The beautiful Queen of Vampires
--------------------------------
"AHHHHHHHHHHHHH!!!!" shit ang sakit!!!! Mapapatay kita Rogue!!!! Wag kang lalapit saakin!!! Naku talaga!!!."Kamahalan relax lang po kayo" sinamaan ko ng tingin ang nagsalitang yun. Anong relax ang sinasabi niya? Ang sakit sakit na nga tapos relax lang? Ano to lokohan?.
"AHHHHHHHHHHH!!!!" Bwisit!!!! Wala akong pakialam kung mabingi lahat ng bampira sa palasyo basta mailabas ko lang ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Papasukin niyo ang Hari madali!!! Kailangan siya ng Reyna" magsasalita pa sana ako ng agad na lumabas ang inutusan ng Pinunong manggagamot.
"Punasan niyo ang pawis ng Reyna" agad na may lumapit sa akin at pinunasan ang pawis sa noo at mukha ko. Kung alam ko lang na ganito kasakit hindi na sana ak----.
"Rhea" napalingon ako sa pumasok at sinamaan siya ng tingin na dahilan para mapakamot siya sa batok niya.
"Labas!!!!" Ow muli akong napangiwi at napapikit ng muli kong maramdaman ang sakit. Naramdaman ko ang paghaplos sa mukha ko. Pagmulat ko ng mata ay ang nag-aalalang mukha ni Rogue ang nakita ko.
"I'm here" naramdaman ko ang kamay niya sa umbok ng aking tiyan at marahan itong hinaplos dahilan para marelax ang nanginginig kong katawan.
I'm on a labor. Yes manganganak ako sa anak namin ni Rogue. Halos isang taon na kaming kasal. Noong una ay ayaw sa kanya ng council dahil isa siyang mortal pero ng kinagat ko siya at gawing bampira ay wala silang nagawa pero may kondisyon, kailangan ni Rogue patunayan ang sarili niya.
Ginawa niya ang lahat para magkaroon ng pwesto at katungkulan sa palasyo. Noong una ay nahirapan siya pero pinilit niya parin hanggang sa naitalaga siya ni Lolo na Heneral ng ikalawang hukbo pero mas mataas pa rin ang posisyon ni General Frer na Heneral ng hukbo ng Royal Family. Hindi siya tumigil hanggang sa mapatunayan niya ang sarili niya.
Nakakuha siya ng posisyon sa council. Councilor to the mortals, kahit bampira na siya ay siya ang naging tagapagsalita ng mga mortal. Ang mga mortal na nakatira sa mundo namin, sa ilalim niya ay napapanatili niyang ligtas ang mga ito. Nakuha niya ang tiwala at respeto ng bampira kaya ito kasal na kami at magkakaroon na ng anak.
"Walang hiya ka!!! Wag kang tatabi saakin!!!" He pouted after I said that. Natawa naman ang mga manggagamot na nakarinig sa sinabi ko.
"Ganyan din ang sinabi ng asawa ko Kamahalan nung unang manganak siya pero tingnan niyo may 3 na kaming anak" loko to ah. Ginatungan pa ang asawa ko.
"Wag naman Love. We're mates" magsasalita pa sana ako ng bigla na namang sumakit ang tiyan ko.
"AHHHHHHHHHH!!!!" I hold on Rogue's hand and he squeeze my hand. Binibigyan niya ako ng lakas.
"Bakit hindi pa lumalabas ang bata? 12 hours ng nagla-labor ang asawa ko" he never hide the worry in his voice when it comes to me.
"Ginagawa na namin ang lahat" sabi ng Pinunong manggagamot at pumunta sa paanan ko. Hindi ko na naririnig ang mga sinasabi nila kahit ang sinasabi ni Rogue. Bigla akong nabingi.
Napatingin ako sa nag-iisang bintana dito. Shit!!!!!. Blood moon.
"B..blood....AHHHHHHHHHHH!!"
Nanlalabo ang mga mata ko at nanghihina na rin ang katawan ko sa sobrang pagod pero bago ako mawalan ng ulirat ay may narinig ako. Isang musika sa pandinig ko."UWAAAAAHHHH!!!!"
"LALAKE!!!!"And everything went black.
---------------------------
"Ang gwapo naman niya"
"Oo nga kasing gwapo ko"
"Anong ikaw? Ako kaya!!!" Sino ba ang maiingay na yan? Di ba nila alam na may natutulog dito?."Ace,Jack,Spade wag kayong maingay natutulog pa ang Ate niyo" I was relieve ng sawayin silang tatlo ni Ina.
"Ito kasi Ina. Sa kanya daw nagmana si Denver" Denver? Sino yun?.
"Mga baliw!!! Hindi sa inyo magmamana si Denver!!! Kayo ba ang magulang niya? Sige kayo magagalit si Kuya Rogue sainyo"
Haist hindi na ako makakapagpahinga nito. Napamulat na ako ng mata at ang unang kong nakita ay si Rogue na nakaupo sa sofa at may hawak na bundle na nababalot ng pulang tela. Sa tabi niya ay sina Ace,Jack at Spade na tinitingnan ang hawak niya.
"Can I see my son?" Napalingon silang lahat saakin.
"Ate!!!" Teka ang alam ko anak ko ang gusto kong makita hindi ang tatlong to. Sila pa naunang lumapit saakin eh.
"Anak ko ba kayong tatlo?" Triplets talaga sabay-sabay pang nagkamot.
"Ate naman" nginitian ko silang tatlo at tumingin kay Rogue na nakalapit na saamin.
I can feel my eyes watering when I finally see my son. Kamukhang-kamukha niya si Rogue. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya at halos maging singlaki ng plato ang mata ko.
"Ang mata niya" naramdaman ko ang pag-akbay sakin ni Rogue at nakita ang maliit na ngiti sa labi niya.
"Blue and Red tulad ng sayo pero mukhang natural sa kanya" hinaplos ko ang pisngi ng anak ko. I have another reason to live.
"What's his name?"
"Denver" humilig ako sa asawa ko at naramdaman ko ang pagyakap niya saakin."Denver our son, the Prince of Vampire"
"Kelan niyo ipapakilala ang apo ko?" Sabay kaming napatingin sa kakapasok pa lang na si Lolo na may ngiti rin sa labi.
Tinignan ko si Rogue. Tutal siya naman ang asawa ko at Hari na rin.
"Sa susunod na linggo po Lolo"
"Pakarga naman ng Apo ko" Ibinigay ko kay Lolo si Denver."Thank you" nilingon ko si Rogue na nakatingin saakin.
"Thank you saan?" He hold my hand and brought it to his lips and kiss my fingers."For coming in my life, for loving me and for giving Denver" napangiti na rin ako sa sinabi niya.
"And I thank you too. You brought light in my dark life. Mahal kita, kayo ni Denver" hahalikan ko na sana ng marinig namin yung triplets.
"Eww get a room"
"Kadiri!!!"
"Yaks!!!" Agad kong binatukan yung tatlo. Panira ng moment."Get a room your face!!! Kwarto kaya namin to tsk".
Masayang masaya ang nararamdaman ko ngayong buo ang pamilya ko at dumating pa si Denver sa buhay namin.
Napakaswerte ko at nararanasan ko ang ganito. Kung magkakaproblema man kami mananatiling buo ang pamilya namin at sisiguraduhin ko yun.I am Rhea Alliya Montalban-Vergara the Queen of Vampires.
--------------------------
Yah!!!! Ayan may special chapter sila. Pero hindi ko alam kung may susunod pa maga-update na lang ako. Sana magustuhan niyo.
Suportahan niyo din ang isa ko pang libro Love and War ang title.Love lots.
-Lyn
![](https://img.wattpad.com/cover/34480466-288-k776102.jpg)