ilan lang yan sa napakaraming katanungan na gumugulo sa isip ko.

"Kumain ka na ba Aya?" Hindi ko sinagot ang tanong sakin ni Dylan and I heard him sigh at nilapitan ako. Ipinatong ko sa balikat niya ang ulo ko.

"You can tell it to me" napangiti ako sa sinabi niya. He always stay at my side no matter what and I am grateful na may kaibigan akong tulad niya.

"I feel lost Dy. Para akong nanakawan ng katauhan. Sino nga ba ako? Where do I belong? Nababaliw na ako" I feel that my eyelids become wet and I look up to prevent the tears from falling.

"Hindi isip ang paganahin mo Aya. Hear your heart and you will find an answer" he pats my head and I feel at ease with his advice. Katahimikan ang bumalot saamin ngunit siya rin ang bumasag nun.

"Someone wants to talk to you"
"Let me guess? Si Rogue?" Tumango na lang siya sa sinabi ko. Simula pa kanina ay alam kong nasa labas lang si Rogue kahit si Lance ay alam kong nasa labas lang din.

"I will talk to him"
"Sige" he stands up at binuksan ang pinto. Hindi ko na pinakinggan pa ang pinag-usapan nila bago tuluyang pumasok si Rogue.
----------------------------
Tuluyang lumabas ang binatang si Dylan at hinayaan na ang binatang si Rogue ang pumasok sa loob.

He look at the back of Alliya with emotionless eyes.

"Why did you attack Cheska?" Humarap ang dalaga na may blangko ding mukha.
"Who told you that lie?" Naningkit ang mga mata ng binata sa isinagot ng dalaga. Bakit hindi na lang nito sagutin ng tama ang tanong bagkus tanong rin ang isinagot sa kanya.

"Pwede ba Rhea?!!! Sumagot ka na lang ng maayos!!!" Hindi na napigilan ng binata ang pagtaasan ito ng boses.

"Why would I answer you? Kung wala naman dapat sagutin. Si Cheska ang nagsabi sayo na inatake ko siya, bakit saaming dalawa ako ang nawalan ng malay?" Napaawang ang labi ng binata sa sinabi ng dalaga, may punto ito kung tutuusin pero muntik na nitong mapatay si Cheska na girlfriend niya.

"I saw you choking her!!!" Napatawa ng pagak ang dalaga sa sinabing iyun ng binata na ikinataka ng huli.

"Hahaha yes I admit that pero sa tingin mo ba ay mamatay siya sa pagsakal lang? Nakalimutan mo atang isa siyang bampira." Nawalan ng sasabihin ang binata sa binatawang salita ng dalaga, tama ito pero iba ang nakita niya ng mga oras na sinasakal nito si Cheska, gusto nitong mawala ang dalaga.

"Ikaw nga talaga ang umatake sa inyong dalawa?" Hindi pa rin siya aalis sa kwartong to hanggat hindi ito umaamin.

"Nanahimik ako ng araw na iyun ng bigla siyang sumulpot at magsalita ng kung anu-ano, nagpasensya ako pero talagang highblood ang GIRLFRIEND mo" she said giving emphasis at the word girlfriend.

"Bakit mo nga siya inatake?"
"I've said my reason" tumalikod na ang dalaga senyales na hindi na niya papakinggan pa ang sasabihin ng binata at ayaw niyang malaman nito ang pang-iinsultong ginawa sa kanya ni Cheska.

"Your jealous" salitang ikinalingon ng dalaga rito.
"I am what?!!" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga rito. Anong gusto nitong iparating?.

"Nagseselos ka saamin ni Cheska. Yun ang dahilan hindi ba?" With a smirk on his face he looked down at Alliya who was still sitting on the bed.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga, inaamin niya sa sirili na may nararamdaman siya para dito pero hindi ibig sabihin nun ay gagawa na siya ng hindi maganda.

"And base on your reaction ay tama ako. Hindi mo kailangan saktan si Cheska dahil lang nagseselos ka saamin!!!" Nakakuyom ang kamao ng binata habang nakatingin sa dalagang nakayuko.

"Yun ba ang sinabi niya sayo? Magkapareho kayong dalawa, mapanghusga kayo. Akala ko ba kaya ka narito ay para malaman ang side ko? So why are you judging me?" Napaatras ang binata sa malamig na boses ng dalaga ngunit kahit nakayuko ito ay kitang-kita niya ang nagkikislapang likido na tumutulo mula sa mga mata nito. Bakit ito umiiyak?.

"Alam mo ba kung anong pangiinsulto ang ginawa saakin ng girlfriend mo? Wala siyang karapatan na sabihan akong mamatay!!! at walang kwenta porke't lumaki akong walang gabay ng tunay kong magulang!!!" Inaangat ng dalaga ang kanyang mukha at kitang-kita sa mga ito ang hinanakit at puot dahilan para lumabot ang mga mata ng binata. Lalapitan na niya sana ito ng muli itong magsalita.

"Alam niyo ba ang paghihirap na dinanas ko ha? Para insultuhin niyo ang pagkatao ko?!!! Wala kayong karapatan dahil hindi niyo ako kilala!!!" Tulalang nakatingin ang binata sa dalaga. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito dahil ang sinabi sa kanya ni Cheska ay nagseselos ito sa kanila pero bakit iba ang sinasabi nito?.

"Umalis ka na. Wag kang mag-alala hindi ko kayo pakikialaman pero ito ang sabihin mo sa magaling mong girlfriend wag na wag niyang inuubos ang pasensya ko dahil sisiguraduhin ko na tatapusin ko ang hindi ko nagawa. At sinisiguro ko na hindi na magtatagpo ang mga landas nating tatlo dito sa Academy. Pwede ka ng umalis" nagpunta sa pinto ang dalaga at binuksan ito ng malaki indikasyon na umalis na siya.

Napabuntong hininga ang binata at naglakad papunta sa pinto. Nasa tapat na siya ng pinto ng biglang magsalita ang dalaga.

"Nawalan ako ng tiwala sayo" tulalang nakatingin ang binata sa saradong pinto ng kwarto.

"At mahirap ng ibalik ang tiwala niya" nilingon ng binata ang nagsalita sa gilid niya.

Alam niya ang bagay nayun dahil minsan ng nagkwento sa kanya si Dylan tungkol sa dalaga. Oras daw na mawalan ito ng tiwala sa tao ay mahihirapan na itong ibalik na siyang inatatakot ng binatang si Rogue.

"Mahirap ibalik?" Tanong ng kakarating lang na si Dylan.

"Ang tiwala ni Alliya" tiningnan ni Dylan ang binatang si Rogue na may nanlalaking mata.

"Sinabi niya sayo?!!!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Dylan na ikinatungo ng ulo ni Rogue. Napabuntong hininga na lang si Dylan.

"Wala na tayong magagawa. Simula ngayon ay isa ka ng estranghero para kay Aya"
-------------------------------
Ano ba kasi Rogue?!!!!!
Comment and vote.

True Identity (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon