SHEENA'S POV
"Buti naman napadalaw kayo" Pagsalubong sa amin ni Ate Maloi ng mahatid na kami ng maid nila sa loob ng bahay nila. Ngumiti naman kami ni Colet sa kaniya "I miss you attorney" Nasabi ko na lang at niyakap siya "Namiss ko rin kayo, si Mikha?" Tanong niya, napatingin naman ako kay Colet at inayos na ang sarili namin pareho. "Hmm, ate may flight e" Sagot naman ni Colet, napatango na lang si Ate Maloi at pinaupo na kami sa sala kung saan nandoon si Tita Myrla.
"Titaaaaa" Sabik na sabik na sabi ko pa bago yakapin si Tita Myrla, niyakap naman niya ako pabalik at hinalikan ang ulo ko "Salamat at nagkabisita rin tong bahay na to" Nakangiting sabi ni Tita Myrla "Maganda't gwapong bisita po tita" Dagdag pa ni Colet at hinalikan sa ulo si Tita Myrla.
"Ah tita si Mikha ho ———."
"Oh mag meryenda muna kayo, ubusin niyo yan ah" Pagputol ni Tita Myrla ng magsalita si Colet, napatango na lang kami at hindi na binanggit si Mikha sa kaniya. Iwas pa rin siya sa sarili niyang anak
"Kamusta na ho kayo rito tita?" Tanong ko sa kaniya "Okay lang naman hija, minsan pag wala masyadong ginagawa ang ate Maloi niyo dumadalaw lang kami sa tito niyo" Nakangiting sagot ni Tita Myrla. "Kayo ba? kamusta mga trabaho niyo?" Nakangiting tanong ni Tita Myrla. "Okay lang po, medyo nakaka stress maging engineer" Natatawang sagot ko, napangiti naman si Tita Myrla "Pag tumagal tagal masasanay ka rin pero syempre huwag mo rin kalimutan na magpahinga ah" Usap pa niya, napangiti naman ako at naalala si Mikha. Sana naririnig niya rin to, sana sinasabi rin sa kaniya to ng mommy niya
"Ikaw, Colet? Nag iingat ka ba sa mga flight mo?" Tanong pa ni Tita Myrla kay Colet, kabado naman na tumango si Colet at ngumiti "Oo naman po tita, lalo na po si Mikha. Lagi niya po munang pinapasigurado na walang aberya ang mga eroplano na gagamitin niya" Nakangiting sagot ni Colet, tumango lang naman si Tita Myrla habang nakangiti naman umupo sa tapat namin si Atty. Maloi.
"Manang mana talaga kay Daddy" Nakangiti naman sabi ni Ate Maloi, tumango naman kami ni Colet habang hindi na kami pinansin ni Tita Myrla.
"Kamusta na kaya yon? hindi kasi sumasagot sa mga text at tawag ko yung batang yon, hindi naman ba siya nagkakasakit?" Sunod sunod na tanong ni Ate Maloi
"Sa ngayon po, okay lang po si Mikha, pag nagkakasakit naman po siya, dinadaanan siya nila Nurse Jhoana at Stacey sa condo niya" Nakangiting sagot ko, nakatingin lang naman sa akin si Tita Myrla. "Mabuti naman kung ganon, pag may problema sabihan niyo ko ah, kahit may hearing ako iiwan ko yon para kay Mikha" Nakangiting sabi pa ni Ate Maloi, natawa naman at napapailing si Tita Myrla kaya napatingin kaming tatlo sa kaniya
"Tapos? Papatayin mo rin sarili mo para sa batang yon? Matanda ka na Maloi, huwag mo na hayaan maulit yung dati" Napapailing na sabi ni Tita Myrla. Huminga na lang naman ng malalim si Ate Maloi at hindi na pinansin ang mommy niya. Napatingin naman ako kay Colet at ngumiti lang ito ng pilit kaya mas mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Alam ko sa amin dalawa siya ang mas nasasaktan para kay Mikha, maski rin naman ako, kaya hanggat maari hindi namin hinahayaan na mag isa lang si Mikha.
"Nga po pala, may balita po kami ni Sheena sa inyo" Todo ngiti na sabi ni Colet, napatingin naman sa amin ang mga Lim at napatingin din sa mga kamay namin ni Colet na magkahawak. "Wait, parang alam ko na" Natatawang sabi ni ate Maloi habang nakangiti na rin si Tita Myrla "Mag nobya na kayo?" Nakangiting tanong ni Tita Myrla, napatango naman kami ni Colet bilang sagot. "Wow! congrats!" Tuwang tuwa na sabi ni Ate Maloi at niyakap pa kami parehas
"Sheena, piloto ang nobya mo, hindi madali pero hayaan mo lang muna ang oras niya sa trabaho niya kapag nasa trabaho siya, hawak niya ang buhay ng ilan kaya mas kailangan niya mag focus sa iba paminsan minsan" Seryosong usap pa sa akin ni Tita Myrla kaya napatango na lang ako "Opo tita, noted" Nakangiting sagot ko "Ikaw naman, Colet, ayos ayusin mo ah, nako sinasabi ko sayo" Nakangiting pagbabanta niya kay Colet, natawa naman kami pareho at masayang makitang napapangiti namin si Tita Myrla kahit papaano.
Matapos ng mahabang kwentuhan sa hapag kainan ay hinatid na kami ni Ate Maloi sa labas pagkatapos namin mag dinner habang si Tita Myrla naman ay hinatid na ng maid niya sa kwarto niya para magpahinga. "Ingat kayo ah" Nakangiting bilin pa ni Ate Maloi sa amin, niyakap ko naman muna siya bago sumagot "Huwag niyo na po muna alalahanin si Mikha kami na po muna bahala sa kaniya, medyo hindi rin po kasi madali kay Mikha na bumalik dito" Tumango na lang naman si Ate Maloi at niyakap na rin si Colet bago kami tuluyan sumakay sa sasakyan. Hinintay naman muna siya kami makaalis bago siya tuluyan pumasok ulit sa bahay nila.
"Tama lang din siguro yung desisyon ni Mikha na huwag na muna umuwi sa kanila" Seryosong usap ni Colet habang focus na focus sa pagdadrive "Hindi pa rin nawawala galit sa kaniya ni Tita Myrla at mas lalo lang siyang mahihirapan patawarin ang sarili niya kapag narinig niya ang sinasabi ng sarili niyang magulang" Dagdag pa niya. Tinapik tapik ko na lang naman ang balikat niya at ngumiti
"Kaya ni Mikha yan, don't worry pero sa ngayon mukhang kailangan na muna niya ng distractions sa lahat ng problema niya" Nasabi ko na lang at biglang naisip ang kaibigan kong si Aiah.
"Don't tell me naiisip mo rin yung naiisip ko" Usap pa sa akin ni Colet, napailing naman ako
"Kung si Aiah ang naiisip mong distractions sa mga problema ni Mikha, parehas tayo ng naiisip" Sagot ko kaya natawa siya "Kaya sayo ako e" Malanding sabi pa niya
"Pero depende pa rin yon, nasa kanila na dalawa yan, kung gugustuhin nila pareho, hindi natin kailangan ipilit, ayokong maging problema pa nila ang isa't isa dahil sa isyu ng mga pamilya nila" Nasabi ko na lang at napahinga ng malalim. Bakit kasi Piloto tong mga to? oo naman jusko hahahaha
![](https://img.wattpad.com/cover/267271411-288-k87200.jpg)
BINABASA MO ANG
We Fell In love in October (MIKHAIAH)
RomancePapano na lamang kung nagtagpo ang dapat na hindi na lang nagtagpo? Papano na lamang kung mahagip ng camera ng isang travel vlogger na si Maraiah Queen Arceta ang pinaka iiwasan ng pamilya nila. Ang mga piloto. Ang piloto na malapit pa sa bestfriend...