-Alliya-
Marami ang nagbago sa loob ng isang buwan pagkatapos ng pagsugod ng gabing iyon at ng magbago si Cheska, lalo na sa Moon dorm at wala akong pakialam doon dahil hindi naman ako ako taga Moon dorm.
Ang pinoproblema ko ngayon ay ang pagiging matigas ng ulo ni Rogue (-_-'').
"Pirmahan mo na kasi ito Rhea" kanina pa siya sabi ng sabi niyan na ikinakaiinis ko na.
"Hindi nga sabi pwede Rogue bakit ba kasi ipinipilit mo ang gusto mo?" Kunti na lang at talagang mabibigwasan ko na ang lalakeng to.
"Sabihin mo kasi kung bakit hindi pwede?" I massage my temple to prevent myself from shouting.
"Hindi ka isang bampira Rogue kaya hindi ka pwedeng pumasok sa Moon dorm" yan ang dahilan kung bakit gustong-gusto niya na pirmahan ko ang transfer paper niya.
"Pero may dugo akong bampira" bwisit!!! Naiinis na ako sa paulit-ulit na diskosyon naming ito.
"MS. PRESIDENT!!!" Napatingin ako sa pumasok at tumawag sakin. Napahinga ako ng maluwag dahil sa may umistorbo sa pag-uusap samin.
"Bakit?" Nangalumbaba ako at tiningnan siya.
"Papunta dito ang may-ari ng Academy" napatayo ako sa gulat. Ang may-ari? Shit!!!."Ipatawag mo ang lahat ng officer madali!!!" Bakit ngayon pa niya naisipang pumunta rito?. Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Pumunta ako sa balcony ng opisina ko at kinuha ang mic mula roon. For emergency purposes lang ito at emergency ito. May speaker sa paligid ng Academy.
"Good day Divine Academy. The owner of the Academy is on his way. We will welcome him." Pagkatapos kong i-announce yun ay agad akong pumasok sa loob at nakita ang ilan sa mga officer.
"Teka Rhea pirmahan mo muna to" ahhhhh!!!!!>.< nandito pa pala si Rogue!!! Biwist talaga.
"Lumabas ka muna Rogue mamaya na natin pag-usapan yan sayo" magsasalita pa sana siya ng tinalukuran ko na siya at humarap sa mga officer ko. Lumabas siya na walang sinasabi.
---------------------------------
Lahat ng estudyante ng Divine Academy ay nasa harap ng gate kahit ang Moon dorm ay nandito at hinihintay ang pagdating ng may-ari. Katabi ko si Director at si Christian.Bumukas ang malaking gate at pumasok ang isang kotse na halatang pinaglaan ng pera. Bumukas ang pinto nito at iniluwa ang isang lalake, matanda na ito pero hindi kakahalataan ng katandaan. Napatingin siya saakin at hindi ko alam kung bakit biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko.
Napaatras ako ng kunti dahil sa paglapit niya. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman sa kanya.
"Aya" napatingin ako sa tumawag saakin at nakita ko si Dylan na may ngiti sa labi. Okay?(-_^). Tiningnan ko siya, may kakaiba talaga sa kanya.
"Welcome to Divine Academy" makikipaghandshake sana ako sa kanya pero laking gulat ko ng niyakap niya ako.
Doon ko lang nalaman kung ano at sino talaga siya!!!!.(OoO) ANG HARI!!! Ang Hari ng mga bampira mismo ang nasa harapan ko!!!.
"Ka-kayo po ang-" ngumiti siya at inilagay sa labi ko ang hintuturo niya making me silenced.
"Marami akong narinig tungkol sayo. Ikwento mo saakin ang mga adventures mo" literal na napanganga ako sa sinabi niya. Ang Hari gustong malaman ang nangyari sa buhay ko.
"Ta-talaga po?"-ako
"Sire!!! Hindi po siya nararapat sa presensiya niyo" Napangunot noo ako ng marinig ko ang boses na yun. Simula ng araw na yun ay talagang hindi na kami nagkasundo. Tiningnan ko siya at mabuti pang hindi ko na lang ginawa. Yakap niya ang braso ni Rogue na ikinaiwas ko ng tingin."Sino ka sa tingin mo para sabihin kung anong gagawin ko?" Napaangat ako ng tingin sa Hari and I saw the glint in his eyes, a dangerous glint.
"Pa-patawad p-po" nagtago sa likod ni Rogue si Cheska at sinamaan ako ng tingin na nginisihan ko lang. Akala mo kung sinong magaling (=_=).
"Ahm. Ilang araw po kayo bibisita sa Academy?" Si Director na ang bumasag sa tensyong nangyayare sa paligid namin.
"Depende. Hihintayin kong magising ang dapat na magising" ha? Ano daw?. Tiningnan niya ako na para bang may gusto siyang iparating sa akin. (@_@)7 ano bang nangyayare? Di ako makarelate.
"Ikinatutuwa po namin na mananatili kayo rito" yumuko si Christian at sumunod sa kanya ang lahat ng Moon dorm maliban kay Rogue na taga Sun dorm pero ang ikinatataka ko ay ang matatalim na tingin na ibinibigay niya sa Hari.
"Tara hija gusto ko ng marinig ang mga kwento mo" hinila niya ako sa kamay. Nalilito talaga ako sa nangyayare. Lumingon ako para humingi ng tulong sa dalawa pero ang ang mga loko ngintian lang ako at si Dylan nakuha pa akong kawayan (=_=).
------------------------------
Naisip ko lang isulat ito at masyadong lame kaya sana pagpasensyahan niyo na.
![](https://img.wattpad.com/cover/34480466-288-k776102.jpg)