CHAPTER LX

7K 163 23
                                    

MIKHA'S POV

"What's up? bro!" Bati pa sa akin ni Colet ng mauna siyang bumaba ng sasakyan.

"Si Aiah?" Tanong ko sa kaniya at naglakad na palapit ng sasakyan niya.

"Hi" Nakangiting sabay na bati pa sa akin ni Sheena at Stacey ng buksan ko ang back seat.

"Bakit niyo naman hinayaan na magpakalasing ng ganto 'to?" Tanong ko sa kanila habang inaayos ng upo si Aiah sa sasakyan. Ako na lang naman talaga gagawa nito dahil halata naman sa mga mukha nila na nakainom na rin sila.

"Need niya rin mag relax at mag chill no" Pataray na sagot pa ni Stacey

"Oh yeah, useless naman pala yung mga beach, salon at spa" Inis na sagot ko sa kaniya at tinignan siya ng masama. Nag peace sign na lang naman siya at umiwas na lang tingin.

"Kaya mo na yan bro ah, mahilo hilo na rin ako e" Usap pa ni Jhoana kaya binuhat ko na lang palabas ng sasakyan si Aiah. Wala naman na akong choice.

"Pakisara na lang ng gate, at kung pwede, mag iingat kayo sa pagdadrive at ayaw niyo rin naman sigurong walang maalala" Bilin ko pa sa kanila bago tuluyan pumasok ng bahay, sakto naman na nakasalubong namin si Aling Fe kaya naman ay may umalalay sa amin dalawa ni Aiah hanggang sa makarating na kami sa kwarto nila ni Baby Queen. Isa pa yung batang yon, miss ko na agad hayss

__________________________________________

"Hayy nako naman, Aiah" Nasabi na lang ni Mikha ng sa wakas ay mahiga niya ito sa kama.

"Hmm" Pag iingay pa ni Aiah at nagpagulong gulong sa kama. Hindi naman na siya pinansin ni Mikha at pumasok na lang ito sa banyo nila Aiah at Queen para kumuha ng towel na ipupunas sa dalaga.

"Goodluck na lang talaga sa ulo mo bukas, miss" Natatawang usap ni Mikha kay Aiah habang pinupunasan pa rin ang mukha at ang leeg nito.

"Love, I miss you" Biglang usap naman ni Aiah habang nagpapagulong-gulong ito sa kama, natawa na lang naman si Mikha at pinagpatuloy na lamang ang paglilinis sa dalaga.

"Sorry, miss. Pero hindi ako yung love mo" Natatawang sagot nito sa dalaga.

"Captain, I love you so much" Usap pa nito habang nakapikit. Napailing na lang naman si Mikha at napatitig sa dalaga. Piloto rin naman ako, noon nga lang at hindi na ngayon.

"Hindi siya mawala wala sa isip mo e no? Ganon mo ba talaga siya kamahal? Na kahit diyan sa kalasingan mo, siya pa rin naaalala mo" Tanong pa ni Mikha kay Aiah habang titig na titig sa mala anghel nitong mukha. Napailing na lang naman ang dalaga nang mapagtanto niyang hindi naman sasagot ang dalagang lasing na nasa harap nito.

"Okay, magpahinga ka na at alam kong may trabaho ka pa, yun ay kung makakapasok ka pa" Usap pa ulit ni Mikha kay Aiah, tatayo na sana ito ng bigla naman siyang hawakan ni Aiah sa kamay.

"Don't worry, hindi kita iiwan mag isa, dito lang ako sa sofa, matulog ka na at lasing ka na" Natatawang usap ni Mikha kay Aiah na ngayo'y nakadilat na ang mata, napangiti na lang naman si Aiah at hinawakan ang mukha ni Mikha

"Kamukha mo yung taong mahal ko" Nakangiting usap ni Aiah kay Mikha, napailing na lang naman si Mikha at napaiwas ng tingin.

"Totoo nga" Usap pa ni Aiah at hinarap ulit sa kaniya ang mukha ni Mikha.

"Kamukha mo nga si Mikha" Usap pa ni Aiah kasabay ng mga luha sa mata niya.

"Kamukha yung taong kaisa-isang minahal ko, kamukha mo si Mikha ko" Umiiyak pang dagdag nito.

"Pero alam mo ba, kinalimutan na ako non, literal!" Natatawang usap pa nito habang hawak-hawak pa rin ang mukha ni Mikha.

"Kinalimutan ako ng Mikha ko" Dagdag pa ni Aiah kaya hindi na rin napigilan ni Mikha ang mapaluha.

"Kasama ko na nga siya, may Baby Queen na nga rin kami pero hindi pa rin niya ako naaalala" Iyak nang iyak pa rin na kwento nito.

"Gustong-gusto ko na siyang yakapin, gustong-gusto ko na siyang halikan, gustong-gusto ko ng sabihin sa kaniya na 'Love, ako 'to, si Aiah, girlfriend mo' pero natatakot ako, natatakot ako kasi kilala niya lang ako bilang kaibigan niya at hanggang don na lang yon" Usap pa ni Aiah, natulala na lang naman si Mikha sa mga narinig niya habang napapikit na lang ulit si Aiah at biglang umayos ng pagkakahiga.

"I love you Mikha, balik ka na sa akin, pleasee, miss na miss na kita, love" Iyak nang iyak ng usap pa ni Aiah kaya wala na lang naman nagawa si Mikha kung hindi patahanin na lang ang dalaga at punasan ang mga luha nito.

Nang makatulog na ang dalaga ay agad din nitong kinumutan ni Mikha atsaka nagmadaling kinuha ang cellphone niya upang nagpadala ng mensahe sa mga kaibigan niya, mensahe na nagsasabing na sa ayaw sa at gusto ng mga ito ay magkikita kita sila ng Lunch time sa opisina niya.

"Akala ko, abnormal tong puso ko dahil sa bilis na paghulog nito sayo, pero mukhang ang isip ko lang ang nakalimot pero hindi ang puso ko" Maluha-luha pang usap ni Mikha sa dalaga habang hawak hawak na ang mukha nito.

"Dahil matagal na pala tong tumitibok ng ganito ng dahil sayo at hindi na pala ito bago" Dagdag pa ni Mikha at bahagyang lumapit pa sa dalaga.

"Hintayin mo ako, love" Bulong pa ni Mikha sa dalaga bago ito halikan sa sentido nito. Napalayo na lang naman si Mikha ng maramdaman niyang maiiyak nanaman siya ng maisip ang sitwasyon na meron sila ni Aiah.

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon