AIAH'S POV
Gaya nga ng sabi niya, hindi na niya ako pinakawalan pa, mula kasi ng manligaw siya, sa akin na niya binubuhos ang libreng oras niya kapag day off niya at may free time siya pero hindi ko na rin naman na pinatagal pa yon dahil hindi naman mahirap mahalin ang isang Mikha Lim. Sa sitwasyon namin ni Mikha ay laging walang kasiguraduhan ang bukas namin, hindi namin alam kung ano ang pwedeng mangyari, kaya hanggat maaari, kailangan ng lubusin. Alam na rin ng mga kaibigan namin ang tungkol sa amin, tuwang tuwa naman ang mga siraulo at nakuha pang mga manlibre ng inuman nung nalaman nilang kami na ni Mikha.
Ang totoo niyan, takot pa rin akong malaman ng pamilya ko ang tungkol sa amin ni Mikha at hindi alam ni Mikha yon. Ang laking pasalamat ko rin dahil nawawala rin yung takot at pangamba na yon sa tuwing nakikita ko yung ngiti nung babaeng yon, pakiramdam ko ligtas kami sa yakap ng isa't isa, pakiramdam ko magiging okay din ang lahat, pero gaya ng sinasabi namin parehas. Mangyayari ang dapat na mangyari, kaya wala kaming dapat na aksayahin na oras para piliin na maging masaya na magkasama. Bahala na. Ang importante, naging masaya.
"Ang lalim naman nun bunso, okay ka lang ba?" Biglang tanong sa akin ni Kuya ng nakita akong huminga ng malalim. Nandito ako ngayon sa garden nila, kanina pa kasi ako naghahanap ng lugar dito sa google na pwede kong puntahan sa mga susunod. Sinara ko naman muna ang laptop ko ng maupo si Kuya sa harap ko.
"Oo naman, kuya, Okay na okay" Todo ngiting sagot ko, tumango naman siya at umayos ng upo
"Pansin ko nga rin, may dapat ka bang ikwento kay Kuya?" Tanong niya ulit, nanlaki naman ang mata ko pero agad din akong umiwas ng tingin at umiling. "Wala naman kuya" Simpleng sagot ko at binuksan na lang ulit ang laptop ko. Busy busyhan tayo ngayon, Aiah.
"Hindi ka naman siguro excited na sumunod kay Gelo sa Canada no? Kailan nga ulit exam mo?" Tanong niya. Isa pa yan, kay Gelo silang boto lahat, hayss.
"Matagal tagal pa yon, kaya marami pa akong oras para gumala at magreview na rin" Sagot ko, tumango naman siya at tumayo na rin ulit.
"Okay bunso, lapitan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong" Nakangiting sabi niya, tumango naman ako kaya hinalikan na muna niya ang ulo ko bago tuluyan umalis.
"Jusko!" Nasabi ko na lang at huminga ng malalim. Maya maya lang ay nakatanggap na ako ng tawag galing kay Mikha kaya agad agad ko rin itong sinagot.
"Hi love" Malambing na bungad niya, agad naman din akong napangiti at napailing. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang dating cold at masungit na si Mikha Lim, malambing na sa akin hahaha.
"Hi"
"Kakababa lang namin, pwede ka ba ngayon? Gutom na kasi ako wala akong kasabay kumain" Paglalambing pa niya, napangiti naman ako.
"Okay, punta na ako sa condo mo" Sagot ko habang nililigpit ang gamit ko.
"No, daanan na lang kita diyan malapit sa inyo" Usap niya. "Okay, text mo ko kapag malapit ka na, bye, ingat sa pagdrive ah" Usap ko at binaba ba ang linya. Agad naman akong pumasok sa bahay para mag ayos, mabilis na lang din akong nagpaalam sa kanila dahil nagtext na rin sa akin si Mikha.
Paglabas ng bahay ay agad ko nakita ang sasakyan ni Mikha sa kabilang kanto ng subdivision kaya naman agad agad akong naglakad papalapit don, hindi na siya naka uniform at ang gwapo pa rin niya tignan sa simpleng black shirt at cap.
"Thanks Captain" Nakangiting sabi ko ng pagbuksan niya ako ng pinto, napangiti naman siya at agad din niya sinara ang pinto. Pagpasok niya ay hinubad na rin niya ang cap niya at may inabot sa likod.
"Swerte at bukas pa si Aling Martha, close na kami kasi suki na niya ako" Natatawang sabi niya ng iabot niya sa aking ang sunflower.
"Sabi ni Aling Martha, if i want to express exactly how much i adore you, bigyan daw dapat kita nito" Nakangiting sabi niya at hinalikan ang noo ko. "Thank you, edi dapat pala bigyan din kita nito" Umiling naman siya at sinuotan na ako ng seatbelt. "No need, alam ko naman na patay na patay ka sa akin e" Proud na sabi niya, napailing na lang naman ako at nagsimula na siyang magdrive.
"Nga pala, bumili na rin ako ng kakainin natin, don't worry, hindi na 'to fast food" Biglang usap niya habang nagdadrive. "Dapat lang, love. kailangan mo rin ng totoong pagkain, hindi yung puro ka pasta or what" Usap ko sa kaniya.
"Umiiwas lang ako sa sermon mo tsaka ayokong dumagdag pa ako sa iisipin mo" Seryosong usap niya. Minsan talaga gusto kong maawa at the same time maging proud sa taong to, masyado na siyang nasanay na mag isa, masyado na siyang nasanay na hindi nanghihingi ng tulong ng iba, sinanay niya sarili niya na hindi maging pabigat sa iba at araw-araw niyang pinapatunayan na kaya niya, pero alam naman natin na hindi tayo ganon katatag sa lahat ng oras.
"Bawal bang isipin ka? Sorry ah, dalawang araw ka kasing tumatakbo sa isip ko habang wala ka sa tabi ko" Biglang usap ko sa kaniya. Napangiti naman siya at napailing. "Okay lang naman siguro na isipin kita? Hindi mo na maaalis sa akin yon e, lalo na't gusto kong makasiguro na lagi kang okay at malaman mong lagi lang akong nasa tabi mo" Dagdag ko pa, Hindi naman siya sumagot, hinawakan niya lang ang kamay ko at hinalikan iyon.
"Akin lang to ah" Nakangiting sabi niya sa akin habang hawak hawak pa rin niyang pinakita ang kamay ko, "Mahihingi ko rin to sa pamilya mo ng pormal" Dagdag pa niya at hinalikan ulit ito. Ang swerte ng taong makakatuluyan nito sa huli at paulit ulit kong hihilingin na sana ako na yon, sana kami na hanggang dulo ng mga kabanata na meron kami.
BINABASA MO ANG
We Fell In love in October (MIKHAIAH)
RomancePapano na lamang kung nagtagpo ang dapat na hindi na lang nagtagpo? Papano na lamang kung mahagip ng camera ng isang travel vlogger na si Maraiah Queen Arceta ang pinaka iiwasan ng pamilya nila. Ang mga piloto. Ang piloto na malapit pa sa bestfriend...