CHAPTER XXVIII

8.4K 214 16
                                    

Nang napangtanto ni Mikha ang nangyari ay agad niyang sinundan si Aiah sa labas ng coffee shop para kausapin ito. Mabuti na lamang at walang masyadong dumadaan na taxi sa coffee shop kaya naabutan pa niya ito.


"Hatid na kita, wala masyadong taxi rito" Usap ni Mikha nang makarating na siya sa tabi ng dalaga, nilingon lang naman siya saglit ni Aiah pero agad din ulit itong umiwas ng tingin para tignan kung mayroon na paparating na taxi.


"Hmm, no thanks, willing to wait naman" Nakangiting sagot ni Aiah ng lingunin niya ulit saglit si Mikha. "Yung kanina, si Angela yon, anak siya ng isang piloto na katrabaho ko, sinubukan nilang ipagkasundo kami noon pero may iba na akong gusto non" Biglang paliwanag ni Mikha kay Aiah. Nakangiti naman humarap ulit sa kaniya si Aiah at hinawakan pa ang balikat ng dalaga. "Hindi mo kailangan mag explain, Mikha" Kunwaring natatawang sabi ni Aiah.


"Alam mong ikaw ang gusto ko, Aiah" Seryosong usap ni Mikha sa dalaga, saglit pang napatigil si Aiah ng marinig ang sinabi ng dalaga.

"At alam kong alam mong totoo ang sinasabi ko" Dagdag pa ni Mikha. "Oo, maaring alam ko nga, pero sana alam mo rin na kung mambabae ka pa at makikipag landian ka pa sa iba, 'wag mismo sa harap nung taong sinabihan mo na gusto mo siya" Nakangiting usap ni Aiah kay Mikha.

"Hindi ako nakikipag landian sa kaniya, Aiah"

"Pero hindi mo rin iniwasan, Mikha"

"Nagseselos ka ba?" Nakangiting tanong ni Mikha sa dalaga. "Selos mo mukha mo" Inis na sagot ni Aiah at naglakad na papalayo kay Mikha. Napailing na lang naman si Mikha dahil sa sobrang pagkakangiti bago tuluyan sundan si Aiah.


Pero hindi pa man sila tuluyan nakakalayo ay sumigaw na si Aiah dahil sa gulat ng bigla siyang buhatin ni Mikha na para bang siyang isang sakong bigas.


"Ano ba?! ibaba mo ko!" Sigaw ni Aiah.

"I'm sorry, My Queen. Pero kailangan talaga natin mag usap" Napatingin naman ang ilang mga dumadaan sa kanila hanggang sa may isang lalaki na naglakas loob na lumapit sa kanila ni Mikha.

"Girlfriend ko ho, nagtatampo kasi kaya binuhat ko na" Usap ni Mikha sa lalaking lumapit sa kanila, tumingin naman ang lalaki kay Aiah para kumpirmahin kung totoo ba ang sinasabi ni Mikha. Tumango na lang naman si Aiah sa takot na baka mapahmak pa si Mikha.

Nang naglakad na papalayo ang lalaki ay agad na naglakad din si Mikha pabalik sa parking lot ng coffee shop habang si Aiah naman ay panay pa rin ang sigaw at rekalmo. Laking pasalamat naman ni Mikha ng makita niya ang mga kaibigan niya palabas ng coffee shop. Nang makita na siya ng mga kaibigan nila ay agad na binato ni Mikha ang susi niya kay Colet para mabuksan ang pinto ng kotse niya. Gamit ang kaniyang car key fob.

"Siraulo ka, Mikha, ibaba mo na ako!" Sigaw ni Aiah. Tawang tawa naman ang magkakaibigan lalong lalo na si Stacey.

"Oh my god! santong paspasan na to, Mikha ah" Tawang tawang sabi ni Stacey, habang binababa na ni Mikha si Aiah sa loob ng kotse. "Ayokong makawala pa to e" Nakangiting sagot ni Mikha at sinara na ang pinto ng kotse. Binalak pang buksan ni Aiah ang pinto pero agad din itong tinulak pabalik ni Sheena.

"Thank you" Nakangiting pasasalamat ni Mikha sa kaibigan

"Goodluck" Pahabol pa ng mga magkakaibigan bago tuluyan pumasok sa loob ng sasakyan si Mikha.


Pagpasok sa sasakyan ay agad na nagmaneho si Mikha papalayo sa coffee shop habang si Aiah naman ay tahimik na lang na nakadungaw sa bintana at hindi na pinansin ang dalaga. Napa buntong hininga na lang naman si Mikha at tinabi na ang sasakyan niya sa mismong tapat ng manila bay at ni agalwalang ano ano'y bumaba rin ng sasakyan at naglakad palapit sa bay at naupo.





"Lakas tama talaga tong isang to, matapos akong buhatin na parang sako ng bigas tas ngayon iiwan ako mag isa dito sa sasakyan" Inis na usap ni Aiah sa sarili niya at bumaba na rin ng sasakyan para sundan ang dalaga.


"Okay ka na? Kalmado ka na ba?" Tanong ni Mikha sa dalaga habang nasa papalubog na araw pa rin ang tingin. "Kalmado naman ako, sinasagad mo lang talaga pasensya ko, Mikha" Kalmado ngunit pataray pa rin sagot ng dalaga. Umakyat din naman si Aiah sa bato kaya agad siyang inalalayan ng dalaga, hindi naman na umarte ang dalaga at naupo na lang din sa tabi ni Mikha.





"Bakit ka umalis? Bakit mo ko iniwan non?" Seryosong tanong ni Mikha sa dalaga habang patuloy pa rin pinapanood ang paglubog ng araw. Napatingin naman din sa kaniya ang dalaga at tanging hinggang malalim lang ang nasagot nito.





"Hindi ko alam sasabihin ko" Biglang usap ng dalaga. Napatango lang naman si Mikha at seryosong tumingin kay Aiah. "Hindi mo ba talaga alam o natatakot ka lang talaga aminin yang tunay na nararamdaman mo?" Seryosong tanong ni Mikha kay Aiah habang seryosong tinititigan ito. Agad din naman umiwas ng tingin si Aiah at umiling.

"Sinabi ko lang naman na gusto kita, hindi ko naman sinabi na gustuhin mo rin ako" Natatawang sabi ni Mikha sa dalaga. "Wala rin sa plano kong guluhin kayo ng pamilya mo, gusto ko lang talagang malaman mo tong nararamdaman ko" Dagdag pa ni Mikha.

"Alam mo, dati balewala lang sa akin tong paglubog ng araw, normal, paulit-ulit lang, darating pero lilipas din" Seryosong usap ni Mikha sa dalaga habang titig na titig na papalubog na araw. "Pero ngayon, kakaiba, ang sarap sa pakiramdam, siguro dahil kasama kita" Nakangiting usap ni Mikha tsaka lumingon sa dalaga na kanina pang nakatitig sa kaniya. "Alam kong hindi dapat, kasi alam kong parehas lang tayong ma--

"Mikha, gusto rin kita" Biglang usap ni Aiah. Napangiti naman si Mikha at hinalikan ang noo ng dalaga.

"Pag isipan mong mabuti, kasi isang sabi mo pa niyan, hinding hindi na kita pakakawalan" Nakangiting usap ni Mikha at nginitian ang dalaga.

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon