THIRTY

19 2 0
                                    

30.

VHEN'S POV

Bakit nangyari 'to sa kakambal ko?Si Park Min Zu, ang may kasalanan si Vhon ang nagpakilala sa kanya sakin tapos naging close kami pero bakit niya pinatay si Vhon? Wala na si Vhon, patay na sya.

Iuuwi namin ngayon si Vhon sa pilipinas dun siya ibuburol. Nung una di ako naniwala, kasi magkaiba sila ng height, magkaiba sila ng hairstyle, magkaiba sila ng size ng paa pero magkamukha sila. Naniwala kami kasi dahil sa wallet at mga ID ni Vhon at sa phone nito. Ganun din ang suot ni Vhon nun. Inisip ko kapareho lang pero siya talaga 'yun at napatunayan na.

"Tara na," sabi ni Mom.

"Okay po."

Sumakay na kami sa plane, na binayaran ni Dad para iuwi kami sa pilipinas at si Vhon. Masamang vacation sa Korea, sobrang sama!

RUTHESSA JANE'S POV

"Jane, lumabas ka naman dyan sa room mo."

"Jane?"

"Jane, nag-aalala na Kuya mo nga pala nagchat sina Mom at Dad mo."

"Jane, please!"

*bzzt.. bzzt..*

From: Mrs. Briones
Kamusta na sya? Susunduin na namin siya dyan.

ako: ok po.

Kawawa naman si Jane di naman niya ginustong mangyari 'yon sa lalaking mahal niya pero ito siya't sinisisi pa rin ang sarili niya sa pagkawala nito.

"Jan--"

"Alam kong nagtext si Mom sayo pakisabi di ako uuwi sa pilipinas."

"Pero Jane, diba ngayon iuuwi yung katawan ni Vhon."

"Di ako uuwi."

"Jane!"

"Please Giana! Nakikiusap ako sa 'yo. Maawa ka please naman oh!"

"Okay fine. Ako na bahala sa kanila pero sana Jane maging okay ka na rin."

Bumaba na ako at pumunta sa salas, "May kailangan ka ba? Alam ko nagugutom ka."

"Wala, di rin ako nagugutom Gianna."

"Pero kahapon ka pa di kumakain."

"Okay lang ako Gianna."

"Pakuha na lang ng laptop sa room ko."

"Okay! Sandali lang."

Vhon, Im sorry di man lang kita naligtas. Im sorry kung di rin kita madadalaw. Im sorry sa lahat Vhon, mahal kita. Mahal na mahal kita!

"Jane ito na oh."

Kinuha ko na at in-open ko ang Blog ko.

Friendship is not just only.. No, I want to be with him, I think I wanna die too.

POSTED!

"Anong ibig sabihin nung pinost mo?"

"Pahiwatig."

Pumunta na ako sa room ko at iniwan ang laptop sa sofa.

"Jane, teka baka kung anong gawin mo open this please."

Kinakabahan na ako sa pwedeng gawin ni Jane parang bang gagawin niya talaga 'yun na hindi siya natatakot o magdadalawang isip man lang. Ako natatakot. Takot na takot!

"Jaane?"

To: Luke Briones
look her Blog, nakakacurious yung post niya baka kung anong gawin nya.

sya: Okay sige babasahin ko.

Ayaw ko na bang mabuhay dahil lang sa wala na si Vhon? Ano ba 'tong love story ko, Romeo and Juliet, namatay siya kaya magpapakamatay na din ako. Paano kung buhay pala siya tapos ako naman ang patay tapos magpapakamatay na talaga siya ng tuluyan. Forbidden Love. Ayaw ko ng kwento na ganun, gusto ko Happy Ending, pero paano yun? Wala na yung gusto kong maging ka-Happy Ending. Wala na yung taong yun.

My Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon