"Napaganda ng damit hindi ba Ina?" isang dalaga ang nakaharap sa malaking salamin habang sa kanyang likod ang isang napakagandang babae na may ngiti sa mapupula nitong labi.
"Ngunit mas maganda ka sa damit na iyan mahal kong anak" lumaki ang ngiti ng dalagang nasa harap ng salamin ngunit iba ang kinang ng asul nitong mga mata na iba sa kulay ng mata ng ginang na blueish gray.
"Ina kelan ba tayo pupunta sa palasyo?" napabuntong hininga ang ginang at malungkot na ngumiti sa dalaga.
"Ayaw mo ba sa buhay na meron tayo ngayon?" lumapit ang ginang sa dalaga at tiningnan ito sa mata ng may buong pagmamahal.
"Pero Ina tayo ang may karapatan sa trono!!!" ang magandang mukha ng dalaga ay kakakitaan ng galit.
"Anong problema?" isang lalake ang pumasok sa loob ng kwarto. Makisig pa ito at parang hindi tumatanda, ang mas kaagaw-agaw pansin sa istura nito ay ang blueish gray eyes din nito.
"Ama bakit hindi pa tayo pumunta sa palasyo at kunin ang pamumuno?" Napabuntong hininga na lang din ang lalake at tumingin sa babae.
"Yun ba ang gusto mo?" Lumaki ang ngiti ng dalaga at sunod-sunod na tumango sa lalake.
"Oo Ama!!!"
"Kung ganun ay uuwi na tayo sa madaling panahon" nanlaki ang mata ng babae na tumingin sa lalake."Salamat Ama!!!!" Agad yumakap ang dalaga sa lalakeng tinawag niyang ama. Ngunit iba ang ngiti sa kanyang mga labi.
----------------------------------
"Nagawa mo ba?" Tanong ng isang lalake"Oo naman, akala ata talaga nila ay ako ang anak nila." Isang malademonyong ngiti ang makikita sa labi ng dalaga.
"Magaling mahal kong anak. Magiging atin na rin ang pamumuno sa mga bampira at magagamit natin ang Pureblood na si Cheska" ang asul na mata ng lalake ay naging sing pula ng dugo.
-------------------------------
Bumukas ang napakalaking tarangkahan at tumambad ang napakalaking hardin na napapalibutan ng maraming halaman at mga bulaklak, lalo na ang asul na rosas.Pumasok ang magarang sasakyan sa loob at tumigil sa tapat mismo ng magarang pintuan, sa tapat rin ng pinto ay ang mga katulong at kawal na nakahanay na tila may hinihintay.
Bumababa ang sakay ng sasakyan. Dalawang babae at isang lalake.
"Maligayang pagbabalik Lady Riva at Lord Marco" sabay sabay nilang bati at yumuko bilang paggalang sa dating Hari at Reyna.
"Bakit Hindi ninyo ako binati? Ako ang Prinsesa!!!" Nanatiling nakayuko ang mga katulong at kawal na tila walang narinig mula said dalaga.
"Bakit namin babatiin any isang huwad na Prinsesa?" Lumabas mula sa gilid ng pinto ang isang lalake. Base sa kanyang kasuotan ay isa siyang iginagalang na bampira.
"At sino ka naman?!!" Tumingin lang ang lalake sa dalaga na tila wala lang ito para sa kanya.
"General Frer kailangan ka sa training arena" mula sa napakaengrandeng hagdan nakatayo ang Hari na may seryosong mukha.
"Opo" yumuko muna ang nakilalang General bago umalis ng tuluyan.
"Ama" magkasabay na bati ng dating Hari at Reyna.
"Lolo!!!" Tumakbo ang dalaga papunta sa pababang Hari.
"Sino ka?" Napatigil ang dalaga sa tapat mismo ng Hari na may Hindi maintindihang mukha.
"Ako ito Lolo" tumingin ang Hari sa lalake at babae na kasalukuyang nasa may tarangkahan parin ng pinto.
"Sino ang babaeng ito Marco?" Lumapit ang dating Hari at hinawakan sa braso ang dalaga.
"Ama siya ang apo mong si Rhea, nakalimutan muna na ba siya?" Naningkit ang mga mata ng Hari at tumingin sa dalagang nasa harapan niya na ngumiti naman ng matamis.
"Hindi ko nakakalimutan ang sarili kong apo lalo na ang magkaiba kulay ng kanyang mga mata, pwede ko bang makita?" Namutla ang mukha ng dalaga ng sabihin iyun ng Hari. Walang nasabi sa kanya ang kanyang Ama tungkol sa bagay na iyun.
"P-po? Ano ka ba Lo walang ganun sa mga tulad nating bampira ha...ha...ha" alangang ngumiti ang dalaga sa Hari na may seryoso pa ring mukha.
"Anak meron sa lahi natin na magkaibang mga mata. Ito ay ang unang Hari at sa kanya ka nagmana, dahil ng isilang ka at imulat mo ang mata mo ay nakuha mo ang mga mata niya" napanganga ang dalaga ng sabihin iyun ng babae. Paano niya gagawin ang bagay na iyun kung hindi naman talaga siya ang Prinsesa?.
"Ta-talaga po?" Naging malikot ang mata niya na hindi nakaligtas sa paningin ng Hari.
"Ang galing mo namang umarte" nabigla ang dalaga ng marinig niya ang boses na iyun at naghanap sa buong paligid.
"May problema ba?" Alam ng Hari kung anong nangyari pagka't inutusan niya ang isa sa mga kawal na pasukin ang isip ng manlilinlang.
"Wala po"
"Ihatid niyo sila sa kanilang silid" lumapit ang ilang katulong at kinuha ang mga gamit nila at iginaya sa kanilang magiging silid.
Ng mawala na sa pandinig na distansya ang tatlo ay agad na lumapit ang kaninang nakilala bilang ang Heneral na si Frer.
"Bantayan niyo ang dalagang yun. Kung nalinlang niya ang anak ko pwes ako hindi".
--------------------------------
Ang lame ng update ko kaya pagpasensyahan niyo na.
May authors block ako ngayon at gusto ko makilala ang mga nagbabasa ng story ko para lalo along mainspire.
You guys are my inspiration kaya ako na momotivate.
