"Ang buong akala ko noon, magiging magbalae tayo dahil kay Akira at Maloi, mali pala ako" Nakangiting usap pa ng Mommy ni Aiah sa Mommy ni Mikha, matapos marinig ang sinabi ni Mikha.
"Magiging magbalae pala tayo dahil sa mga bunso natin" Natatawang usap pa ng mommy ni Mikha.
"Sana masaya sila ngayon sa taas dahil may bagong apo ulit sila" Dagdag pa ng mommy ni Mikha kaya nakangiting hinawakan naman ng mommy ni Aiah ang kamay nito.
"Masaya na sila ron, kaya maging masaya na lang din tayo hanggang nandito pa tayo" Nakangiting usap pa nito. Pinagpatuloy na lang naman nila ang pakikipag kwentuhan sa mga magulang ng mga kaibigan nila Aiah at Mikha.
———
"Siguro naman, okay na kayong dalawa?" Tanong ni Gwen sa asawang si Akira at kaibigan na si Maloi.
"Oo nga, okay na lahat, okay na mga pamilya natin" Nakangiting dagdag pa ni Jl sa sinabi ni Gwen
"Well, mukhang habambuhay na talaga tayong magkakasama dahil mukhang may balak ng pakasalan ng kapatid ko itong kapatid ni Akira" Natatawang usap ni Maloi kaya natawa na lang din ang mga kaibigan pa nito.
"Masaya ako para kay Aiah at Mikha, grabe ang tatag ng dalawang yon, ang dami ng nangyari pero tignan niyo naman, may pa party para sa first baby nila" Proud na proud na usap pa ni Gwen kaya napangiti na lang naman ang magkakaibigan ng maalala ang pinagdaanan ng dalawa.
"Iba talaga nagagawa ng pag-ibig" Natatawang usap pa ni Akira
"Parang ganto lang yan e, yung, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang" Todo aksyon pang usap ni Jl kaya natanggap naman siya ng hampas mula sa asawa niyang kanina pang natatawa.
____________
"Payag na ako" Biglang usap ni Jhoana sa nobya, taka naman tumingin sa kaniya si Stacey kaya napangiti na lang siya at mahigpit na hinawakan ang kamay ng nobya.
"Payag na ako sa gusto mong mangyari" Dagdag pa ni Jhoana kaya gulat naman siyang hinarap ni Stacey.
"Narealize ko na, wala naman pala ako dapat na ikatakot, nung nakita ko yung ngiti mo habang buhat buhat mo si Baby Queen, doon na ako nakapag desisyon, ayokong mawala yung mga ngiti na yon kaya papayag ako sa gusto mo" Nakatungong usap pa ni Jhoana kaya inangat naman ni Stacey ang mukha ni Jhoana at seryosong tinignan ang nobya.
"Paano naman ang gusto mo?" Tanong pa ni Stacey. Na siyang nagpataka naman kay Jhoana
"Gusto ko rin naman yon, Hon. Natakot lang talaga ako na baka may mangyari at bigla ka na lang mawala sa akin" Sagot pa ni Jhoana kaya napangiti na lang si Stacey at ni wala ano ano'y hinalikan ang labi ng nobya.
"Hindi ako mawawala sayo" Nakangiting usap pa ni Stacey kaya hinalikan na lang naman din ni Jhoana ang labi ng nobya.
"Simulan na natin agad yung proseso pagkatapos na pagkatapos ng kasal" Nakangiting usap pa ni Jhoana kaya naman ay napapaiyak na lang siyang niyakap ni Stacey ng napaka higpit.
"I love you, Jho" Usap pa ni Stacey
"I love you, too. Stacku"
___________
"Baka hanapin na nila tayo ron" Nag aalalang usap pa ni Sheena habang hila hila siya ni Colet sa kabilang dulo ng lugar kung saan ginanap ang birthday party ni Baby Janna.
"Saglit lang 'to, promise" Nakangiting usap pa ni Colet at hinarap si Sheena.
"Pero ngayon, gusto kong pumikit ka muna" Nakangiting usap pa ni Colet habang nagdadalawang isip pang tumingin sa kaniya si Sheena.
"Bilis na" Natatawang pamimilit pa ni Colet sa kaibigan, agad din naman sumunod si Sheena sa nobya.
"Huwag kang didilat hanggat hindi ko sinasabi ah" Bilin pa ni Colet. Nang makahinga naman na ng maluwag si Colet ay agad din siyang humarap sa dalaga.
"Okay, sige, Catacutan, dilat mo na, mata mo" Usap pa ni Colet, kasabay ng pagbukas ng mga ilaw ang siyang pagluhod niya sa harap ng kaniyang nobya. Gulat naman napatingin si Sheena sa nobya niyang nakaluhod sa harap at sa mga magagandang ilaw na nasa paligid nila.
"Naalala ko dati nung mga high school pa lang tayo nila Mikha, nabanggit mo na, kung may mag aalok sayo ng kasal, gusto mo kayong dalawa lang, walang kaibigan, walang pamilya, para walang pressure" Natatawang usap pa ni Colet.
"Nakinig ka?" Gulat pang tanong ni Sheena kaya tumango naman si Colet.
"Inlove na ako sayo non e" Natatawang sagot pa ni Colet kaya napangiti naman si Sheena.
"At hanggang ngayon inlove na inlove pa rin ako sayo, kaya, Catacutan"
"Will you marry me?" Tanong ni Colet sa kaniyang nobya, agad naman siyang hinila ni Sheena patayo at agad na hinalikan ang labi nito.
"Oo naman, Vergara, syempre" Umiiyak ng sagot nito kaya natatawa naman siyang niyakap ni Colet at agad na sinuot ang singsing sa daliri ng dalaga.
"I love you, Catacutan" Nakangiting sabi pa ni Colet
"I love you, too. Vergara" Sagot ni Sheena at agad ulit niyakap ang nobya.
————————
"Tignan mo yung anak mo, bibong bibo" Natatawang usap ni Aiah kay Mikha habang turo-turo si Baby Janna na sumasayaw sa dance floor
"Thank you" Nakangiting biglang usap ni Mikha sa nobya agad naman napatingin sa kaniya si Aiah.
"Thank you kasi ako ang napili mong maging katuwang sa pagpapalaki kay Baby Queen" Nakangiting usap pa ni Mikha kaya napailing na lang naman si Aiah.
"Nag iisa ka lang naman dito sa puso ko, sino pa ba pagpipilian ko?" Natatawang sagot ni Aiah kaya bahagya pang lumayo sa kaniya si Mikha.
"Alam mo hindi ko alam kung kikiligin ako sa mga banat mo o maiinis" Natatawang usap ni Mikha kay Aiah kaya natatawa na lang din naman siyang niyakap nito.
"I love you haha" Natatawang sabi na lang ni Aiah kay Mikha at agad na pinang gigilan ang mukha nito.
Maya-maya lang ay nagkayayaan na ang mga ito sa dance floor kaya agad din naman pinuntahan ni Aiah at Mikha si Queen Janna para samahan ang kanilang anak sa pagsayaw.
Na na na na 🎶
Nahuhulog ang loob 🎶haha joke.
BINABASA MO ANG
We Fell In love in October (MIKHAIAH)
Roman d'amourPapano na lamang kung nagtagpo ang dapat na hindi na lang nagtagpo? Papano na lamang kung mahagip ng camera ng isang travel vlogger na si Maraiah Queen Arceta ang pinaka iiwasan ng pamilya nila. Ang mga piloto. Ang piloto na malapit pa sa bestfriend...