Maraming katanungan ang umiikot sa isip ko ngayon. Paano ako naging mortal? Paano ako napunta sa mag-asawang mortal? Sino ang may kagagawan kung bakit ako naging isang mortal at kung ano ang dahilan niya? At nakadagdag pa ang nararamdam ko kay Rogue at ang sakit isipin na pati ako idinamay niya sa galit na nararamdaman niya para sa isang bampira.
Nag balik na ang mga alaala ko. Dylan is a friend of mine, kinupkop siya ni Ama ng sunugin ang bayan nila; Lance is my childhood friend, lumaki na rin siya sa palasyo dahil sa ang Ama nga niya ay ang Heneral at matalik na kaibigan ni Ama.
"Handa na ang lahat, utos mo na lang ang hinintay" napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Dylan. Mamimiss ko ang opisinang ito at ang buong Academy. Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman ko pero ang pinakaumaapaw ay ang kasiyahan na makikita ko na ang aking tunay na pamilya.
"Tara na".
Pagkalabas na pagkalabas ko ay ang buong Moon dorm ang tumambad saakin. Pinauwi ang buong Sun dorm at inalis ang alaala nila sa nangyae, si Rogue? Sasama kaya siya? I spread my aura and look for him pero wala siya. Napangiti ako ng mapait dahil sa kaalamang yun."Moon dorm we will go home" nakaparada sa Academy grounds ang ilang bus na pagmamay-ari ng pamilya ng ilang mayayamang bampira. Nakasakay na ang lahat maliban saakin. -sigh- so this is goodbye Rogue?. Paakyat na sana ako ng bus ng may marinig akong sigaw.
"I'm coming!!!" Napangiti ako ng makita ko siya pero nawala rin ang ngiting yun ng tingnan niya ako ng walang emosyon. Hinayaan ko siyang mauna bago ako sumunod.
-------------------------
"Ina kelan ba ibabalik ni Lolo ang pamumuno kay Ama?" Hindi pa rin alam ng dalaga na ang tunay na Prinsesa ay pabalik na sa tunay nitong tirahan at magulang."Hindi ko alam Mahal kong Anak" malungkot na ngumiti ang ginang. Napatingin sila sa gawi ng mga nagtatakbuhang katulong at sa mga nagsisilabasang mga kawal na tila abala sa kung ano man.
"Anong nangyayare?" Tanong ng ginang sa isang katulong na napadaan sa kanila. Yumuko ito para gumalang sa babae.
"Utos po ng Hari na ayusin ang bulwagan at ang kwarto sa ikalawang palapag" nagtaka ang ginang sa itinuran ng katulong. Ang nag-iisang kwarto sa pangalawang palapag ay nakalaan para sa Prinsesa ngunit ng makauwi sila ay hindi ito ipinagamit sa kanyang anak kaya bakit ito pinapaayos?.
"Bakit?" Mataray na turan ng kanina pang tahimik na dalaga sa tabi niya. Simula ng tumuntong siya sa palasyo ay hindi Prinsesa ang turing sa kanya.
"May darating daw na mahalagang panauhin" umalis na ang katulong matapos niyang masagot ang katanungan ng dalaga. Lahat ng nasa palasyo ay alam na hindi ang Prinsesa ang kasama ng kanilang dating Hari at Reyna pero dahil akala ng mga ito na ito ang anak nila ay nagpanggap pa rin sila. Ginamitan ng mahika ang mag-asawa para isipin nila na ang anak nila ang kasama.
------------------------
Halos lubog na ang araw ng makarating ang mga sasakyan ng mga bampira sa destinasyon nito at lahat ng sakay nito ay namamangha sa ganda at lawak ng hardin na nakikita nila. Simula sa tarangkahan ay nakapila ang mga kawal at katulong.Tumigil ang sasakyan sa mismong harapan ng malaking pintuan ng palasyo. Nagsibabaan ang bawat sakay, yumuyuko sila sa mga nasa unahan nila. Ang kasalukuyang Hari, ang dating Hari at Reyna kasama ang nagpapanggap ng Prinsesa.
Huling bumaba ang nagbabalik na Prinsesa agad na yumuko ang mga kawal at katulong habang may malaking ngiti sa labi ng kasalukuyang Hari habang pagtataka naman ang nasa mukha ng mag-asawa at galit naman ang sa nagpapanggap na Prinsesa.
"Maligayang pagbabalik sa palasyo Kamahalan, Lady Rhea Alliya" tumango ang dalaga at nakatingin sa mga bampirang nasa unahan.
"Kamahalan? Rhea Alliya? Ako si Rhea Alliya at hindi ang babaeng yan!!! Sino ba yan?" Tanong ng dalaga na nagpupuyos sa galit, kung totoo ngang nagbabalik na ito ay sasabihin sa kanya ng ama niyang si Vincent pero bakit wala pa siyang nakukuhang balita mula rito?.
"Huminahon ka Anak" pinakalma ng ginang ang dalaga sa pamamagitan ng pagyakap dito. Mabuti na lang at malakas pa rin ang mahikang iginawad ng mga mangkukulam sa mag-asawa kaya ang akala nito ay siya pa rin ang kanilang anak.
"Sino ka at sasabihing ikaw ang Prinsesa? Panlalapastangan ang ginawa mo!!!" Naging pula ang mata ng dating Hari at galit na tumingin sa dalagang nasa harapan nila.
"Wala pa akong sinasabi na kahit na ano para sabihan niyo ako na lapastangan at hindi ko ipipilit ang sarili ko sa ayaw saakin. Nandito ako dahil ito ang tahanan ko at may karapatan ako sa lugar na ito at hindi ko hahayaan na angkin ng isang peke ang pagmamay-ari ko " may hinanakit at sakit sa boses ng dalaga at ang kanyang mata ay nagbago ng kulay. Pula at asul na siyang ikinagulat ng mag-asawa.
"Lolo ikinagagalak kong makita kayong muli pero gusto ko ng magpahinga" umalis ang dalaga na walang likod at iniwan ang iba na may iba't-ibang reaksyon.
"Ihatid niyo na ang mga batang yan sa kanilang pamilya at ang wala ng matitirhan ay ihatid sa magigi nilang kwarto" agad sinunod ng mga katulong ang utos sa kanila ng Hari at iginaya ang mga taga Moon dorm.
"Itinutulak niyo palayo ang sarili niyong anak" umalis na ang Hari at iniwan ang mag-asawa kasama ang nagpapanggap na dalaga.
--------------------------------
Gusto kong pumatay!!!!. Bakit ba pagkatapos ng problema ay may susunod naman? Isinumpa ba akong magdusa at maghirap?.Wala ba akong karapatang sumaya?. Sa labis na galit na nararamdaman ko ay ang paso dito sa balcony ang napagdiskitahan ko.
-CRACKKKK-
Wala akong pakialam kong sino man ang makarinig saakin. Inilalabas ko lang ang nararamdaman ko. Napakuyom ako ng kamao para pigilan ang nagpupuyos kong galit.
"Alliya" napapikit ako ng marinig ko ang boses ni Lance.
"Not now. I don't want to talk to anyone kaya iwan niyo muna ako" lumabas din siya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
Hindi ako papayag na aagawin ng babaeng yun ang magulang ko. Matagal na panahon kaming nagkahiwahiwalay at hindi ko hahayan ang patuloy niyang pagkontrol sa mga magulang ko.
-----------------------
Nakakatuwang marami na ang nagbabasa ng story ko at nagpapasalamat ako sa lahat.
O baka akala niyo matatapos na ang True Identity, Hulaan niyo. (^_^)VAnyways please continue to support my work. I have a plan on making another story actually matagal na siya mas nauna pa siya sa True Identity pero sana suportahan niyo pa rin. Thankiee.
Vote, Comment and follow.
