Pagkatapos pakainin ni Aiah si Mikha ay nag ring ang cellphone ng dalaga kaya awtomatikong nagdikit ang kilay ni Aiah ng aksidenteng makita kung sino ang tumatawag dito.
"Kalandian mo" Usap ni Aiah kay Mikha nang iabot ang cellphone nito. Natawa naman si Mikha ng makita kung sino ang tumatawag at agad rin kinuha ang cellphone nito.
"Baby" Todo ngiting bungad ni Mikha sa kaibigan habang nakatingin kay Aiah
"Okay lang ako baby, don't worry, kaya ko na"
"Ganon talaga baby, kailangan ko lang siguro ng pahinga"
"Okay baby, bye" Nakangiti pa rin paalam ni Mikha at binaba na ang cellphone nito. Inabot naman na sa kaniya ni Aiah ang tubig at gamot na siya namang tinanggap ni Mikha at ininom.
"Mukhang okay ka naman na, una na ——
"Dito ka lang" Pigil ni Mikha kay Aiah at kinapitan ang kamay nito, dikit kilay naman siyang tinignan ni Aiah "Akala ko ba okay ka lang? akala ko ba kaya mo na? hindi ba ayon sabi mo sa Mandy mo?" Inis na tanong ni Aiah, napangiti lang naman si Mikha at humiga na habang kapit kapit pa rin ang kamay ni Aiah.
"Uuwi na ako, Mikha" Pagmamatigas pa ni Aiah at pilit na hinihila ang kamay mula kay Mikha. "Samahan mo ko rito" Nakapikit na sabi ni Mikha at nilagay pa ang kamay ni Aiah sa pagitan ng ulo at unan niya "Kaya ko lang naman sinabi kay Mandy yon para hindi na siya pumunta rito kasi mas kailangan kita kaysa sa kanya" Seryosong usap ni Mikha na nakatingin na sa mata ni Aiah. "Kaya pala baby tawag mo" Napapailing na sabi ni Aiah na siyang nagpangiti kay Mikha. "Inaasar lang kita" Natatawang sabi pa ni Mikha. "Mukha bang naasar ako?" Inis na tanong ni Aiah, umiling naman si Mikha at ngumuso "Hindi, nagseselos lang" Sagot ng dalaga, tinaasan lang naman siya ng kilay ni Aiah kaya umupo na siya ulit habang hawak hawak pa rin ang kamay ng dalaga.
"Gusto kita, Aiah" Biglang usap ni Mikha. Habang natulala naman si Aiah sa kanya at hindi na nakapagsalita. Nanatiling tahimik dahil sa hindi makapaniwalang pagtawag sa kaniya ni Mikha ng Aiah at sa pag amin ng nararamdaman nito
Huminga naman ng malalim si Mikha bago tuluyang bitawan ang kamay ng dalaga.
"Sorry, nabigla yata kita" Paghingi pa ng paumanhin nito at umiwas na ng tingin
"Bakit?" Biglang tanong ni Aiah, napatingin naman ulit sa kaniya si Mikha na may pagtataka. "A-anong bakit?" Takang tanong nito. "Bakit ako?" Seryoso pa ring tanong ni Aiah. "Ewan, hindi ko rin alam" Naiinis ng sagot ni Mikha "Sinubukan kong iwasan ka, sinubukan kong lumayo pero lalo lang kita hinahanap hanap, Aiah" Seryoso ngunit naka kunot noong sabi ni Mikha. "Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako kapag nakikita ko kayo ni Gelo na magkasama, hindi ko alam kung bakit ikaw pa, e ang dami naman diyang babae na pwedeng pwede sa mga piloto na kagaya ko" Dagdag pa ni Mikha.
"Tama, ang daming babaeng pwedeng pwede sayo, yung walang issue sa trabaho mo, yung walang issue gaya ng pamilya ko" Seryosong usap naman ni Aiah.
"Pero ikaw ang gusto ko" Seryosong sabi niya at nakapikit na sumandal sa headboard niya.
"Hindi biro ang issue ng pamilya ko, Mikha" Seryosong usap ni Aiah, minulat naman ni Mikha ang mata niya at tumingin sa dalaga "Hindi rin naman biro tong nararamdaman ko sayo" Seryosong sagot ni Mikha. Parehas naman silang natahamik at umiwas ng tingin. Makalipas lang ng ilang minuto ay may nagdoorbell na sa condo ni Mikha kaya nagpaalam na muna si Aiah para buksan ito.
Pagbukas naman ni Aiah ng pinto ay doon niya nakita ang kumpletong magkakaibigan na may dala dalang mga pagkain at inumin
"Nagtaka sila kung bakit hindi sumasagot si Mikha sa group chat kaya sinabi ko na rin" Biglang usap ni Sheena sa kaibigan nito at pumasok na rin sa loob. Huminga naman muna ng malalim si Aiah bago sumunod sa mga kaibigan. Hindi ba dapat masaya ako? Hindi ba dapat okay ako kasi parehas kaming may gusto?
Nanatili naman muna sa sala si Aiah habang kinakamusta ng magkakaibigan si Mikha sa kwarto nito. Nang mapansin ni Sheena na hindi sumunod sa kanila si Aiah ay lumabas din to ng kwarto ni Mikha para hanapin ang kaibigan. Nang makita ni Sheena ang kaibigan sa sala ay umupo ito sa kaharap na sofa nito at tinitigan ang tulalang kaibigan.
"Anong nangyari?" Tanong ni Sheena, nanlaki naman ang mata ni Aiah ng makita si Sheena sa harap nito "Bo" Nasabi na lang ni Aiah. "Tinatanong kita kung anong nangyari pero mukhang may sarili ka nanamang mundo" Napapailing na sabi ni Sheena "Paanong anong nangyari?" Takang tanong pa ni Aiah, napailing na lang naman si Sheena at sumandal sa sofa. "Anong nangyari at bakit nagkaganyan ka? mukha kang nalugi na ewan, kanina lang ang ganda ganda ng mood mo tapos ngayon, don't tell me nareject ka?" Tanong ni Sheena, umiling naman si Aiah bilang sagot "Umamin sa akin si Mikha na gusto niya ako" Seryosong sagot ni Aiah, napabilog naman ang bibig ni Sheena pero agad din nagtaka "E bakit ganyan ka?" Takang tanong ulit ni Sheena, hindi naman na sumagot si Aiah kaya napatango na lang si Sheena.
"Huwag mo na sagutin, alam ko na" Usap na lang ng kaibigan nito. "Sugod ka ng sugod sa laban wala ka naman palang baon na armas" Napapailing na sabi nito sa kaibigan, huminga na lang naman ng malalim si Aiah at sumandal na lang ulit sa sofa.
"Oh? anong nangyari sa inyong dalawa?" Natatawang tanong ni Stacey sa dalawang kaibigan, hindi naman sumagot ang dalawa kaya naupo na lang din siya sa sofa "May mga pipe pala rito sa condo ni Mikha, shit! baka mahawa ako tangina!" Usap pa ni Stacey "Hoy babae! bunganga mo nga!" Saway ni Sheena sa kaibigan "Edi nagsalita ka, mura lang pala katapat mo" Napapailing na sabi ni Stacey sa kaibigan bago lumingon kay Aiah.
"Ikaw, Aiah, tangina anong nangyari sayo?" Usap pa ni Stacey sa kaibigan "Bunganga naman Stacku" Inis na sagot ni Aiah. Natawa lang naman si Stacey at hindi na ginulo ang dalawa.
BINABASA MO ANG
We Fell In love in October (MIKHAIAH)
Roman d'amourPapano na lamang kung nagtagpo ang dapat na hindi na lang nagtagpo? Papano na lamang kung mahagip ng camera ng isang travel vlogger na si Maraiah Queen Arceta ang pinaka iiwasan ng pamilya nila. Ang mga piloto. Ang piloto na malapit pa sa bestfriend...