Ika-LabinLimang Kabanata

215 9 0
                                    

Bwisit!!! Bakit ko ba naisip ang tungkol sa pag-ibig na yan? Eh hindi ko naman yan makakain!!!>.<. Ano bang masamang espiritu ang sumanib sakin at nagdrama ako tungkol love na yan?!!! Kasalanan to ni Cheska!!! Tama tama kasalanan niya -nod nod nod- ay taena lalo ko yun maiisip dahil sa babaeng yun (=_=''').

Mabuti pang istorbohin ko si Lance. Maayos pa atang kausap ang bampirang yun kesa sa mga nandito sa Academy (-_-).
---------------------------------
"Ano ang naisipan mo ata pinuntahan mo ako riyo?"
"Ah......gusto ko lang?" Isa pa to eh gusto ko ngang kalimutan itatanong naman.

"May problema kaba?" Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Problema? Kung meron man di niya ako matutulungan.

"Wala ah. Teka parang may mali sayo" talagang may mali eh. Umikot ako sa kanya like a predator staking her prey. May iba sa kanya eh. Nakakalapit siya sakin, wala na ang kadena sa leeg ni- di ko na natapos ang iniisip ko ng mapagtanto ko kung ano ang mali. Fuck!!! Bakit hindi ko agad yun napansin?!!. Dali dali akong lumayo sa kanya.

"Pano ka nakawala?" Hindi niya ako sinagot pero dahan-dahan siyang lumapit saki. Shit!!! Bubunutin ko na sana ang baril na nasa legs ko ng ngumiti siya sakin.

"Kaya kong makawala at makaalis sa lugar na to pero hindi ko ginawa" kaya niyang makaalis? Pero bakit di niya ginagawa? Di ko ma gets ang isang to (@.@)7.

Nginitian niya ako ng makita niya ang naguguluhan kong mukha. Naupo siya sa sahig and mentioned to me his side dahilan para maupo rin ako.

"Ako mismo ang may gustong makulong rito"
"Tanga ka ba? Ikaw lang ang nakilala ko na gusto talagang makulong rito" I cross my arms stubbornly showing to him that I don't understand his reason.

"Nasa sentro ng siyudad na to ang Divine Academy, dito rin kasi sa siyudad na ito dinala umano ng kung sino man ang Prinsesa at isa pang dahilan ay para maprotektahan ko siya sa kung sino man na gusto siyang saktan. With my power shes's under my protection" Itinayo ang Academy sa kagustuhan ng unang Hari ng mga bampira sa kadahilanang gusto niyang iparanas sa mga kabataang bampira ang magkaroon ng normal at magandang buhay kaya para rin maproteksyonan ang Academy ay sa gitna mismo ng siyudad ng Luna ito itinayo at nilagyan ng orasyon.

"Nakita mo na ang Prinsesa?" Imbes na sagutin ang tanong ko ay binigyan niya ako ng isang maliit na ngiti.

"YAH!!!" bigla akong napatalon ng maintindihan ko ang pinagsasabi niya.

"Nangyari sayo?" Tiningnan ko siya ng masama na ikinangiti niya lang.

"Nandito sa siyudad ng Luna ang Prinsesa hindi ba? At alam mo kung nasaan siya?" May panghahamon ang boses ko ng itanong ko yun sa kanya.

"Walang may alam kung nasaan talaga ang Prinsesa Alliya. Sa lahat ng siyudad ay may katulad ko nakakulong sa isang gusali" madaya. Napa pout na lang ako sa sinabi niya, akala ko pa naman ay makikilala ko na ang Prinsesa •3•.

"Ipapakilala ko siya sayo"
"Talaga?!! *_*"
"Oo naman"

Wala na tuloy kaming mapag-usapan.
Teka sabi niya pwede siyang makaalis dito tama? At nasa gitna pa rin ng siyudad ang Academy.

"Pumasok ka kaya sa Divine Academy?"
"Yun ba ang gusto mo?" Eh? Bakit ang gusto ko ang itinatanong niya? Siya nga itong tinatanong ko (-_-)a.

"Baliw. Syempre kung gusto mo lang pero kung ayaw mo di naman kita pipilitin"

Tumayo na ako at akmang aalis ng pigilan niya ako sa braso.

"Sige"
"Talaga?!!!*_*. Ako bahala sayo. Bilis tara na!!!" Dali dali ko siyang hinila na ikinatawa niya.
------------------------------
"Welcome to the Divine Academy Mr. Lance Frer" nakipagshake hands si Director kay Lance.

Frer? Anong kinalaman niya sa Heneral ng Hari ng mga bampira na si Ricardo Frer?.

"Ikaw na ang bahala sa kanya maglibot sa Academy Alliya" napatango na lang ako sa utos ni Director. Ang lutang mo Aya.

"Pagnaka pasok ka na sa Moon dorm ay may maghahatid sayo sa magiging kwarto mo."

Lance is now officially a student of Divine Academy under Moon dorm.

True Identity (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon