CHAPTER LIV

7.2K 157 11
                                    

MIKHA'S POV

Today is Sunday, it means family day, I guess? Hindi naman na ako masyadong nagmadaling bumaba ngayon dahil ngayon din ang balik ng ilang ko pang mga kasambahay, guards at driver mula sa seminar nila sa kanilang agency, buwan buwan sila may seminars kaya hindi na rin bago sa akin ito. Personal silang kinuha ni Mommy para daw makampante siya na may makakasama ako kahit papano, hindi naman na ako umangal dahil alam kong hindi rin naman siya magpapatalo.

Pagbaba ko ay nakita ko pa silang nagkukumpulan sa sofa habang mayroon pinapakinggan sa isang cellphone, nakita ko naman na nakangiting napapailing na lang si Aiah habang tawang tawa naman si Colet at Jhoana.

"Good Morning" Bati ko sa kanila atsaka dumiretso kay Baby Queen na naglalaro na sa sahig.

"Good Morning, Queen" Bati ko pa sa bata at hinalikan ang sentido nito. Ngumiti lang naman siya at nagpatuloy na sa paglalaro.

"Good Morning Ceo Lim" Todo ngiting bati pa sa akin ni Jhoana. Tinignan ko lang naman siya at todo ngiti pa rin siyang tumingin sa akin.

"Aalis kayo?" Tanong sa akin ni Sheena, tumango naman ako

"Igagala lang namin ni Aiah si Queen baka kasi mabagot dito, baka biglang magsawa" Natatawang usap ko pa kay Sheena. Ilan saglit pa ay tinawag na kami ni Aling Fe para kumain na ng agahan. Si Aling Fe ang pinaka matanda sa apat na kasambahay, siya ang naka toka sa kusina habang yung apat naman ay sa Laundry at paglilinis ng bahay.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na rin ang apat para umuwi na muna sa kani-kanilang bahay, babalik na lamang daw sila sa susunod na mga araw.

"Mag ayos ka na, ako na muna bahala kay Queen" Nakangiting usap ko kay Aiah atsaka kinuha sa kaniya ang bata.

"Okay! sa akin muna ang baby Queen dahil mag aayos pa ang mommy, excited ka na? Huh?" Todo ngiting tanong ko pa sa bata, natawa naman siya kaya hinayaan na lang din kami ni Aiah at umakyat na lang sa kwarto nila ni Queen. Makalipas lang ng ilan minuto ay nakita ko na siyang pababa ng hagdan kaya binuhat ko na agad si Queen.

"Ang ganda ni Mommy" Bulong ko pa sa kaniya, nanlaki naman ang mata niya kaya nilakihan ko na lang din naman ang mata ko bago siya ulit humagikgik.

"Ready?" Tanong ko sa kaniya.

"Ready" Nakangiting sagot niya. Nabanggit ko na ba sa inyo na ang ganda niya lalo kapag nakangiti? Kung may isang bagay man ako na ayaw kong mawala yun ay ang mga ngiti niyang yan.

Pagkalabas namin ng bahay ay agad kami sinalubong ng driver ko kaya agad din naman akong umiling.

"Manong Fred, palagay na lang ho nung gamit ni Baby Queen sa likod ng kotse ko, ako na lang po muna mag dridrive ngayon, pahinga na po muna kayo roon, pakisabi na lang din kay Aling Fe na baka sa labas na lang kami kakain, yung pagkain na lang po ninyo asikasuhin niyo" Nakangiting bilin ko pa sa kaniya.

"Sige Mikha, mag iingat kayo ah" Paalala pa niya.

"Ma'am" Nakangiting bati pa niya kay Aiah atsaka pinagbuksan ito ng pinto.

"Aiah na lang po, manong Fred" Nahihiyang usap ni Aiah bago sumakay ng sasakyan.

"Salamat po" Pahabol pa niya, agad ko naman binigay sa kaniya si Queen at agad din tumakbo papuntang driver seat.

"Mag shopping na muna tayo ng gamit ni Baby Queen, hindi ba kotse mo yung nasa garahe? Sa tingin ko kailangan natin ibili si Baby Queen ng car seat para mas safe siya sa tuwing ilalabas mo siya ng bahay" Nakangiting usap ko sa kaniya, tumango lang naman siya at tumingin sa akin.

"Thank you" Biglang usap niya kaya naman ay mabilis pa akong tumingin sa kaniya at ngumiti.

"Para saan?" Takang tanong ko sa kaniya

"Sa pagtanggap sa amin ni Baby Queen, sa pagpapatuloy sa amin nung bata" Sagot niya, napatango na lang naman ako.

"Sino ba naman ako para tanggihan yung kaibigan ko at yung bata diba?" Nasagot ko na lang, hindi naman na siya sumagot at tinuon na lang ang tingin niya sa kabilang bintana.

Nang makarating sa mall ay ako na ang nagkusang nagbuhat sa gamit ni Queen at kay Queen mismo.

"Sure kang kaya mo pa?" Tanong pa niya sa akin, tumango na lang naman ako. Nandito na kami isang store kung saan may mga gamit ng mga bata. Una namin binili ang mga diaper at iba pang kailangan ni Queen bago ang mga damit at panghuli ang mga laruan at car seat nito.

"Ang dami naman nitong pinamili mo" Usap niya ng makita ang likod ng kotse na dala namin.

"Wala tayong masyadong time para magshopping, may trabaho ka, may trabaho ako, mabuti na yung makasigurado tayong kumpleto" Sagot ko sa kaniya habang inaayos na ang baby car seat ni Baby Queen sa kotse ko.

"Alam kong gutom ka na, may alam akong restaurant, sure akong magugustuhan mo roon, doon na lang tayo mag lunch" Nakangiting sabi ko pa sa kaniya, nang masigurong komportable na si Baby Queen sa upuan niya ay agad din naman akong sumakay para puntahan na ang restaurant malapit sa dati kong condo.

"Wala pa rin talaga nagbago dito" Usap niya ng makarating kami sa parking lot ng restaurant.

"Nakakain ka na rito?" Tanong ko sa kaniya habang kinukuha si Baby Queen sa kotse. Tumango naman ito.

"Ikaw rin ang kasama ko" Nakangiting sagot niya at kinuha sa akin si Baby Queen.

"At masaya ako dahil makakain ulit ako rito ng kasama ka plus si Baby Queen" Nakangiting sabi pa niya habang nilalaro si Queen at nauna ng pumasok ng restaurant. Agad ko naman kinuha ang gamit ni Baby Queen

"Aarrrgghh bakit ba kasi wala akong maalala?" Inis na usap ko na lang sa sarili ko at sumunod na sa mag ina.

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon