Ika- Dalawampu't Limang Kabanata

183 6 0
                                    

"O? Hindi nga ba Director?" Nakatayo siya sa harapan ng iba pang bampira. All these time ay kasama lang pala namin ang traydor.

"Hindi nga naman nakakapagtaka kung bakit nawala ang proteksyon ng Academy. You remove the Royal Family's symbol na siyang proteksyon at hindi ka nga naman paghihinalaan kung ikaw ang Director ng Academy tama ako hindi ba SIR ?" I give emphasis to the word sir para insultuhin siya at mukhang tumalab naman dahil sa pag-ngunot ng noo niya.

"Masyado atang matalim ang tabas ng dila mo" napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"O? Hindi ka pa nasanay, nagtataka nga ako na ang tabas ng dila ko ay napansin mo pero hindi ang talas ng pangil mo" medyo lumaki ang mata niya.

"Punyeta ka talagang babae ka!!!" Napailing ako ng sumugod papunta saakin si Cheska, hindi pa rin ba siya nadadala?. I side step para maiwasan ang pag-atake niya at agad kong sinipa ang tiyan niya para magkaroon ng distansya saaming dalawa.

"Kung kapatid kita ay ikakahiya kong may pareho tayong dugo" namula ang mga mata niya na sumugod saakin. Ang tigas ng ulo. kinuha ko ang dalawang baril na nasa lower leg ko.

"Move and you will surely die where you stands" nakatutok ang baril ko sa ulo at puso niya pero nginisihan niya lang ako.

"Tingin mo ba ay hindi ako handa? Alam kong alam mo ang kahinaan ko kaya I protect myself" ipinakita niya ang isang pendant na halatang inorasyonan na ikinalaki ng ngisi ko.

"I'm one step a head of you Cheska. All of my bullets are specialize."
"At hindi lang ikaw ang mautak" tatlong lalake ang kinakaladkad ng mga bampira at kilalang-kilala ko ang bulto ng mga katawan nila, napakuyom ako ng kamao. Dylan, Lance and Rogue.

"Namiss mo ba sila? Sila miss ka na nila. Say hi to your dearest friend Alliya" sinabunutan niya si Dylan at kitang-kita ko ang magalos niyang mukha. Papatayin ko sila. Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa baril ko.

"Anong ginawa niyo sa kanila?" I said in a dangerous tone.
"Simple lang, pinarusahan ko. Lumaban pa kasi sila" marahas niyang binitawan ang mukha ni Dylan. My blood is slowly rising it's boiling point.

"Bitawan mo ang baril na yan"
"A-Aya......run" nilingon ko si Dylan, pinipilit niyang tumayo para makapunta saakin.

"No. Ililigtas ko kayo and that's a promise"
"Mabubuhay kami....Umalis ka na, kailangan mong mabu-" naputol ang dapat sana niyang sasabihin. Tumingin siya saakin na may nanlalaking mata. Fuck!!!. Tumakbo ako papunta sa kanya.

No no no!!! Please not my best friend!!!

"AHHHHHHH!!!!" Ang malakas niyang sigaw ang bumasag sa tahimik na paligid. Napatingin ako sa dibdib niya. Matatalas na kuko ang makikita dun, tumutulo ang masaganang itim niyang dugo.

"No" I slowly walked towards him, unti-unti ay bumagsak ang katawan niya dahilan para mas bumilis ang takbo ko.

Hindi!!!! Una ang pamilya ko pati ba si Dylan? Bakit hindi ko sila kayang maprotektahan?. Nasalo ko siya bago pa man siya bumagsak sa lupa.

"Dy? Open your eyes please" I cup his pale face, may lumalabas na ring dugo sa bibig niya.

"A...Aya.." Ngumiti siya saakin kahit masyado na siyang nahihirapan. What to do? My... My blood. Itinapat ko ang kamay ko sa bibig niya.

"Tha...thank...you..."
"Hindi drink my blood you-" nawalan na siya ng malay bago ko pa mailapit ng tuluyan ang braso ko.

"Masyado ka kasing mapapel, lahat ng mapapalapit saiyo ay namamatay." Wala akong ibang naririnig kundi ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Lahat na lang ng pinapahalagahan ko ay kinukuha nila saakin.
------------------------
Naging malakas ang simoy ng hangin sa paligid nila habang nanatili pa rin sa pwesto niya ang dalaga. Yakap-yakap ang wala ng malay na binata.

"Bakit hindi pa nagiging abo ang isang yan?"

Inilapag ng dalaga ang katawan ng binata sa madamong lupa. Nakayuko ito ngunit kitang-kita ang nagkikislapang luha na dumadaloy mula sa kanyang mga mata.

Nakatayo lang ang dalaga habang nakayuko. Unti-unti ring lumalakas ang hangin na nakapaligid sa kanya.

"Ano bang makukuha niyo sa pagrerebeldeng ito?" Malamig napakalamig ng boses na tila galing sa pinakamalalim na bangin.

"Malaki!!! Ang pamilya namin ang mamumuno sa mga bampira!!! At si Lord Vincent ang magiging Hari!!!" Sigaw ng Director sa nakayukong dalaga.

"Mamumuno? Sinong nagsabi sayong hahayaan ko kayo?" Unti-unting nag-angat ng mukha ang dalaga. Gulat ang rumehistro sa mukha ng mga nakakasaksi.

"I-ikaw?"
"Ang Prinsesa!!!"
"Kamahalan!!" Bulalas ng mga taga Moon Dorm, nakakaramdam sila ng tuwa. Ang itim na buhok ng dalaga ay nagsimula ring mag-iba ng kulay. Pula tulad ng dugo.

"Buhay ka?!!" Napaatras ang mga rebeldeng bampira, wala silang alam na nandito ang Prinsesa. Natatakot sila dito dahil batang bampira pa lang ito noon ay kilala na ito bilang isang malakas na bampira.

"Andito na nga ako sa harapan mo magtatanong ka pa? O talagang tanga ka lang?" May ngiti sa labi ng dalaga ngunit iba ang talim ng tingin nito. Walang nagtatangkang gumalaw man lang.

"Punyeta!!! Sugurin niyo ang babaeng yan!!!" Pinalibutan ng mga rebeldeng bampira ang dalaga ngunit nanatili lang itong nakatayo.

"An eye for an eye, a tooth for a tooth" mabilis na nawala ang dalaga at kasabay noon ay ang unti-unting pagkalagas ng kanyang mga kalaban.

"Buhay ni Dylan ang kinuha mo" nanigas sa kinatatayuan niya ang Director. Ramdam na ramdam niya ang nakakatakot na aura ng dalaga sa kanyang likuran.

"Kaya buhay mo rin ang kapalit" hindi na nagawa pang lumingon ng lalake dahil agad na gumulong ang ulo niya sa madamong sahig at naging abo.

"Ito ang sabihin niyo sa pamilya ni Vincent Alvarez. Ako mismo ang tutugis sa kanila" pagkatapos magsalita ng dalaga ay agad nagsialisan ang mga rebelde kasama ang Pureblood na si Cheska.

"Kamahalan" nagsiyuko ang mga taga Moon dorm sa dalaga bilang paggalang sa nagbabalik nilang Prinsesa. Nag-lakad ang dalaga patungo sa kinaroroonan ng kanyang kaibigan na si Dylan.

"I Princess Rhea Alliya Montalban ask for the first Kings power. Heal thy friend, thy servant." Hinalikan ng dalaga sa noo ang binata, lumabas ang asul na rosas sa noo ng nito bago ito nawala at unti-unti itong nagmulat ng mga mata.

"Dy"
"Welcome back your highness".
Ng maging maayos na ang kalagayan ng binata ay humarap siya sa mga bampirang nakayuko pa rin.

"We will return to the castle and from now on wala ng Moon dorm, tanging mga mortal na lang ang magiging mag-aaral ng Divine Academy."
"Yes your highness"
----------------------
"Rogue...are you okay? Are you hurt?" Tanong ng dalaga sa binatang nakaupo habang nakayuko.

"Bampira ka din pala" walang emosyon ang boses ng binata ng siya'y magsalita, naningkit ang mga mata ng dalaga sa itinuran ng binata pero hindi niya mapigilan na makaramdam ng sakit.

"Pwede ba Rogue wag mo akong paandaran ng ganyan mo. Alam kong galit ka sa mga bampira pero intindihin mo naman ang nararamdaman ko. Kung nagulat ka sa nalaman mo pati pa kaya ko?. All of my life I believe I am a mortal tapos ngayon malalaman kong isa akong bampira ang to make things more complicated isa pa palang Prinsesa. Kung ayaw mong sumama papunta sa palasyo bahala ka desisyon mo yan hindi kita pipilitin" umalis ang dalaga na may luha sa kanyang mga mata. Naiwan naman ang naguguluhang binata.
----------------------
Aya's identity is revealed!!!
Ano kayang mangyayare? Abangan.

True Identity (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon