CHAPTER XXV

6.8K 162 3
                                    

AIAH'S POV

Nandito ako ngayon sa airport kasama ni Kuya Akira. Nagbabaka sakaling makita ang matagal ko ng gustong makita, ngayon na rin kasi ang alis ni Gelo pabalik ng Canada. Halos isang linggo rin kaming nakapag bonding kasama ang buong pamilya ko. Doon ko nakita kung gaano kagusto ni Mommy si Gelo para sa akin, kung gaano kasaya si mommy kapag nakikita niya kaming magkasama ni Gelo. Oo, si mommy masaya, e ako ba?

"Ingat ka rito ah, pag isipan mo yung offer ko sayo" Usap pa sa akin ni Gelo, napatingin naman sa akin si Kuya Akira ng marinig ang sinabi ni Gelo

"Ano bang pumipigil sayo, Aiah? Mukhang maganda naman yung offer ni Gelo tsaka magkakasama pa kayo roon" Seryosong usap sa akin ni Kuya Akira. Yung gusto kong makasama nandito, yun ang pumipigil sa akin, kuya.

"Kuya, ayokong masubsob sa mga sandamakmak na papel sa isang opisina at ayoko ring manigas ang buhok ko dahil sa mga semento sa construction site" Pagdadahilan ko. "Pero ayon ang pangarap mo diba?" Takang tanong pa ni Kuya Akira. Ayy! ang kulit.

"Oo, pero ayos na ako sa ginagawa ko ngayon, hawak ko oras ko, umaalis ako kung kailan ko gusto" Nakangiting sagot ko. "Lagi ka naman nakasakay sa eroplano" Pagsusuplado na sa akin ni Kuya Akira. Right, may issue nga pala pamilya namin sa ganyan.

"Basta, Lavi. Pag nagbago isip mo sabihan mo lang ako" Tumango na lang naman ako at niyakap siya "Ngayon pa lang namimiss na kita" Bulong niya, hindi ko naman nagawang sumagot dahil nakita ko na ang matagal ko nang gustong makita. "I miss you" Nasabi ko na lang ng saktong magtama ang mga mata namin. Mata ng taong hindi maalis alis sa isip ko. "I miss you too, Lavi" Biglang sagot ni Gelo. Umalis naman na ako sa pagkakayakap sa kanya at ngumiti na lang.

"Ingat ka ron" Bilin pa ni kuya at tinapik ang balikat nito. Binalik ko naman ang tingin ko kay Mikha at doon ko nakita na kasama na niya si Mandy na nag aalalang hinahawakan ang leeg at noo ni Mikha na para bang inaalam kung may sakit ito, bahagya naman siyang umiwas at umubo nang umubo. Yan na nga ba sinasabi ko e.

"Una na ako, bye, Lavi" Paalam niya at niyakap niya ulit ako ng napakahigpit. Nakita ko naman si Mikha na papalapit sa amin at doon ko nakita kung gaano siya katamlay at kahina. Hindi naman niya ako pinansin at nilagpasan lang ako. Mabuti lang yon sa ngayon dahil kasama ko si kuya.

Nang mawala na sa paningin namin si Gelo ay mayroon agad tumawag kay kuya patungkol sa kumpanya niya kaya kinailangan niyang magmadali.

"Una ka na kuya, may dadaanan lang ako" Pagpapalusot ko sa kaniya, taka naman niya akong tinignan "Sure ka?" Paninigurado pa niya "Yes kuya" Sagot ko. "Sunduin na lang kita pagtapos mo" Usap pa niya "Hindi na kuya, baka matagalan din ako" Usap ko pa at niyakap na siya at patakbo ng umalis sa harap niya. Nang masundan ko si Mikha ay papasok na siya ng kotse niya pero agad ko rin siyang pinigilan. Doon ko naman naramdaman na sobrang init niya at tamlay

"Oh my god! sobrang init mo, Mikha" Gulat na sabi ko at hinipo ang leeg at noo niya. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya sa akin, hindi ko naman pinansin ang tanong niya at kinuha lang ang susi niya "Doon ka na sa passenger seat, ako na magdadrive" Seryosong usap ko, tinitigan niya lang naman ako "Mamaya mo na ako titigan, sa ngayon kailangan mo na makauwi at magpahinga" Inis na sabi ko sa kaniya at sumakay na sa driver seat para wala na siyang magawa. Nang makasakay na siya ay agad kong pinaandar ang kotse niya papunta sa condo niya.

"Hindi mo kailangan gawin to, kaya ko naman, baka may importante ka pang kailangan gawin" Usap pa niya habang nakasandal at nakapikit sa upuan niya. Halata ngang kaya niya, tss.

"May mas importante pa ba akong kailangan gawin kaysa sayo?" Tanong ko sa kaniya, napatingin naman siya sa akin kaya napangiti na lang ako "Pinapahirapan mo lang ako lalo" Usap niya at pumikit na lang ulit "Madali lang yan, kung parehas tayo ng gusto" Seryosong usap ko at nagfocus na ulit sa pagdadrive. Sa lahat ng offer, siguro ito lang ang hindi ko pag iisipan, basta masaya ako.

Nang maiuwi ko na si Mikha ay agad ko siyang pinapasok sa kwarto niya para makapagpalit ng mas komportable, agad naman akong pumunta sa kusina niya at pinagluto siya ng lugaw na makakain.

"Bo" Bungad ko ng sagutin ni Sheena ang tawag ko "Bakit bo?" Tanong niya, hinalo ko naman muna ang niluluto ko bago ako sumagot "Nandito ako ngayon sa condo ni Mikha" Usap ko, natahimik naman siya saglit bago sumagot "Anong ginagawa mo diyan?" Takang tanong niya "Hinatid kasi namin si Gelo sa airport kanina, e nakita ko yung Mandy na hinihipo hipo yung leeg at noo ni Mikha, kaya minabuti kong humiwalay na kay kuya para sundan si Mikha para masigurado kung okay lang siya, kaya nung sinundan ko siya don ko naconfirm na sobrang init niya kaya minabuti ko na ipagdrive siya pauwi" Kwento ko sa kaniya.

"Kung kasama niya si Mandy, bakit hindi si Mandy ang kasama niya ngayon?" Takang tanong pa niya. "Mukha bang papayag ako?" Tanong ko pa sa kaniya, natawa naman siya kaya napangiti na lang ako habang nagluluto "Ano? don't tell me ——-

"Kung ano man yang nasa isip mo, oo, tama ka" Natatawang sagot ni Aiah. Natawa rin naman si Sheena "Ano? dadaan pa ba kami nila Stacey o ikaw na bahala?" Tanong niya. "ako na bahala sa kaibigan niyo" Sagot ko.

"Okay, tawagan mo lang ako kapag may kailangan kayo ah" Bilin pa niya bago ibaba ang linya.

Pagkatapos ko magluto ay naglagay na rin ako sa tray ng gamot at tubig na iinumin niya, pagpasok ko naman sa kwarto niya ay nakahiga na siya at yakap yakap na ang kumot. Kawawa naman ang boss baby.

Bago tuluyan makalapit sa kama niya ay doon ko nakita kung gaano kalinis ang kwarto niya at kung gaano kaorganize ang mga gamit niya. Nang makalapit ako sa kaniya at ginising ko na siya para paupuin at pakainin. Mabuti na lang ay hindi na niya ako pinahirapan at sumunod na lang sa mga sinabi ko. Sabihin ko kayang mahalin niya rin ako, gagawin niya rin kaya?

Mahalin? bakit? mahal ko na ba talaga to?

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon