"Kanina ko pa gustong magbike ron sa daan kaso baka hindi ako pahiramin nung bata" Natatawang sabi ni Aiah habang tinuturo kay Mikha ang bike na hawak hawak ng isang batang lalaki. "Bike? nandon yung motor na gamit natin gusto mo ayon na lang" Usap naman ni Mikha. Naglalakad na silang dalawa pabalik sa kabilang dulo ng tulay para sana puntahan na ang mga kaibigan nila na tapos na magsurfing at nag aayos na ng kanilang mga gamit. "Mahal ko buhay ko" Natatawa na sagot ni Aiah, tumango lang naman si Mikha at napalingon sa batang lalaki na may dala dala ng bisikleta. "Hintayin mo ko rito" Seryosong sabi pa ni Mikha, tumango naman si Aiah bago tuluyan maglakad palayo si Mikha. Inayos naman muna ni Aiah ang camera na dala dala niya para kumuha ng video na ilalagay niya sa mga vlog niya. Habang si Mikha naman ay lumapit sa batang may dala dala ng bisikleta at mahinahon na kinausap ito "Ahm boy, pwede ko bang marentahan tong magandang bike mo? kahit saglit lang" Nakangiting usap ni Mikha sa bata "Bakit po?" Inosenteng tanong ng batang lalaki "Ahm, gusto kasi magbike saglit non kasama ko, ito 1k, saglit na saglit lang talaga" Sagot ni Mikha atsaka inabot ang isang libo sa bata "Ang laking pera po nito ate, sa girlfriend niyo ho ba? Ayon po ba siya? Tanong pa nung bata habang turo turo si Aiah na busy sa pagkuha ng video. Napangiti naman si Mikha tsaka umiling "Oo, ayon siya, hindi ko siya girlfriend, kaibigan siya nang kaibigan ko" Sagot ni Mikha "Nako, kahit huwag niyo na po rentahan, lalangoy na lang po muna ako ron tas tawagin niyo lang po ako kapag tapos na po si Ate Ganda" Nakangiting sabi ng batang lalaki, sa tuwa ni Mikha ay dinagdagan pa niya ito ng isang libo at pinilit na kunin na ito ng bata "Sige na, kunin mo na, minsan lang ako nandito"Nakangiting sabi pa niya sa bata "Salamat po. Ako nga po pala si Mario" Pakilala nung bata. Saglit pang natahimik si Mikha dahil sa narinig niyang pangalan. Mario. "Salamat, Mario" Nasabi na lang ni Mikha tsaka ngumiti ng pilit. Matapos nilang mag usap ay dala dala na ni Mikha ang bisikleta nung bata habang si Mario naman ay pinuntahan na muna ang nanay niya para ibigay ang perang bigay ni Mikha bago lumangoy.
"Nay! Nay! bigay po ni ate oh!" Masayang sabi ni Mario sa nanay niya na mayroong hanapbuhay malapit sa naturang lugar. "Bakit ka naman niya binigyan anak? Ang laking pera nito" Tanong ng nanay niya. "Hiniram niya po yung bike ko kasi gusto raw po magbike nung kasama niyang magandang babae" Kwento pa nung bata, napailing naman ang nanay niya at hinarap ang bata. "Dapat hindi mo na pinabayaran anak, minsan lang naman sila bumisita rito sa isla" Mahinahon na sabi pa ng nanay ni Mario sa kaniya. "Ayon nga po, hindi ko nga po pinarentahan kay ate pero pinilit pa po niya ako tsaka mas lalo niya pong dinagdagan" Kwento pa ulit ni Mario, wala naman na nagawa ang nanay ni Mario, kinuha na lang ang pera kay Mario at tahimik na nagpasalamat kung sino man ang nagbigay dahil kailangan na kailangan din nila ng pera.
Lingit naman sa kaalaman ni Mikha ay nakangiting nakatingin ang mga kaibigan niya sa kaniya habang nag aayos ng kanilang mga gamit "Malamang para kay Aiah yan, hilig ni Aiah magbike, napakahalaga ng pagbabike para sa kaibigan kong yan, daddy niya kasi nagturo sa kaniya noon at yon na naging bonding nila nung nagkakasama pa sila ng daddy niya" Seryosong sabi ni Sheena sa tatlong kaibigan "Nagkakasama?Bakit? Nasaan na daddy niya?" Tanong pa ni Stacey "Nasa heaven na" Mapait na ngiting sagot ni Sheena kay Stacey "Ayy sorry" Pag hingi ng paumanhin ni Stacey. "Okay na siguro yon, 10years na rin wala ang daddy niya" Usap pa ni Sheena. "Baka kaya pinili niya rin na maging travel vlogger para nakakasakay siyang eroplano, siguro kasi feeling niya malapit siya sa langit, sa daddy niya. Gaya ni Mikha, hindi ba kaya rin siya sumunod sa yapak ng lolo at daddy niya para humingi lang ng tawad sa taong patay na, yung kwinekwento niyang siya yung may kasalanan kaya namatay yung sinasabi niyang tao" Kwento pa ni Colet, napaisip naman ang magkakaibigan at tinignan sila Aiah at Mikha. "Hirap din kasing basahin ng dalawang yan e" Napapailing na sabi na lang ni Sheena.
"Try mong isulat baka mas madali" Suhestiyon ni Stacey. Natawa naman ang kaniyang nobya pati na rin ang kaibigang si Colet habang tinarayan naman siya ng kaibigang niyang si Sheena.
"Oh my god! Paano mo nahiram sa bata to?" Tuwang tuwa na tanong ni Aiah ng ibigay sa kaniya ni Mikha ang bike "Hindi na importante yon, magbike ka na bago pa matapos sila Sheena ron" Seryosong sagot lang ni Mikha. Todo ngiti namang sumakay si Aiah sa bike at binigay kay Mikha ang camera niya "Pwede mo ba akong videohan? kung pwede lang naman pero kung ——". Kinuha naman ni Mikha ang camera ni Aiah "Sige na, mag ingat ka" Sagot lang nito, nginitian naman muna siya ni Aiah ng napakatamis bago tuluyan magbike. "Lalo ka naman pala gumaganda kapag nakangiti" Nasabi na lang ni Mikha habang vinivideohan si Aiah. "Please don't ever lose that smile, Queen" Seryosong usap pa ni Mikha habang vinivideohan si Aiah
Masaya namang nagbibisikleta pabalik balik si Aiah hanggang sa naalala niya ang bonding nila ng daddy niya sa tuwing uuwi ito kapag walang flight. "I miss you, Dad" Usap pa ni Aiah habang nakatingala sa mga ulap. Nang makuntento ay bumalik na ito kay Mikha at ngiting ngiting bumaba ng bisikleta. "San yung bata? ako na magbabalik para mag thank you" Tanong ni Aiah kay Mikha. Tinuro naman ni Mikha ang batang naglalangoy sa tabing dagat. "Ako na magbabalik" Usap ni Mikha kay Aiah at tinangkang kunin ang bike. "Ako na, diyan ka lang" Nakangiti pa ring sabi ni Aiah at dali daling naglakad palapit sa bata.
"Akala ko ba hindi ka naniniwala sa mga picture picture na yan? Bakit mo kinukuhanan ng picture yang si Aiah?" Biglang tanong ni Colet sa kaibigan. Bigla naman tinago ni Mikha ang cellphone niya at pinagmasdan na lang si Aiah na nakikipag usap kay Mario. "Pagbigyan mo sarili mo na magmahal, hindi habang buhay pagbabayaran mo yang kasalanan na hindi mo naman talaga ginawa" Nasabi na lang ni Colet, sakto naman na tinawag na sila ng iba pa nilang kaibigan kaya naman patakbong bumalik si Aiah sa kung saan naroroon si Colet at Mikha. "Thank you nga pala ulit" Nakangiting sabi pa ni Aiah, tumango lang naman si Mikha atsaka inabot ang camera nito. Nang tawagin sila ulit nila Sheena ay nauna ng naglakad si Mikha at diretsong pumunta sa kung saan nakaparada ng mga motor na nirentahan nila. Paano ko pipilin na maging masaya? Anong karapatan kong maging masaya? kung alam ko dahil sa akin mayroon mga nagdurusa?
BINABASA MO ANG
We Fell In love in October (MIKHAIAH)
Любовные романыPapano na lamang kung nagtagpo ang dapat na hindi na lang nagtagpo? Papano na lamang kung mahagip ng camera ng isang travel vlogger na si Maraiah Queen Arceta ang pinaka iiwasan ng pamilya nila. Ang mga piloto. Ang piloto na malapit pa sa bestfriend...