"Vampires have their own hierarchy. The Royal Fami-"
-RING!!!!!!!-Napabuntong hininga na lang ako ng marinig ko ang malakas na ingay ng bell. Inayos agad ng mga estudyante ko ang mga gamit nila at dali-daling lumabas ng classroom.
"Goodbye Sir!!!" Ngumiti na lang ako sa mga magigiliw kong estudyante. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at lumabas na rin.
"Ang gwapo talaga ni Sir!!!"
"Oo nga!!! May asawa na kaya siya?"
"Sa batang yan? Girlfriend pwede pa" napailing na lang ako sa mga naririnig ko mula sa mga estudyante.
Bata? Siguradong magugulat sila kapag nalaman nila kung ilang taon na talaga ako.Isa akong Mythology Teacher at lahat ng tungkol sa mga gods, goddesses, heroes and heroines, werewolves, witches, VAMPIRES at kung anu-ano pang supernatural ang tinuturo ko.
"Mr. Vergara may birthday party sa bahay ni Ms. Sanchez" nilingon ko si Ms. Avila, maganda siya kung tutuusin pero talagang sa iisang babae lang tumitibok ang puso ko hanggang ngayon.
Sa 67 years na nabubuhay ko dito sa mundo sa nakalipas na 50 years ang pinakanaging masaya at kumpleto ako kung saan nakilala ko siya. Matagal na panahon na rin pala ang nakalipas simula ng huli ko siyang makita.
I open my mouth when I felt 5 different aura come inside the Academy that makes my eyes narrowed.
"Sorry Ms. Avila I have important matter to attend to. Maybe next time" hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmadali na akong umalis.
Kinapa ko ang mga baril na nasa pantalon ko. Ewan ko ba kung bakit parati ko itong dala nakasanayan siguro.
Dali-dali akong nagpunta sa Academy Forest ng Academy....ng Divine Academy. Nadaanan ko rin ang isang building...ang dating Moon dorm na ngayon ay ginawang mga silid-aralan.
Sa nakalipas na 50 years ay isa na dapat akong kulubuting matanda pero ito ako at mukha lang 25 years old. The only explanation I can give ay ang matagal na pagkaka-expose ng katawan ko sa dugong bampira. Naging katulad na rin sa kanila ang pagtanda ng katawan ko.
Mas naging sensitibo ang mga senses ko, lumakas ang pandinig at pang-amoy ko, naging mas mabilis kumpara sa normal na mortal. Mga kakayahan ng isang bampira.
Pagkatapos ko ng college ay naging isa akong photographer sa loob ng anim na taon. Noong una hindi ko napansin ang hindi ko pagkakasakit pero ng mapansin ko ang mga taong nakapalibot sa akin na tumatanda duon na ako nagduda sa kalagayan ng katawan ko. 10 taon ang pinalipas ko at lumipat sa ibang lugar para walang makapansin saakin. Nag-aral ako ng medisina sa loob ulit ng 10 taon at dahil dun napatunayan ko ang hinala ko. I've gain the lifespan of a vampire. Muli ay pinalipas ko ang 10 taon at lumipat na naman ng ibang lugar kung saan namuhay ako ng simple lang hanggang may nabasa akong libro tungkol sa mga mitolohiya at duon na ako nagsimulang mag-aral tungkol sa iba't-ibang mythology. Pagkalipas ng 46 years ay bumalik ako dito sa bayan ng Luna at 4 years na akong nagtuturo dito sa Divine Academy. Paiba-iba ang mga data ko tulad ng edad at petsa ng kapanganakan, pangalan ng mga magulang, at marami pang iba, ang tanging hindi lang nagbabago sa mga dokumento ko ay ang aking pangalang Rogue Vergara.
"Napakarami pong mortal ang nasa paligid" dahil sa narinig ko kaya napatigil ako sa pagbabalik tanaw sa nakaraan.
I hide my aura, isang kakayahan na hinasa ko sa matagal na panahon. Nasa likod ako ng isang malaking puno at pinagmamasdan sila. Tatlong lalake ang magkakasama sa harap nila ay ang isang babae na hindi ko masyadong makita mula sa kinaroroonan ko dahil madilim na ang paligid, mag-gagabi na pala.
"Hanapin niyo sila at wag kayong magpapahalata" napatingin ako sa isa pang lalake na nakatalikod saakin. Agad nawala ang tatlo sa utos na iyun ng lalake. Paano sila nakapunta dito? Rhea closed all the portal. Lalabas na sana ako at kokomprontahin sila ng mapatigil ako ng boses na iyun.
![](https://img.wattpad.com/cover/34480466-288-k776102.jpg)