9.
RUTHESSA JANE'S POV
"Class dismiss"
Mabuti naman, nakakatamad kasi ang klase pag wala si Sofia wala akong kadaldalan. Ni isa wala akong kaklaseng kilala pero ako kilala nila. Ewan ko ba!
"Hi Ruthessa," bati nung isang girl.
"Helko."
Kilala ko ba sya? FC lang. Umalis na siya, lumabas na din ako. Two classes lang ang ipapasok ko.
Magvibrate phone ko,
From: Dad
Anak, go to my office after your class.Bakit kaya? Tapos na klase ko kaya pumunta na ako dun. Nandun yung mga senior officer sa Academy na 'to na dapat na University na ewan ko ba sa ama ko kung anong nangyari.
"Anong meron?"
Sinabi na ni Dad yung mangyayari. Okay lang ba sakin yun? Freshmen pa lang ako pero bakit kailangan ko. Unfair naman yun na ngayong nakaupo dun. Papayag ba ako? Pero sayang din naman.
"Ano anak?"
"Sino ba ang nakaupo dun ngayon?"
"Ako, Ms. Ruthessa Jane."
Sya? Yung babaeng nag-hi sakin kanina. Siya pala yun. Pero bakit diba dapat senior ang nakaupo dun pero bakit freshmen?
"Freshmen ka pa lang diba?"
"Oo, nagkaproblema kasi yung talagang nakaupo dun pero dahil malapit ako sa tao na yun ako na ang nagpatuloy pero ayaw ko naman talaga."
Ayaw niya? Ang choosy naman masyado.
"Sige, pumapayag ako."
"Okay thats final." - Dad
"Thanks Ms. Ruthessa Jane," nginitian ko na lang siya bilang sagot. Umalis na sila at nagpaiwan ako sa office ni Dad.
"Dad, nakikita mo ba si Vhen dito? Di ko kasi siya nakikita kanina pang umaga."
"Pumunta siya dito kanina. Bakit?"
"Wala naman Dad. Sige po aalis na ako."
Si Vhen nagstart na siyang pumasok. Kaya mas madalas ko na siyang makikita.
"Oh Thessa anong ginawa mo dyan?" - Sofia
"Pinatawag ako ni Dad."
"Ah. Tapos na class mo?"
"Hindi pa isa na lang. Ikaw?" tanong ko. Bakit kasi di ko siya kasama ngayon. Kung nakilala ko sana siya nung high school edi mas masaya.
"Dalawa pa, sige na baka malate pa ako. Sa Coffee House tayo mamaya ha."
"Okay," sagot ko.
Yung Coffee House yun yung Coffee Shop na pinupuntahan namin. Pumunta na rin ako sa next class ko.
"Si Vhen yun ah."
Lumabas ako sa room wala pa namang professor, Ay biglang nawala. Ano 'yun guni guni ko lang?
"Ms. Briones, papasok ka pa ba o tatayo ka na lang dyan?"
"Papasok po."
//
"Sofia!"
"Oh Thessa. Tapos na klase mo?" tanong niya
"Oo two subjects lang ang ipinasok ko eh. Ikaw?"
"Meron pang isa pero mamaya pang 3pm. Kaya tara na muna sa Coffee House."
"Sige ba."
Pagdating namin sa Coffee House nakita ko si Vhen may kasama mga babae di man lang kami napansin ni Sofia. Umupo na lang kami sa lagi naming pwesto dun.

BINABASA MO ANG
My Three Words
ChickLit[UNDER REVISING] Three words have a lot of meaning, I love you I need you I miss you I like you But her three words stand for different meanings.