Ilang araw na ang lumipas ng magkasagutan kami ni Rogue at tinupad ko ang sinabi ko sa kanya na hindi na magtatagpo ang mga landas namin.
Nabalitaan ko rin ang parusa ni Cheska na humingi siya ng tawad saakin pero ang bruha nakangiti pa ng demonyo ni hindi nga ako kinausap. Tss wala kong pakialam sa kanya.
Nasa opisina ako ngayon at pinipirmahan ang mga naiwan kong papeles at ayokong maistorbo ngayon.
"Ms. President gusto kang makausap ni Rogue Vergara" nabitawan ko ang ballpen na hawak ko ng marinig ko ang pangalang yun. I sigh and look at the close door. Itinabi ko ang mga papel na nasa lamesa ko bago nagsalita.
"Pasok" I lean at my chair and wait for the person.
"Rhea-" I cut him off ng sabihin niya ang isa ko pang pangalan.
"What do you need Mr. Vergara? Marami akong tinatapos na papeles kaya kung pwede sabihin mo na ang dapat mong sabihin" I know it's rude pero marunong akong tumupad sa napag-usapan. Hindi ko alam kung namalikmata lang ako o ano nakakita kasi ako ng sakit sa mga mata niya. I'm just imagining things."Yung pinapipirmahan ko" yun na naman pala. I sigh and look at my files. Agad ko ding nakuha ang hinihingi niya at binasa ito. Gusto niya lang ang malipat sa Moon Dorm.
"Wala na akong saklaw sayo mula ngayon Mr. Vergara, you are now considered as a Moon Dorm student. Kapag pumasok ka na roon ay may mag-aassist sayo sa kwarto mo" ibinigay ko na sa kanya ang form niya na may pirma ko agad niya itong kinuha pero hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko na ikinataka ko.
"Is there a problem Mr. Vergara?" I lean my chin in my close hands and look at him as if walang nangyaring sagutan saamin.
"I-.........-sigh- nothing" naglakad na siya papunta sa pinto ng may maalala akong sabihin sa kanya.
"Surrender your arm band Mr. Vergara" in my peripheral vision I saw him with shock expression.
"I'm still a Prefect of Discipline." Bumalik siya sa harapan ko.
"Nakausap ko na ang Director tungkol dito at sa paglipat mo. Inutusan niya akong alisin ka sa pagiging Prefect oras na lumipat ka sa Moon dorm, kausapin mo siya kung gusto mo but you need to surrender first your arm band and your guns" bawal sa loob ng Moon dorm ang mga baril niya lalo na't ang mga bala nito ay ginawa para makasakit ng bampira.
"How will I protect myself to them?!!!" Hindi ko pinansin ang pagtaas niya ng boses. I look straight to his eyes with serious face.
"Magsisimula ng komosyon ang baril mo sa loob. How will you protect yourself? Fighting kills, knowledge about them are the two things you only need." Napaawang ang labi niya sa sinabi ko. Pinag-isipan niya muna dapat ang disesyong ito at kung akala niya na ako dapat ang nag-inform sa kanya dahil ako ang Sun's dorm President pwes doon siya nagkakamali, responsibilidad niya iyon dahil siya ang may kagustuhan nito.
"Why are you doing this?" Naningkit ang mata ko sa sinabi niyang yun. How dare he?!!!.
"Ako talaga? Ilang beses kitang sinabihan na hindi pwede ang gusto mo. Pinoprotektahan kita dahil sakop ka ng kapangyarihan ko bilang Presidente pero hindi ka nakinig at nagpumilit. May batas ang Divine Academy sa mga lumilipat sa ibang dorm at kasama sa batas na yun ang sinabi ko sayo. Face it Mr. Vergara may mga consequences ang lahat ng bagay." Bago pa lang ako maging President ng Sun ay alam ko na ang bagay na yun.
"Ito ba ng gusto mo?" Napaawang ako dahil sa sinabi niya. Bwisit ano bang gusto niyang palabasin?. Napatayo na ako mula sa inuupuan ko at sinamaan siya ng tingin.
"Nabubuwisit na ako sayo ha!!! Pinirmahan ko na ang transfer paper mo tapos ng malaman mo ang konsikwensya ako itong papalabasin mong masama? Oh come on sawa na ako sa pang-iinsulto ninyo. Nagresearch ka muna sana bago ka nagpalipat. Bwisit!!!" Mabilis akong naglakad papalabas ng opisina ko at naramdaman ko ang pagsunod niya din saakin. Bakit ba hindi niya ako tigilan?.
"I....I'm sorry Rhea" hindi ko na lang pinakinggan ang sinasabi niya kahit labag ito sa loob ko. I've lost my trust in him yet my feelings never gone.
Nagpatuloy lang ako sa mabilis na paglalakad at hindi siya pinansin, bahala siya sa buhay niya.
"Rhea please I want to talk to you" ikinuyom ko ang kamay ko at hinarap siya with cold face.
"What?!!! Tigilan mo na ako pwede ba!!! Ginawa ko na ang gusto mo, pinirmahan ko na ano pa ba?!!!" Makakasapak na talaga ako ng tao.
"Forgive me" napatawa ako ng pagak dahil sa sinabi niya.
"Forgive you? I can do that but I will never trust you again" tinalikuran ko na siya at maglalakad na sana ako ng hawakan niya ang braso ko. Argggh!!!
"Paano ko maibabalik ang tiwala mo?" I face him and I can see seriousness in his face and in his eyes. Bakit ba parati akong nadadala sa mga mata niya?.
"Hija" nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses na yun. Kilala ng puso ko ang may-ari nun pero ayaw tanggapin ng puso ko.
"Ka-kamahalan" ngumiti ako sa kanya kahit alam kong pilit yun. Nakatingin siya sa kamay ni Rogue na nasa braso ko at sa hindi malamang dahilan ay pinalis ko yun.
"Masaya akong makita na maayos na ang pakiramdam mo." Lumambot ang puso ko ng marinig ko ang sincerity sa sinabi niyang yun.
"Oo nga po (^_^)a" spell ackward... KAMI. Ang intense kasi ng atmosphere o ako lang ang nakakaramdam.
"Mag-iingat kayo sa susunod na mga araw" pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis siya kaagad at sumakay sa kotse niya na lumabas din ng Academy. Ano daw sabi niya? Di ko nagets (@_@)?.
Ay bahala na nga at baka sumakit pa ang ulo ko kakaisip sa bagay na hindi ko maiintindihan. Asan nga pala ang dalawang ugok na bampira? Labasan na dapat nila ahh.
"Rhea"
"AY RHEA KA!!!" Agad kong hinampas ang nanggulat saakin at nakalimutan kong si Rogue pala na may maliit na ngiti sa labi. Ay bwisit."Magugulatin ka talaga minsan" magsasalita na sana ako ng may tumawag sa kanya at kilalang-kilala ko ang boses na yun.
"ROGUE!!!" Agad siyang nakalapit saamin at kumapit siya sa braso ni Rogue at tinaasan ako ng kilay. Psh kala mo naman kung sino.
"Trying to stole my BOYFRIEND Ms. Pres?" Nagpanting ang tenga ko dahil sa sinabi ng babaeng to saakin. My eyes narrowed into slits.
"Wag kang sasabat dito Rogue" inunahan ko na sa pagsalita si Rogue, mabuti naman at nakinig siya. Ibinalik ko kay Cheska ang atensyon ko.
"Ako mang-aagaw ng boyfriend? Come on Ms. Valdez hindi ako magpapakababa sa level mo para gawin yun at para sabihin ko sayo si Mr. Vergara mismo ang lumapit saakin kaya wag matabil ang dila mo" naningkit ang mga mata niya at nagsimula itong mamula na ikinangisi ko lang.
"Mas mataas ako sayo!!!" Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Ako tinatakot niya? Sino ba siya?.
"So? Wala akong pakialam" unti-unti na kaming nakakaagaw ng atensyon ng mga Moon Dorm na mas lalo kong ikinangisi. Ibubunyag ko ang baho ng babaeng to.
"Ilayo mo si Rogue" agad sinunod ni Dylan ang utos ko at ang loko hindi man lang pumalag. Tss.
"Kaya kitang patayin ngayon mismo" lalo akong natawa dahil sa sinabi niyang yun na lalo naman niyang ikinainis.
"Ilan na bang mortal ang napatay mo ha?"
---------------------------------
Ops pabitin muna tayo.
Ho!!! Ako ang natetense eh.
