MIKHA'S POV
"Anong problema non?" Tanong ko kay Sheena tsaka ko tinuro si Aiah na may kausap sa telepono niya.
"Magkaaway ba sila ng asawa niya?" Tanong ko pa, agad naman siyang napalingon sa akin at tumawa ng napakalakas. Napaatras naman ako at takang tumingin sa kaniya. Yung tawa pa lang ang weird na, paano pa kaya siya?
Agad naman lumapit sa amin ang iba pa namin kaibigan para alamin ang dahilan ng pagtawa ng malakas ni Sheena.
"Hoy! Baliw ka ba? Bakit tumatawa ka mag isa diyan?" Takang tanong ni Stacey kay Sheena. Mangiyak ngiyak naman na umiiling si Sheena habang tinuturo turo pa ako
"Tinatanong kung magkaaway daw si Aiah tsaka yung asawa niya" Tawang tawang usap pa ni Sheena, maya maya lang ay natawa na lang din si Stacey at mangiyak ngiyak pa silang tumingin sa akin.
"Tigil niyo na nga yan pati yung bata sa inyo nagtataka" Saway ko sa kanila nang makita ang itsura ni Baby Queen kaya naman ay kinuha ko ito mula kay Colet.
"Ngayon ko lang nalaman na may asawa pala si Aiah" Natatawa pang dagdag ni Jhoana.
"Magkaaway ba kayo ni Aiah?" Nakangiting tanong sa akin ni Colet kaya taka naman akong tumingin sa kaniya.
"Okay, okay, tama na, tama na" Hirap na hirap ng usap ni Sheena at humarap sa akin.
"Walang asawa si Aiah, okay? Sabihin na natin, ahm, single mom" Dagdag pa niya. Awtomatiko naman nagdikit ang mga kilay ko.
"Paanong nagawang iwan nung lalaki si Aiah at itong napaka cute na batang 'to?" Inis na tanong ko sa kanila, umiling naman si Sheena.
"Chill, ampon lang ni Aiah si Baby Queen" Biglang usap ni Colet at inakbayan ako.
"Ibig sabihin, hindi niya totoong anak to?" Takang tanong ko sa kanila
"Ampon nga hindi ba?" Pagpipilosopo pa ni Stacey. Napatingin na lang naman ako sa bata at ganon din naman ang bata sa akin.
"Pwede ka rin naman maging Lim kung gusto mo" Nakangiting usap ko sa bata, mas lalo naman lumaki ang ngiti ko ng bigla siyang ngumiti sa akin.
"Whoaaa, hindi ko ineexpect na si Mikha ang unang magkakababy sa atin" Hindi makapaniwalang usap pa ni Jhoana, napailing na lang naman ako
"Hindi pa pumapayag ang mommy nito" Usap ko sa kanila.
"Edi ligawan mo!" Sabay-sabay nilang sagot. Napatingin naman sa akin si Baby Queen atsaka tinaas ang dalawang kamay, agad ko naman siyang binuhat at niyakap.
"Oo na, oo na, natatakot yung bata oh" Saway ko sa kanila, agad din naman nila tinikom ang bibig nila kasabay ng pagpasok ni Aiah sa bahay.
Pare-parehas naman kaming napatingin sa kaniya ng inis siyang umupo sa tabi ni Stacey.
"Oh, anong problema ni Mommy Aiah?" Natatawang tanong ni Stacey dito. Huminga naman siya ng malalim bago sumagot.
"Under renovation lang naman ang kwarto ko sa bahay ni Kuya Akira" Sagot niya kay Stacey.
"Ibig sabihin, kailangan pa namin mag book ng hotel para lang may matulugan ng ayos tong si Baby Queen" Dagdag pa nito.
"Hotel?" Takang tanong ko sa kaniya, tumango lang naman ito.
"No way" Biglang usap ko, gulat naman ako ng mapatingin silang lahat sa akin. Nako naman, Mikha. Sa utak mo lang dapat yon,
"I mean, kung gusto niyo dito na lang kayo, marami naman bakanteng kwarto, mas magiging komportable pa kayo ni Baby Queen dito" Suhestiyon ko kay Aiah, nag aalangan naman siyang tumingin sa akin.
"May katulong ka pang mag alaga sa anak mo" Dagdag ko pa, kita ko naman napabilog ang mga bibig ng dalawang tukmol na si Colet at Jhoana kaya sinamaan ko na lang ng tingin ang mga to.
"Oo nga, Aiah. Para dito na rin kami didiretso pagtapos ng mga trabaho namin, para makita naman namin lagi tong napakacute na bata na 'to" Usap pa ni Sheena at gigil na kinurot ang pisnge ni Baby Queen.
"Thank you, Mikha" Nakangiting pasasalamat pa niya.
"No problem, basta para sa inyo ni Baby Queen" Sagot ko na lang at nilaro na si Baby Queen.
Matapos ng mahabang araw ay dito na rin napiling matulog ng iba pa namin kaibigan, may kanya kanya naman na silang kwarto dito na magkakasama silang magnonobya kaya sila na rin ang nag asikaso sa mga sarili nila. Habang ako naman ang nag asikaso ng mga kakailanganin ng mag ina.
"Sure kang wala na kayong kailangan?" Tanong ko pa sa kaniya. Tumango lang naman si Aiah at ngumiti.
"Okay na kami rito ni Baby Queen. Kaya magpahinga ka na rin" Usap pa niya, tinignan ko naman ang cellphone ko para siguraduhin ang araw kinabukasan, napangiti naman ako ng biglang umayon sa mga plano ko ang oras at panahon.
"Ahmm. Total sunday naman bukas, ahhm kung gusto mo pwede tayong lumabas bukas ni Baby Queen para magala naman natin siya dito agad sa Pilipinas" Nag aalangan na usap ko pa kay Aiah, saglit pa niyang tinignan si Baby Queen sa kama nila na mahimbing ng natutulog.
"Sure akong magugustuhan yon ni Baby Queen" Nakangiting sagot niya. Napangiti rin naman ako.
"So, I guess, I take that as a yes, pahinga ka na, malamang mauubos energy mo niyan bukas kay Baby Queen" Usap ko pa sa kaniya kaya tumango na lang siya. Nang masigurong sinara na niya ang pinto ay agad din akong naglakad papuntang kwarto ko. Pero mukhang may mga imbestigador pa akong kailangang bigyan ng mga sagot ng makita si Colet at Jhoana sa labas ng kwarto ko.
"So, Ceo Lim, kamusta ang panliligaw?" Tanong pa ni Jhoana sa akin
"Hindi niya pa alam na manliligaw ako sa kaniya, hindi pa nga niya alam na may gusto ako sa kaniya e" Sagot ko naman sa kaniya
"E paano niya malalaman kung hindi mo sasabihin?" Dagdag pa ni Colet.
"Ewan, ayoko naman isipin niyang ginagamit ko ang anak niya para mapalapit siya sa akin dahil hinding hindi, sadyang magaan lang talaga ang loob ko sa batang yon kung pwede nga lang na dito na lang sila tumira mag ina kasama ko" Nasabi ko na lang sa kanila.
"Whoa whoa, hindi ba parang ang bilis mo, paalala ko lang sayo, kakakita mo pa lang sa mag ina kanina bro" Hindi makapaniwalang usap pa ni Jhoana sa akin.
"I don't know pero nung nakita ko na si Aiah kanina, ewan ko pero parang siya na yung sinasabi ko sa inyong kulang tsaka pakiramdam ko hindi niya lang yon napunan dahil yung saya ko ngayon, sobra sobra pa kasi mayroon na tayong Baby Queen" Usap ko sa kanila, nakangiti naman silang napatango at ilan saglit pa ay agad din nagpaalam sa akin at dali daling tumakbo papasok ng mga kwarto nila. Weird nilang lahat ngayon, sa totoo lang.
BINABASA MO ANG
We Fell In love in October (MIKHAIAH)
RomancePapano na lamang kung nagtagpo ang dapat na hindi na lang nagtagpo? Papano na lamang kung mahagip ng camera ng isang travel vlogger na si Maraiah Queen Arceta ang pinaka iiwasan ng pamilya nila. Ang mga piloto. Ang piloto na malapit pa sa bestfriend...