Pagpapatuloy ng Ika-siyam na Kabanata

278 9 0
                                    

Dahil sa gulat namin ni Dylan ay nawalan siya ng balanse at pareho kaming nahulog mula sa punong kinalalagyan naming dalawa.

Malakas ang naging pagbagsak ko. Mabuti at malambot ang lupang binagsakan ko dahil kung hindi ay may bali-bali na akong buto sa katawan.

"Bumaba ka rin. (^__^)" nanlaki ang mata ko ng makita ko ang baliw na bampira sa harapan ko mismo. Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko dahilan para mapa atras ako.

"Aya!!"
"Rhea!!" Tatakbo sana ang dalawa papapalapit samin ng haklitin ako ng lokong to. Fuck!!! Ang sakit humawak nito!!! Babalian pa ata ako ng braso.

"Bitiwan mo ko!!!" Kahit alam kong useless ang pagpupumiglas ko ay ginagawa ko pa rin. Ayokong mamatay ng walang laban sa kamay ng baliw na to (+_+).

Bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit na sa sobrang higpit ay hindi ako makahinga!!! >.<

"Bi...ti..wan...m-mo...a-ako" imbes na makinig saakin ay lalo niya akong niyakap ng mahigpit. Lintek na to balak ata akong patayin. (+_+)

Kinapa ko ang baril sa kanang legs ko at itinutok ito sa paa ng baliw na nakayakap sakin. Bwisit!!! Sisiguraduhin kong maliligo ako ng ilang beses para mawala ang germs na dumikit sakin sanhi ng isang to.
--------------------------
-3rd Person POV-

"Aray!!!! Whaaaaaa bakit mo ako binaril sa paa? (TToTT)" maluha-luhang iyak ng bampira ngunit halatang hindi naman talaga ito nasaktan base sa naghilom nitong sugat sanhi ng pagbaril ni Alliya.

"Tanga ka pala!!! Panong di kita babarilin eh pinapatay mo na ako!!!" Lumapit kay Alliya ang dalawang binata na kanina pa niya kasama.

"Ayos ka lang?" Buong pag-alalang tanong ni Dylan sa dalaga na ikinatango lang ng huli. Dinukot ni Rouge ang dalawang baril niya na nasa kanyang pantalon at itinutok sa bampirang nasa harap nila.

"Tsk tsk tsk. I've tried to be friends with you pero tinanggihan mo lang at ngayon ay sinagad mo ang pasensya ko." Sumugod sa tatlo ang bampira na may kakaibang bilis.

Humarang si Dylan sa dalawa at sinangga ang malaking palakol na dala ng kalaban.

"San niya nakuha yun?" Ang tanong ni Alliya sa sarili. Pinapanuod niya ang paglalaban ng dalawang bampira ngunit handa siya sa ano mang mangyayari. Inu-obserbahan niya ang galaw ng kalaban, hinahanap ang kahinaan nito.

"His a mid class vampire" boses ni Dylan ang narinig ni Alliya sa kanyang isipan para medyo lumaki ang mga mata ng dalaga.

"Rogue mid class ang isang yan. Mag-iingat ka"
"Mid class?" Hindi makapaniwalang tumingin si Alliya sa binata. Isa itong tagapagtanggol ng mga mortal sa Academy ngunit hindi nito alam ang uri ng kinakalaban.

"You don't know that vampires are classified?"
"Bakit may mga level ba sila?" Tumayo ng maayos si Rogue at hinarap ang dalaga na parang walang laban ang nangyayari sa paligid nila.

"Tss. Maaga kang mamatay dahil sa kawalan mo ng kaalaman" sumulyap si Alliya sa naglalabang bampira at nakahinga siya ng maayos ng makitang lamang sa laban si Dylan. Itinutok niya ang atensyon sa kaharap na binata.

"Tulad natin may hierarchy din ang mga bampira. Ang nasa pinakamataas ay ang Hari at Reyna ng mga bampira, sila ang itinuturing na pinakamalakas, sa pamilya nila nanggagaling ang susunod na mamumuno sa lahi nila ang mga prinsipe at prinsesa, may espesyal silang kapangyarihan at katangian na sa kanila lang makikita, pati nga sa pisikal na aspeto ay may espesyal sa kanila, sinasabing wala silang kahinaan dahil wala pang miyembro ng Royal family ang napapatay ng hunters o kapwa bampira kaya halos karamihan ng naging hari at reyna ay buhay pa hanggang ngayon. Sa baba nila ay ang mga PureBlood, ipinapanganak sila na ang mga magulang nila ay parehong bampira o ipinanganak ding bampira, may espisyal din silang kapangyarihan ngunit mas mahina nga lang kumpara sa Hari pero mas malakas kumpara sa nasa baba nila, iginagalang sila dahil sa yamang meron sila, kahinaan nila ang puso nila kaya nga may mga proteksyon silang ginagawa o inilalagay para maproteksyonan ito. Sa baba nila ay ang Midclass, sila ang itinutiring na kawal o gwardiya ng Royal Family, batang bampira pa lang sila ay sinasanay na sila sa pakikipaglaban at pagtatanggol sa kanila, sa pisikal na aspeto ay talagang malakas sila, kakayahan nila ang paglabas ng iba'-ibang uri ng sandata, mamatay sila kapag pinugot ang ulo nila. Sa baba ay ang mga Level C o ang inuturing na mga katulong, alipin at kung ano pang tawag sa kanila madali lang din silang mapatay. Sunod ay ang mga tamed vampires itinuturing silang mababa dahil sa pagkakatamed nila kahit galing ka Pureblood o Midclass ay isa ka paring mababang uri ng bampira ang kahinaan nila ay depende sa class nila bago sila na tame. Sunod ay ang mga Level E, dati silang mga mortal na hindi kinaya ang pagbabago bilang bampira kaya nawawala sila sa katinuan at pumapatay ng mga mortal ng walang pakundangan, madali silang patayin sa pamamagitan lang ng silver o pilak at ang pinakahuling uri nila at ang pinakababa ay ang mga bampirang wala ng pangil, sila ang mga itinakwil ang pagiging bampira at naninirahan kasama ng mga mortal, kahit wala na silang pangil ay malakas pa rin sila kaya tinanggal sa kanila ang lakas at kapangyarihan ng Hari."

Pagkatapos magpaliwanag ng dalaga ay siya namang pagtama ni Dylan sa punong malapit sa kanila dahilan para mawasak ito at lumipad ang mga piraso at tumama sa dalawa.

Nagkaroon ng galos sa pisngi ang dalaga dahil sa tumamang piraso sa kanya, may dumaloy na konting dugo mula sa galos na siyang nagpatigil sa kalabang bampira para sumugod.

"Hmmmm. Napakabango ng dugo mo" dinilaan niya pa ang kanyang labi. Halatang takam na takam siya sa dugo ng dalaga.

Napahawak sa pisngi niya ang dalaga at nakita ang dugo sa daliri.

Nakatayo lang sila ng biglang nasa harap na ng dalaga ang bampira. Hawak siya sa bewang ngunit nanatiling walang kibo. Agad na dinilaan ng bampira ang dugo sa mukha ng dalaga.

Naging tahimik ang paligid habang hinihintay kung sino ang gagalaw.

"Ang tanga mo talagang bampira. Para ka na ring nagpakamatay sa ginawa mo" itinulak ni Alliya ang tulalang bampira dahilan para mapalayo ito sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Rogue sa dalaga habang nakatingin sa tulala pa ring bampira.

"Maghintay ka." Sagot naman ni Dylan na tumabi sa dalaga at pinunasan ang dugo sa pisngi nito.

"La-lason?!!" Nahintatakutang tumingin ang bampira sa dalaga na ngayon ay may malaking ngisi sa labi.

"Paalam" bago pa makasigaw ang bampira ay agad itong naging abo at naglaho na lang.

"Panong?"-Rogue.
"Lason ang dugo ni Alliya para sa ibang bampira at swerte ko na hindi ako kasama sa mga yun. Hindi namin alam kung ano ang nasa dugo niya kahit ang mga matatandang bampira na kilala namin ay walang ideya"

Tumingin si Rogue sa dalaga na ngayon ay nakatingin sa kung saan.

"Tayo na at baka may makahalata pa na matagal na tayong nawawala" agad naglakad ang dalaga na hindi man lang lumingon sa dalawang binata na kasama niya.
--------------------------------
Mahaba ba? Well that's my gift for those who read my story.
Continue to support my story at kung nagustuhan niyo man please vote o kung hindi ay magcomment na lang kayo.

True Identity (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon