Pagpapatuloy

202 7 1
                                    

For imaginary purpose lang ang picture.
Hohohoho \(^_^)/. Nakakaexcite tuloy mag update kapag may nagvovote at nag kocomment.
--------------------------------
"Sino ang may kagagawan nito?" Dumadagundong sa buong kwarto ang ma awtoridad na boses ng Hari.

Nakahiga sa malaking kama ang dalagang si Alliya na wala pa ring malay. Nasa loob din ng kwarto ang dalawang binata na sina Dylan at Lance.

"Na-nagkasagutan p-po sila ni Cheska" may takot sa boses ni Dylan. Mabait ang Hari pero iba ito magalit pagdating sa  pamilya nito. Iniiwasan ng mga bampira na galitin ito.

"Ang batang Pureblood pala" nakatayo ang Hari sa malaking salamin na bintana na nakaharap sa gubat ng Academy. Humarap siya dalawang binata na may namumulang mga mata dahilan para mapaatras ang dalawang binata ngunit humarang si Dylan.

"Umalis ka sa harapan ko" may pambabanta sa boses niya ngunit nanatiling nakatayo ang binata sa harapan niya, determination was written in his face.

"Tungkol po ito kay Aya" lumambot ang pulang mga mata ng Hari ng mabanggit ng binata ang palayaw ng dalaga.

"Ano yun?" His now bluish gray eyes was visible. Eyes that belongs to the family of Royal Family.

"Kanina po nag kulay asul at pula ang kanyang mga mata. Ano pong ibig sabihin noon? Magigising na ba siya?" Nanlaki ang mata ng Hari at ganun din ang mata ni Lance. Umupo ang Hari sa kama ng dalaga at malaya itong pinagmasdan.

"Imposible ang bagay na yun Dylan. Dugo ng isa ring Royal Family ang makakapaggising sa kanya." Sumabat na si Lance dahil hindi na niya kaya pang makinig lang sa usapan ng dalawa.

"Posible yun kay Rhea Lance." Puno ng pagmamahal na hinaplos ng matanda ang pisngi ng natutulog na dalaga.

"Posible? Pero paano po kamahalan?" Lumapit si Lance sa kinaroroonan ni Dylan. Mukha ng pagtataka ang meron sa dalawa.

"Malalaman niyo rin pero sa ngayon may dapat akong parusahan" bumalik ang seryosong boses ng Hari at base sa boses nito ay hindi na siya mapipigilan kaya tanging pagbuntong hininga na lang ang nagawa ng dalawang binata.
--------------------------------
Sa malaking bulwagan ng Moon dorm nagtipon-tipon ang lahat ng estudyante nito na pare-parehong may nagtatakang mga mukha.

Bulungan ang tanging maririnig tumahimik lang ng biglang pumasok sa loob ang Hari kasama ang dalawang binata na si Lance at Dylan.

"Anong ginagawa ng Tamed na yan dito?"
"Kasama pa niya ang Hari"
"Hindi na nahiya" bulungan na narinig ni Dylan dahilan para mapayuko ang binata. Kahit alam niyang hindi naman talaga siya isang Tamed Vampire hindi niya mapagilan ang hindi mahiya.

"Tahimik!!! Sino kayo para sabihin yan sa kanya lalo na sa harapan ko? Sino sa inyo ang mas nakakahiya?" Napayuko na lang din ang mga bampirang nang-insulto kay Dylan. Ngumiti siya sa Hari bilang pagpapasalamat.

"Bakit po kayo naparito kamahalan?" Magalang na yumuko si Christian ang kinikilalang pinuno ng Moon dorm. Inilibot ng Hari ang paningin sa buong Moon dorm na tila ay may hinahanap.

"Iharap mo saakin ang kapatid mong si Cheska" napatingin ang binata sa kapatid niyang nakatayo hindi kalayuan sa kanila.

"Opo".

Humarap sa Hari ang magkapatid. May kabang nararamdaman ang binata iba kase ang aura ng Hari samantalang nakangiti naman si Cheska hindi alintana ang kinakabahang kapatid.

"May kailangan po ba kayo saakin?" Malambing na tanong ng dalaga dahilan para mangunot ang noo ng Hari.

"Dati kang Prefect of Discipline hindi ba? At ayun sa batas ng eskwelahan ay bawal na atakihin ng isang bampira ang isang mortal" tango ang isinagot ng dalaga sa Hari.

"Kung ganun bakit mo sinugod ang mortal na si Alliya?" Biglang naningkit at tumalim ang mata ni Cheska na hindi nakaligtas sa mapagobserbang mga mata ng Hari.

"Nanahimik ako kamahalan siya itong unang nanugod!!!".
"Sinungaling!!! Ikaw itong sinugod si Aya!!!" Sumabat si Dylan, hindi niya kayang manahimik lang habang inaagrabrayado ni Cheska ang  kaibigan niya.

"Bakit walang malay ang dalagang si Alliya? Tinanong kita para sabihin saakin ang totoo. Tingin mo ba ay hindi ko malalaman  ang katotohanan?" Namutla si Cheska, aminado siyang sinugod niya nga si Alliya pero muntik naman siya nitong mapatay.

"Papatayin niya ako!!!" Pinigilan na ni Christian ang kapatid niya sa pagsagot.  Ayun sa batas nila ay isa itong paglabag.

"Ano ang parusa sa nagawa niya?"
"Hindi po siya papainomin ng dugo sa loob ng isang buwan" nanlaki ang mata ni Cheska. Sa loob ng isang buwan apat na bese kung uminom ng dugo ang mga estudyante ng Moon dorm.

"Kung iniisip mo na gagawin ko iyun dyan ka nagkakamali. Ang gusto kong mangyari ay humingi ka ng tawad sa kanya oras na magising siya. Yun lang at pwede na kayong makaalis" yun lang at isa isa ng umalis ang lahat maliban sa mag kapatid.

"Gawin mo ang iniutos ng Hari. Hindi ka dating ganyan Cheska kaya nagtataka ako kung bakit para kang spoiled brat kung kumilos" pagkatapos yun sabihin ni Christian ay umalis na din siya naiwan ang dalagang si Cheska na may nagpupuyos na puso.

"Sige talikuran niyo ako nandyan pa naman si Rogue na mas naniniwaka saakin." May ngiti sa labi ni Cheska, ngiti ng isang demonyo.
---------------------
Comment and vote.

True Identity (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon