4.
Hindi na ako nag aksaya ng lakas at oras para ipakita ang galit ko sa ama ko. Ako lang din naman ang nag mumukha masama.
Iginugol ko na lang ang atensyon ko pag aaral at minamabuting mag isa. Kinukulit ako ni Vhon araw araw pero minabuti kong pati siya ay iwasan. Simula noon ay palagi na silang nagiging magkasama ng aking ama. Hindi ko iyon nagugustuhan na parang pinag kakaisahan nila ako.
Five months na din ang lumipas simula noong umalis si Sofia. Nawawalan na din ako mg pag asa na makakasama ko ulit siya. Sinabi niya na babalik siya pero hanggang ngayon ay wala pa din dahil hanggang ngayon ay mag isa pa din ako.
"Anak?"
Pumasok si mommy sa kwarto ko. "Hinahanap ka ng daddy mo." Ani nito.
"Okay po susunod na din po ako."
Pumunta na ako sa office niya. Sinanay ko ang sarili ko na hanggang kaya ko iiwasan ko siya. Upang hindi na nga makipagtalo sa kaniya. Nakaramdam ang katawan ko ng pagod na kalabanin siya.
"Why ar--" Nakita ko ang isang lalaki na nasa tabihan niya, "Here you are again. Bakit tuwing ipinatatawag niya ako ay lagi ka niyang kasama? New ally?"
"Ruth hindi iyon katulad ng iniisip mo." That guy said. Oo sinabi kong pwede kaming maging magkaibigan. Seryoso ako noon pero ang makita siya na laging kasama ni dad ay nabago ito.
"Yeah don't worry wala na akong panahon para gawing big deal ito." Pag papaalam ko sa kaniya.
"Bakit di mo siya pinapansin?" Pagtatanong na maayos naman ng aking magaling na ama. Sinanay na din siguro niyang huwag akong sigaw sigawan. Simula noong pagkatapos kong makuwento kay Vhon ang totong nangyari sa pagitan namin ay pakiramdam ko'y nagbago siya. Ang sa tingin ko ay sinabi ni Vhon iyon sa kaniya. Kaya din ayaw ko ng magkaroon ng koneksyon sa lalaking iyon for the past five months.
"Bakit ko siya papansinin? Para sa akin isa lang naman siyang hangin na dumaraan sa buhay ko. Kung gusto mong maging kaibigan ko siya huwag mong pamunuan ang bawat buhay nila. Kagaya ng gusto mong gawin sa buhay ko. Lets cut this kind of thing I've had enough. I am so tired of having grudges on you. Please let me live a peaceful life. That's what I want. Sige po mauna na ako."
Umalis na ako at pumunta na muli sa room ko. Sa paglipas ng panahon ay unti unti ng nauubos ang galit ko sa kaniya at unti unti ko na ding natututunan patawarin ang tulad niya. Ngunit nasa pagitan pa rin ako kung tama ba itong ginagawa ko? Kung deserve ba niya talaga ang kapatawaran ko.
Sunod sunod na pag vivibrate ng phone ko. Nang makita ko sa screen ay pangalan ni Sofia ang nakalagay doon. Hinayaan ko munang matapos ang pag dating ng mga mensahe. Nanalaki ang mata ko na umabot na ito ng isang daan. Ang mahal ng text doon. Nang matapos na ay sinimulan kong basahin lahat iyon. Halos lahat ay nagsasabi na miss na niya daw ako. Maiikling mensahe na kung kamusta na daw ako, galit daw ba ako, sana daw mapatawad ko siya at kung anu ano pa.
Miss na ko na din ang kaibigan kong iyon. Hindi lumilipas ang bawat araw na hindi ko siya namimiss.
Habang inuulit kong basahin ang mga message ni Sofia ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko tinanong pero sinabi pa din niya ang pangalan niya. Si Vhon ito at malamang ay kukulitin na naman ang tahimik kong buhay. Hindi ko siya pinagbuksan ng pinto. Bahala siya doon sa labas ng kwarto ko.
"Open this Ruth." Pag uutos nito. Ang lakas mag utos ng mokong na iyon. Ani ko habang nasa loob pa rin ako ng kwarto ko.
"Anong kailangan mo? We can talk even the door is closed." I said.
"Pero ka--"
"Kung ayaw mo okay lang naman kasi. Sige ikaw bahala Vhon."
Hindi naman siya umiimik. Siguro ay nagsawa at umalis na din doon. Nahiga na ako at tutulog na lang wala din namang sasabihin ang lalaking iyon. Uuwi din siya sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
My Three Words
Genç Kız Edebiyatı[UNDER REVISING] Three words have a lot of meaning, I love you I need you I miss you I like you But her three words stand for different meanings.