CHAPTER XX

6.9K 169 7
                                    

Kinabukasan ay mas napagdesisyunan ng magkakaibigan na magrenta na lang ulit ng mga motorsiklo para lalo nilang maenjoy ang Palawan at magpunta muna sa mga lugar na sinuhesyon ng resort manager na tinutuluyan nila bago tuluyan pumunta ng Coron. Nang makarating na ang mga motor na nirentahan ay sabay sabay na nagready ang magkakaibigan para sa kanilang pag alis.

"Safety first" Usap ni Mikha habang sinusuotan ng helmet ang dalagang nasa harap niya

"Thanks" Nakangiting sagot ni Aiah habang nakatitig sa dalaga. Napapangiti at napapailing na lang naman ang mga kaibigan nila at naghanda na rin sa kanilang pag alis

Nang paandarin na ni Mikha ang motor ay awtomatiko naman na napahawak sa bewang niya ang dalaga kaya mas lalong lumawak ang ngiti nito bago tuluyang mag drive.

"Since siguro naman malayo pa tayo sa pupuntahan natin, bakit hindi tayo maglaro?" Suhestiyon ni Aiah, "Anong laro?" Tanong pa ni Mikha. "5 questions" Sagot nito. "Bawat isa sa atin may karapatan na magtanong sa atin ng limang tanong" Dagdag pa nito, hindi naman na nagdalawang isip si Mikha at tumango na lang.

"I'll go first, ahm ilan kayo sa bahay niyo?" Tanong ni Aiah "Sa condo ko?" "Sa pamilya niyo, i mean" Paglilinaw nila sa isa't isa. Tumango naman si Mikha bago tuluyang sumagot "Anim, kasama si Dad, Mom, ate Maloi tas ako na bunso bonus na sa amin yung bayaw ko tsaka yung pamangkin ko, pero lima na lang kami kasi nasa heaven na si Daddy" Sagot ni Mikha. "Ayy sorry" Pagpapahingi ng paumanhin ni Aiah, natawa naman ang dalaga "Okay lang, alam ko naman na parehas lang tayo" Seryosong usap pa ni Mikha

"Ako na, tutuloy mo ba yung pagiging engineer mo kasama nung Gelo?" Tanong ng dalaga.

"Kung lisensyado siguro ako, oo, kaso hindi pa"

"Bakit mo napiling maging piloto?" Tanong ni Aiah

"Pamilya kami ng mga piloto, Lolo ko at daddy ko piloto rin. Kaya lang high school pa lang ako nawala na dad ko kaya hindi na niya ako nakita na maging katulad niyang piloto"

"Ikaw? bakit ayaw niyo sa piloto?" Tanong naman ni Mikha

"Piloto rin ang dad ko, actually pati rin ang kuya ko pero hindi na siya pinatuloy ni mommy. Namatay kasi dad ko sa plane crash kaya iwas na iwas na kami sa ganong alaala ng pamilya namin" Natahimik naman si Mikha sa sagot ng dalaga. Kung ano na ang pumapasok sa isip niya kaya napapailing na ito. Hindi naman siguro, sa dami ng ganong pangyayari ay napaka imposible dahil kung nagkataon, mas lalong hindi ko mapapatawad ang sarili ko

"Lalayo na ba ako?" Natawa naman si Aiah sa sagot ng dalaga "Kung kaya mo, edi sige" Tanging sagot lang ng dalaga "Paano kung hindi?" Tanong pa ni Mikha, lumapit naman ang dalaga at nilapit ang bibig malapit sa bandang tenga ni Mikha "Edi dito ka lang" Napangiti naman ang dalaga at nag focus na sa pagdadrive.


"Ilan na naging babae mo?" Tanong ni Aiah, natawa naman si Mikha at napailing "Mukha ba akong maraming babae sa paningin mo?" Natatawang tanong ni Mikha. "Ako nagtatanong kaya ikaw ang sumagot" Seryosong usap ni Aiah. "Wala pang babaeng pumasok sa buhay ko, wala akong nakalandian o naging girlfriend eversince, busy ako sa bagay bagay kaya wala sa isip ko yang noon" Sagot ni Mikha. "Ako naman, bakit mo natanong? mukha ba akong babaero sayo?" Natatawang tanong nito.

"Yes? yung dating nung kausapin mo si Mandy sa airport parang ang landi na hindi ko maintindihan" Sagot ni Aiah, tawang tawa naman si Mikha kaya hinampas na siya sa likuran ni Aiah "Alam mo yung ginawa ko, normal lang kapag kapatid na turing ko sa tao, gaya namin ni Sheena at Stacey. Hindi ka lang siguro sanay na makitang ganon ako kay Mandy" Sagot ng dalaga "Hindi rin naman ako interesadong makita" Sagot pa ng dalaga, napangiti naman si Mikha at nagkunwari pang patango tango pa

"Kamusta puso mo?" Tanong ni Aiah, napabagal naman sa pagtakbo si Mikha dahil sa tanong ni Aiah "What do you mean?" Paglilinaw pa nito. "I mean, inlove ka ba? o broken? or whatever. Gusto ko lang malaman kung anong nararamdaman mo" Paliwanag ni Aiah, napatango naman si Mikha at binalik na sa dati ang bilis ng pagmomotor.

"Ewan, pero may isang babae na dahilan kung bakit lagi akong naglolook forward na makasama ulit siya, hinahanap hanap ko siya kahit sa trabaho, naiinis ako kapag may nababanggit siyang ibang pangalan, pero masaya ako kapag kasama ko siya kasi pakiramdam ko, okay lang ang lahat, well i guess sa lahat ng sinabi mo kagabi, siguro nga baka in love ako" Tuloy tuloy na sagot ni Mikha, saglit pang natahimik si Aiah at hindi makasagot

"Ikaw kamusta puso mo?" Tanong din ni Mikha, narinig naman niya ang buntong hininga ng dalaga kaya bahaya pa tong tumingin sa side mirror niya para tignan ang dalaga "Kumplikado, hindi ko malaman, nakakatakot siya pero at the same time, masaya" Sagot ni Aiah at pinagmasdan na lang ang paligid

"Last question mo na, Queen" Natauhan naman si Aiah ng magsalita ulit ang dalaga

"Mapapromise mo ba sa akin na kahit anong mangyari, iingatan mo yang sarili mo?" Tanong ni Aiah, this time ay napatigil na sa pagdadrive ang dalaga at tumingin sa dalagang angkas niya. Wala pang tayo pero bakit parang iiwan mo na ako?

"Anong klaseng tanong yan?" Takang tanong ni Mikha. Ngumiti naman si Aiah "Yan yung last question ko, kaya sagutin mo" Nakangiting sabi pa ni Aiah, napatitig lang naman sa kaniya si Mikha at nagdrive na ulit "Itigil na natin tong tanong tanong na to" Napapailing na sabi niya kaya napanguso na lang ang dalaga

"Sagutin mo na please, promise, sasagutin ko rin yung last question mo" Pagpupumilit pa na sabi nito, wala naman nagawa si Mikha kaya huminga na lang ito ng malalim bago sumagot. "Okay. I promise, lagi ko rin naman iingatan ang sarili ko" Nasagot na lang ni Mikha para tumigil na ang dalaga, napangiti naman si Aiah "Oh, anong last question mo?" Tanong niya pa kay Mikha.

"Lalayo ka ba sa akin kapag nalaman ng kuya at ng mommy mo na may kaibigan kang piloto?" Tanong ng dalaga, saglit pang natahimik si Aiah bago tuluyang sumagot. "Malamang sa malamang palalayuin nila ako pero kasi kaibigan kita kaya imposibleng lumayo ako sayo" Sagot nito. Hindi naman malaman ng dalaga kung dapat ba siyang ngumiti o hindi. Ngingiti ba siya dahil nalaman niyang hindi siya lalayuan ni Aiah o malulungkot siya dahil hanggang kaibigan lang ang tingin nito sa kaniya

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon