"Sakit ng ulo ko" Reklamo ni Jhoana. "Itong dalawang kasi na to makapagyaya pumarty" Reklamo rin ng nobya niyang si Stacey. Kinagabihan kasi ay nagyaya sila Colet at Sheena na magparty sa isang bar sa General Luna at hindi naman nakatanggi ang mga kaibigan dahil sa wala rin naman silang gagawin. "Nakapag kape na kayo?" Tanong ni Mikha na kakalabas lang ng kwarto. Tumango naman ang magkakaibigan "Lim, patimplahan din si Aiah ng coffee, pleaseee, sakit talaga ng ulo ko" Pakiusap ni Sheena sa kaibigan, tumango lang naman si Mikha at nagtimpla ng kape para sa kanilang dalawa ni Aiah. Nang matapos ay bitbit bitbit niya ang kape at humarap na sa mga kaibigan "Nasaan si Queen?" Tanong ni Mikha sa mga kaibigan, sabay-sabay naman napatingin ang mga kaibigan niya sa kaniya at napatitig. "Ahm. Si Queen ay este si Aiah pala nasa labas, nagpapahangin, ikaw na lang din magbigay, pleaseee" Sagot ni Sheena, napailing na lang naman si Mikha at naglakad na palabas "I love you, Lim!" Sigaw ni Sheena bago tuluyang mahiga sa sofa at magpahinga
Paglabas ng naturang panandalian tirahan nila sa Siargao ay nakita niya agad si Aiah na tahimik lang na nakaupo habang pinagmamasdan ang dagat. Mabuti na lang at hindi gaanong kainitan kaya't okay lang kahit tumambay sila roon magdamag. "Good Morning" Bati ni Mikha kay Aiah "Coffee" Dagdag pa ni Mikha at inabot ang kapeng tinimpla niya. Nang lumingon sa kaniya si Aiah ay kinuha rin niya agad ang kape at nagpasalamat "Bakit ka nandito?" Tanong ni Aiah tsaka humigop sa kapeng tinimpla ni Mikha. Naupo naman muna si Mikha sa tabi niya bago sumagot "Malungkot ang mag isa" tsaka humigop na lang din sa kapeng dala niya "Masakit pa ulo mo?" Tanong ni Mikha kay Aiah, umiling naman si Aiah bilang sagot "Ayaw mo pa rin ba ako maging kaibigan?" Biglang tanong ni Aiah, natawa naman si Mikha sa tanong ng babaeng katabi niya "Ano bang ibig sabihin ng tawa mo? Oo o hindi?" Inis na tanong pa ni Aiah at inirapan ang katabi. "Alam mo ginagawa ko lang 'to para sayo" Nakangiting sagot ni Mikha "Para sa akin?" Takang tanong ni Aiah, tumango naman ito "Bakit?" Tanong ni Aiah. "Hindi ba't ayaw mo at ng pamilya mo sa mga piloto" Saglit pang natahimik si Aiah at napaisip. Ano nga bang pumasok sa isip ko? Bakit ko ba gustong kaibiganin ang isang piloto na 'to?
"See! ngayon, nagdadalawang isip ka" Natatawang sabi ni Mikha. "May ilang oras na lang tayo rito, bukas ng hapon flight na natin dalawa pabalik ng Manila" Tumango naman si Aiah. "Since hindi naman ako piloto ngayon, magkaibigan na tayo" Nakangiting usap ni Mikha habang nakatingin kay Aiah. "Okay. Deal yan ah, pag hindi ka piloto, magkaibigan tayo" Nakangiting sabi ni Aiah at inenjoy na ang kape na tinimpla ni Mikha para sa kaniya. Nakangiti naman pinagmasdan ni Mikha ang paligid at kagaya rin ni Aiah ay inenjoy na rin niya ang kape na hawak hawak niya.
Coffee is Life but Beer is Lifer. Hahahahahah. Char!
"Ano bang kinakatakot mo at ayaw mong payagan na ligawan kita?" Tanong ni Colet kay Sheena na nagluluto na ng pang tanghalian nila. Natulog muna kasi ang magnobyang si Jhoana at Stacey dahil sa tindi ng tamang dinala sa kanila ng alak, wala rin kasi silang pahinga mula sa duty kaya sinusulit na nila. "Kasi nga piloto ka" Sagot ni Sheena, napatigil naman sa paghihiwa si Colet ng marinig ang sagot ni Sheena "Pati ba naman ikaw? Sheena naman" Hindi makapaniwalang sabi ni Colet. "Pangalawang pamilya ko na ang pamilya ni Aiah, Colet. Gaya ni Aiah, ayokong saktan ang Mommy Amanda namin" Seryosong sagot ni Sheena at binalik na ang atensyon sa kaniyang niluluto. "Hanggang kailan kita hihintayin?" Tanong ni Colet, napatingin naman sa kaniya si Sheena at umiling. "Hindi mo ko kailangang hintayin" Sagot ni Sheena. Wala naman na nagsalita sa kanila at pinagpatuloy na lang ang pagluluto. Lingit sa kaalaman ng dalawa ay kanina pa nakikinig sa kanila sila ang dalawa na sina Aiah at Mikha, kaya naman ay hinila na ni Aiah si Mikha palabas at doon nagpabalik balik na naglakad si Aiah.
"Pag ba nakalimang daan pabalik balik ka diyan, malulutas problema mo?" Tanong ni Mikha at sumandal sa upuan. "Kaibigan tayo ngayon hindi ba? tulungan mo ko, hindi yon babarahin nang babarahin mo ko rito" Inis nanaman na sabi ni Aiah. Napilitan naman na tumayo si Mikha at sinabayan si Aiah sa paglalakad "Isa! Lim! Ano ba?!" Inis na inis na sabi ni Aiah kaya natawa na lang si Mikha at pinaupo si Aiah. Lim na tawag sa akin, galit na to hahahaha. Serious mode na.
"Okay ganito, narinig mo naman na ang concern ni Sheena, ikaw at ang pamilya mo" Seryosong usap na ni Mikha "Ikaw, sa tingin mo ba may lusot yang dahilan ni Sheena?" Tanong pa ni Mikha "Sa akin, okay lang, ewan ko lang sa pamilya namin" Sagot ni Aiah "Edi tanungin mo, tawagan mo, may signal naman tayo rito" Utos ni Mikha na siya naman sinunod ni Aiah
"Kuya, kasama mo ba si ate Gwen ngayon?" Tanong ni Aiah sa kuya niya ng masagot ang tawag nito "Oo, bakit?" Sagot ng kuya niya "Loudspeaker niyo, may sasabihin lang akong importante" Utos pa ni Aiah sa kuya niya ng umokay na ang kuya niya ay huminga na muna siya ng malalim bago magsalita "Tungkol kay Sheena" Usap ni Aiah "Anong tungkol kay Sheena?" Biglang tanong naman ng ate ni Sheena na si Gwen. "Ate, kuya, alam naman po natin na hindi na bata si Sheena, sa totoo nga niyan nasa tamang edad na siya para mag asawa" Mahinahon na sabi ni Aiah sa kabilang linya "Okay?" Sagot lang ni Akira at Gwen "May isang piloto kasi na gustong ligawan si Sheena, actually matagal na niyang hinihintay si Sheena kaya lang ayaw ni Sheena kasi ang iniisip niya tayo" Kwento ni Aiah
"Piloto?!" Tanong ni Akira sa kapatid, parehas naman napaatras sila Aiah at Mikha sa lakas ng pag sagot ni Akira "Sa akin, okay lang kung si Colet naman, matagal na silang magkaibigan ng piloto na yon, sa inyo bang magkapatid?" Sagot ni Gwen at parehas na tinanong ang dalawang magkapatid. "Okay lang sa akin ate, nakilala ko na rin naman si Colet tsaka kuya deserve ni Sheena sumaya tsaka labas naman na siya sa ganong issue ng pamilya natin tsaka yung tungkol kay mommy, pwede naman muna natin itago kung sakali hanggang sa maging okay na kay mommy" Sagot ni Aiah. Saglit pang natahimik ang linya bago tuluyang sumagot si Akira "Okay lang din sa akin, basta't hindi ikaw. Aiah. Alam kong maiintindihan pa ni Mommy si Sheena pero ikaw mismo na anak niya, umiwas iwas ka na, tatlo na lang tayo Aiah, ayokong magkagulo gulo pa tayo" Sagot ni Akira sa kabilang linya, napaatras naman lalo si Mikha at hindi na nakapagsalita. "Opo, kuya" Sagot ni Aiah habang nakatingin kay Mikha. Bakit ka nga naging piloto Mikha? Bakit?
BINABASA MO ANG
We Fell In love in October (MIKHAIAH)
RomancePapano na lamang kung nagtagpo ang dapat na hindi na lang nagtagpo? Papano na lamang kung mahagip ng camera ng isang travel vlogger na si Maraiah Queen Arceta ang pinaka iiwasan ng pamilya nila. Ang mga piloto. Ang piloto na malapit pa sa bestfriend...