Twins

58 2 0
                                    

6.

Nagring phone ko tumatawag si Sofia. Sinagot ko kaagad ito dahil baka importante ang sasabihin niya.

"Bakit?"

("Dahil walang pasok ngayon. Lets go shopping.")

"Sige wala sa aking problema."

("Isama natin si Vhon.")

"Bakit pa? Gusto mo ba talaga iyon."

("I like his company. Sige na see you.")

Pinatay na din niya ang tawag. Nagbihis na ako at malamang ay didiretso siya dito sa bahay para din sabihin kila dad at mom na magshoshopping kami.

"Ruthessa."

"Anak can I come in?"

"Pwede naman po." Sagot ko. Nang makapasok siya ay tinanong ko kung bakit si dad napapunta sa room ko.

"Nagpaalam sa akin si Sofia magsho-shopping daw kayo. Isama niyo si Vhon.

"Po?" Pagkagulat ko sa sinabi ni dad. Bakita ba gusto nilang makasama namin ang lalaking iyon. Si Sofia tas ngayon si dad.

"Isama niyo siya anak. Para sure akong ligtas kayong dalawa."

"Okay po. Iche-check ko po kung may pasok siya ngayon."

"Sige anak mag enjoy kayong tatlo." Sabi ni dad.

"Sige po dad. Thank you po."

Umalis na si dad at tinawagan ko muna si Vhon bago ako bumaba at lumabas sa kwarto.

"Hello Mr. Vhon Arcega."

("Ang pormal mo masyado. Bakit ka napatawag may kailangan ka?")

Bakit ganito ang tono ng boses niya parang hindi na siya iyong Vhon na palaging makulit pagdating sa akin?

"May pasok ka?"

("Oo. Bakit?")

"Nevermind. By--"

"Ang bastos. Hindi man lang ako pinatapos sa pagpapaalam."

May regla ba iyon ngayon? Siya naman itong may mood swing. Fine. Bahala siya sa buhay niya. Kung ayaw niya edi huwag.

"Good morning." Bati ko ng makababa sa hagdan.

"Good morning anak. Bakit ang saya mo yata?" Pagtatanong ni mommy pagkaupo ko sa dining table.

"Wala lang po."

"Sige na. Kumain ka na muna bago umalis." Sabi ni dad. Kumain na ako at pagkatapos ko ay nagtoothbrush para fresh ang breath ko.

May nag doorbell. Sigurado akong si Sofia na iyon kaya binilisan ko ng magsipilyo 

"Si Thessa po?" Rinig kong tanong nito ng makapasok sa bahay. Paglabas ko e nakita ko siyang nag beso kayla mom at dad.

"I'm here. Ang aga mo naman."

"Excited kasi." Sagot nito. Kinuha ko na ang sling bag ko. Nagpaalam ako sa parents ko. Sinabi ko din kay dad na may pasok si Vhon.

"Paanong may pasok e lahat ay walang klase ngayon." Ani ni daddy. Nagtaka naman ako. Pero iyon ang sinabi ni Vhon. Iniiwasan ba niya ako?

"Siya sige na hayaan niyo na si Vhon. Mag iingat kayo. Umuwi din kayo kaagad." Sabi ni dad.

"Mag-iingat kayo anak." Sabi ni mommy.

"Bye tito and tita." Paalam ni Sofia sa kanila. Umalis na kami at nagpahatid sa driver namin. Pagdating namin sa mall ay kaagad kaming nagshopping. Ganoon kaming ka excited magkasama ulit at magka bonding.

My Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon