"Hahahaha"
Malakas na tawa ang maririnig sa paligid ng buong parke. Lahat ng atensyon ay naagaw ng taong iyun at takot ang kanilang nararamdaman sa nakita nila.Sa paanan ng babae ay isang katawan, wala na itong buhay at dugo ay said. Nilingon nito ang mga nakatingin sa kanya at binigyan sila ng napakalaking ngisi.
"Committing serious offense brings death" Nilingon ng babae ang nagsalita. Sa malaking sanga ng puno nakaupo ang isang binata na may libro sa mukha nito at ang dalawang kamay ay ginawa niyang parang unan.
"At sino ka namang pakialamero ka?" Yet the guy didn't remove the book from his face nor make a move to answer the question given to him.
"Right Mother?"
"Walang hiya kang bata ka!!! Nandyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap" Nanlaki ang mga mata ng babae ng mapagsino ang papalapit sa lalake. Nabalot ng takot ang buong sistema ng babae at nilingon ang kinalalagyan ng lalake.Inalis nito ang librong nakatakip sa mukha at tumambad sa paningin niya ang maamo nitong mukha ngunit ang nakakatakot dito ay ang magkaibang kulay ng mga mata nito. Ang kaliwa ay singkulay ng dugo at ang kanan ay singkulay ng karagatan.
Tumalon ito na kung gumalaw ay parang nagsasayaw sa hangin. Lumapag ang binata sa mismong harapan ng babae.
"Bakit ba ang hilig mong magpunta dito? Alam mong kailangan ka ng iyong Ama sa palasyo" Ang kaninang galit na mukha ng babae ay napalitan ng masayang mukha.
"I'm sorry Mother. I know Father can handle everything besides I have finished all of my task" Hinalikan ng binata ang noo ng babae at niyakap ito ng mahigpit. Kung titingnan ay para lang itong magnobyo at hindi mag-ina. Sa ganda at mukhang bata ba naman ng babae ay mapapagkamalan ba itong may anak na? Halos magkasing-edad lang ang dalawa.
"So can I handle this one?" Malaking ngisi ang ibinigay ng babae sa binata dahilan para kuminang ang magkaibang mata ng binata. A dangerous glint.
"Pwede ba tigilan mo ang pag-english. Manang-mana ka talaga sa Ama mo" tumalikod na ang binata at itinuon ang buong pansin sa takot na takot ng babae.
"Yo-....your Hig....Highness" unti-unti siyang umaatras, habang ang mga nasa paligid ay agad nakilala ang binata lalong-lalo na ang babae.
"You know the punishment right? But I will not give it the easy way" Isang malaking pagkakamali ang ginawa ng babae ng tumingin siya sa mga mata ng binata dahil agad siyang nakaramdam ng matinding sakit sa buo niyang katawan.
"Ahhhhhhhh!!!!" Halos lupasay na sa lupa ang babae ngunit hindi pa rin nawawala o nababawasan man lang ang sakit na nararamdaman niya.
"Tama na yan hahatolan siya ng kamatayan sa palasyo" Sa huling pagkakataon ay piranas ng binata ang sakit sa babae na halos kinakapos na ng hinga .
"Remember this woman I am Denver Montalban-Vergara Prince of all Vampire"
--------------------------------
There you go a short update before the year ends.
Hope you all like it.
Sa tingin niyo may book 2 ba?
Comment kayo kung gusto niyo.Thankiess. Love lots.
-Lyn
![](https://img.wattpad.com/cover/34480466-288-k776102.jpg)