Napatulala ako sa isiping yun and stared blankly in this dark abyss that surrounds me.
Kahit isip ko'y blangko na parang ok I'm dead so what? Tanggap ko na nga bang patay na ako?. Wala akong marinig, maramdaman at makita.
Naupo ako Indian sit at nangalumbaba. Wala akong mapapala kung maglalakad ako dahil parang wala naman akong patutunguhang lugar.
Inilibot ko na lang ang paningin ko kahit wala akong makita. Where am I? Nasa langit ba ako o imperyeno? Pero malayo ang lugar na ito sa dalawang yun. Nasa in between ba ako? Psh wala namang ganun na lugar. Bwisit naman kasi!!! Wala bang makakausap dito?. Kahit sarili kong boses di ko marinig!!!.
Nangunot ang noo ko ng may naaninag akong kung ano. Ano na naman bang pakulo ito?. Hinintay ko lang kung ano o sino yun.
Napataas ang kilay ko ng tumambad saakin ang isang may katandaan ng lalaki ang nakangiting nakatingin saakin. I just stared at him. Magtitigan na lang ba kami dito?.
"Walang galang na po pero sino ka?" At talagang walang galang ako dahil hindi man lang ako tumayo ng maayos. Bakit ba eh tinatamad na ako (-_-).
"Sa tingin mo sino ako?" Aba't nakakaloko naman ang isang to. Magtatanong ba ako kung sakali? (+_+).
Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko kahit alam ko namang wala itong dumi. I guess nakasanayan ko lang.
"Sa tingin niyo din po magtatanong pa ako kung kilala ko kayo?" Nakakahalata na ako ah. Bakit puro tanong ang ginagawa namin? (=_=). Wala kaming makukuha nitong sagot.
Nangunot ang noo ko ng ngumiti lang siya sa sinabi ko. Isa lang ang ibig sabihin nun. May kasama nga ako baliw naman. Ops sorry po sa words ko.
"I am Felix Montalban" binigyan ko lang siya ng so what look at ngumiti na naman siya.
"I'm the First King of our kin" nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang yun at agad kong tinakpan ang bibig ko. ANG UNANG HARI!!!!. Dali-dali akong nag bow sa harap niya.
"Sorry po sa kabastusan ko" umiling lang siya sa sinabi ko at hinawakan ako sa braso at pinaayos ng tayo at tiningnan sa mata. Ngayon ko lang napansin ang bluish grey eyes niya.
"Don't worry. It's okay" napahinga ako sa sinabi niyang yun. Nanlaki ang mata ko at marahas siyang tinuro ng may na realize ako.
"Patay na po kayo diba?" He just gave me a smile and nod dahilan para manlumo ako. That confirms my question. I'm already dead.
"Why?" Tiningnan ko siya at ngumiti ng mapait.
"I'm dead right? That's why I'm seeing you" narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Do you believe that your dead?" Napamaang ako sa sinabi niya. Naniniwala ba talaga akong patay na ako? Ewan naguguluhan ako sa nangyayare saakin.
"I.....I do.....don't know. Maybe yes? Maybe no?" Ngumuti na naman siya saakin at inalalayan ako. Naglakad kami kahit madilim ang lugar. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta.
"Hindi mo ba naisip ang mga naghihintay sayo?, ang mga umiiyak dahil sa pag-aakalang patay ka na?. Don't you think you're being selfish?. Sumusuko kana habang sila naniniwala sayo. Bakit ngayon ka pa sumuko? Gayong tapos na ang laban. Ayaw mo bang makita ang pinaghirapan mo, ninyo?." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Am I being selfish?. Hinanap ko sa sarili ko ang sagot sa tanong na yun.
"Pagod na ako" napayuko ako sa sinabi kong yun. Selfish words na saakin mismo nanggaling na hindi naman dapat.
"I understand. Hindi kita masisi, simula pa lang ay marami ka ng pinagdaanan kaya may karapatan ka din sabihan yan" naramdaman ko ang masuyo niyang paghaplos sa braso ko. Habang nag-uusap kami dun ko lang talaga naramdaman ang pagod. Physically, mentally and emotionally.
"Ayaw mo bang makasama ang tunay mong magulang?" Napaangat ako ng ulo sa sinabi niya at tumulo ng kusa ang mga luha ko sa imaheng nasa harapan namin. Si Ina umiiyak habang nakayakap kay Ama na hilam na rin sa luha ang mata niya.
"Ayaw mo bang makita ang ngiti sa iyong Lolo habang pinapanuod kang mamuno ng maayos sa kaharian natin?" Nagbago ang imahe at napalitan ng likod ni Lolo na mahinang yumuyogyog halatang umiiyak.
"Ayaw mo bang makita masaya ang isa sa mga kaibigan mo?" The image again change. It was Dylan covering his face with his hand pero kitang-kita ko ang basa sa mukha niya.
"Ayaw mo bang malaman kung sino ang mahal mo?" And again the image change. It was Lance who was kneeling holding his head. And after him I am now looking at Rogue who was holding my body. Napatakip ako ng bibig. His crying.
"Ro...Rogue....please" nawala ang mga imahe at tanging ang iyak ko lang ang naririnig ko. Bakit ko ba naisip na sumuko ngayon? Marami akong maiiwan at sigurado akong pag-sisihan ko rin ang desisyon kong to.
"I think you made up your decision" kahit umiiyak ay nginitian ko siya ng malaki at tumango.
"I will guide you" pagkatapos niyang sabihin yun ay nagkaroon ng nakakasilaw ng liwanag dahilan para mapatakip ako ng mata.
Parang may humihila saakin papunta sa kung saan, sa sobrang lakas ng pwersa ay hindi ko ito malabanan at hinayaan na lang ito.
Malambot yun ang una kong nararamdaman. Dahan-dahan kong inimulat ang mata ko at ang kisame ng kwarto ko ang bumungad sa akin.
Katahimikan ang namamayani sa kapaligiran. Hindi ko naririnig ang ingay sa kusina, ang pagtatama ng mga sandata, ang kanta ng mga ibon na parang nabingi ako. Tumayo ako at malimig ang una kong maramdaman. Nakapaa lang kasi ako.
Ngayon ko lang din napansin ang suot kong itim na bestida na hanggang tuhod. Napagpasiyahan kong maglakad at hanapin ang kung sino man. Wala akong makita na kahit sino. Nagdiretso ako sa grand staircase at duon ko sila nakita sa baba na parang may inaayos.
I smile to myself and walk down pero huminto ako sa gitna ng hagdan.
"May namatay ba para maging malungkot kayo ng ganyan?" Marahas silang napatingin sa gawi ko at napangiwi ako sa tingin nila. Multo ba ako?.
"Para kayong nakakita ng multo. Wala bang yayakap saakin?". Dali-dali akong bumaba and run to them. Una kong nayakap si Dylan.
"Your alive" natawa ako sa sinabi niya. Parang hindi pa naniniwala sa nakikita niya.
"Yeah" tiningnan ko si Lance at siya naman ang nilapitan ko.
"I'm glad" ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya.
"Lo" he hugged me tight as if assuring himself that I am truly alive
"Ina, Ama" we hugged each other and cry because of joy. Bumitaw ako sa kanila at tumingin sa paligid. Nasan siya? As if reading my thought Father gently push me.
"Nasa garden siya" ngumiti ako sa kanya at agad tumakbo papunta sa garden na nakapaa parin.
And there looking sad. Si Rogue habang hawak ang isang asul na rosas malungkot niya itong tiningnan.
"Paggising ko wala ka" gulat siyang tumingin saakin na nginitian ko lang.
"You-"
"Alive and kicking?"Nabitawan niya ang hawak niyang bulaklak na ikinangiti ko.
---------------------------
Another update.
Magustuhan niyo sana.
![](https://img.wattpad.com/cover/34480466-288-k776102.jpg)