Si Alliya attending a party of vampires.
Ang sexy no? Hohohoho.\(^0^)/
------------------------------
Nakaupo ako sa table ng teacher habang si Cheska ay nakatayo sa harapan ko. Sa isa sa mga masyadong hindi ginagamit na classroom ako dinala ng babaeng to."For a leader like you, kumikilos ka na parang hindi edukada" my eyes narrowed into slits. Mag-uusap ba talaga kami o huhusgahan niya lang ako?
"At para sa sinasabi nilang sweet, kind and perfect girl like you masyado kang mapanghusga. Sino ang mas hindi edukada saating dalawa?" Napaawang ang bibig niya dahil sa sinabi ko. Hindi ako tulad niya na ginagawa ang sinasabi ng iba. I can think for my own, move on my own and live on my own.
"Akala ko ba maguusap tayo? Dahil kung wala ka naman palang sasabihin sinasayang mo ang oras ko" palabas na sana ako ng sumigaw siya.
"SANDALI!!" tiningnan ko siya with bored expression at sumandal sa pader malapit sa pintuan.
"Pano mo nalaman ang tungkol sa sekreto ni Rogue?" Yun na naman?(-_-).
"Bakit gusto mong malaman?" I returned the question to her. Hindi ako madaling magbigay ng impormasyon lalo na sa hindi ko kilala. Naging malikot ang mga mata niya na ikinasingkit ng mata ko."Sagutin mo na lang ang tanong ko!!" Aba ang lakas ng loob nitong sigawan ako? Eh siya nga itong humihingi ng pabor sakin.
"Ha!! At sino ka sa tingin mo para pilitin ako?" I cross my arms infront of my chest to show her that I'm not a person who she can boss.
"I am a Senador's daughter"
"Hahahahahahahahaha" naguguluhang tumingin siya sakin. Sinong hindi matatawa kung ipagmalaki niyang anak siya ng senador ng bansa gayung wala naman akong paki. I compose myself and look seriously at her."Ano ngayon kung anak ka ng senador?" Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay niya saakin. Yun ang pinalabas nila, na siya ay anak ng isang senador.
"Aanhin ko ang impormasyon na yan? Kaya ka lang naman napasok dito ay dahil dyan at dahil nalaman mo ang tungkol sa mga bampira kaya ka naging Prefect of Discipline. Para sabihin ko sayo, wala kang alam sa tunay na mundo kahit nga ang pinakamababang level na bampira ay hindi mo kayang matalo pano pa kaya ang isang Midclass at Pureblood na siyang karamihan sa Moon dorm?"
"Walang kinalaman sa tanong ko ang bagay na yan!!"
"Pwes wala ring kinalaman ang pagigi mong anak ng senador" makaalis na nga walang silbi ang makipag-usap sa kanya."Please....I need to know" dun ako napatigil, sa tono ng boses niya. Napalingon ako sa kanya, nakaluhod siya at paiyak na. Isang Pureblood na nakaluhod ang nasa harap ko.
"You have feelings for him?" Kahit hindi na niya sagutin ang tanong ko ay alam ko na. Base sa pagtingin niya samin ni Rogue kanina ay selos ang nakita ko at pati ang pagmamakaawa niya sakin.
"The day he was bitten I was there"
"Nandun ka?" Napabuga na lang ako ng hangin sa tanong niya."Yeah. I am one of the invited mortals that time at dahil sa isang kasiyahan ng mga bampira ang dadaluhan ko ay may proteksyong ibinigay sakin pero kumpara kay Rogue na isang gate crusher ay talagang delikado siya. Sinubukan kong pigilan ang pagpasok niya pero wala rin. Mas malakas ang will power ng taong gustong maghiganti"
"Maghiganti?"
"Yun ang nalaman ko. Pinatay ng isang bampira ang Lola niya kaya gusto niyang maghiganti sa lahat ng bampira. Ako rin ang dahilan kung bakit siya nakalabas ng buhay dun, hindi ko kayang alisin ang dugong bampira sa kanya kaya nag kasya lang ang ginawa ko sa pagpapahinahon sa dugo niya" di ko naman siguro pagsisihan na sinabi ko sa kanya ang tungkol sa banquet na yun di ba?"Kaya pala huminahon siya kagabi" tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya.
Tama na siguro ang impormasyon yun para matahimik ang babaeng to.
"Aalis na ako" wala akong narinig na pagtutol sa kanya kaya tumuloy na akong makaalis.
Love? Anong pakiramdam ba yan?
Naranasan ko ang magmahal pero sa isang kaibigan lang pero ang magmahal ng isang lalake? Wala akong alam at hindi ko pa naramdaman.
--------------------------------
Another secret is reveal.
Matagal na palang kilala ni Alliya si Rogue!!!.
Ano pa kayang mga sekreto ang marereveal? Abangan. ^O^V