FOURTY ONE

18 3 0
                                    

41.

Pagdating namin sa bahay nina Ruthessa at lahat busy nga, "Hello po," ani namin ni Sofia.

"Bakit kayo lang nasaan na parents mo?" tanong ni Mom.

"Susunod na lang daw po may tatapusin lang po sila Tita."

"Ganun ba, punta na kayo sa salas dun na muna kayo," Ruthessa's mom said.

"Si Thessa po?" tanong ni Sofia.

"Naku hi'ja kagabi pa nga siya wala pero baka umuwi yun mamaya.

"Ganun po ba."

"Sige po dun na muna kami sa salas," paalam ko na. Alam kong nalungkot na naman itong babaeng 'to kasi wala si Ruthessa.

Pumunta na kami dun ni Sofia, "Nasaan kaya si Thessa?"

"Itext mo kaya," suhestiyon ko.

"Wag na, sabi nya kanina nung niyaya ko siya busy daw."

Kinuha ko phone ko para itext si Ruthessa para di na mag-alala pa itong babaeng kasama ko.

To: Ruthessa Briones
nasaan ka? Nag-aalala si Sofia sayo.

Inintay ko syang magreply inilapag ko muna ang phone ko sa mini table. Ilang minutes dumating na ang parents ni Sofia at pumunta na sila sa kitchen. Tiningnan ko ang phone ko kung may text na from her but, No message recieved. Bakit kaya sya di nagrereply? Nasaan kaya sya? Anong kinabbusy-han nya?

"Sofia, punta muna kaya tayo sa park," aya ko habang nilalapag sa lamesa ang telepono ko nung nabaling na ang tingin ko kay Sofia tulog na tulog pala siya kaya inihiga ko sya ng ayos para di siya mangalay.

"Maganda ka pala talaga ano," nawika ko habang nakatitig sa kanya. I pinched her nose, "Saglit lang ang tulog ha manunuod pa tayo ng fireworks mamaya."

Pumunta ako sa kitchen, "May maitutulog po ba ako?"

"Oh Vhen nasaan ang anak ko?" Tita asked.

"Tulog na tulog po napagod po ata sa pagma-mall kanina."

"Wag ka ng tumulong okay na kami dito Vhen sige na balik ka na dun," Ruthessa's mom.

"Okay po."

Bumalik na ako dun tulog na tulog pa rin si Sofia. Kinuha ko ang phone ko wala pa ring text si Ruthessa umupo ako sa tabi ni Sofia.

Camera, in-open ko ito. Nagpicture ako habang tulog si Sofia. Photogenic pa sya! Ginawa ko itong wallpaper. Nag-earphone na lang ako at nakinig ng musics.

KEN'S POV

Ang sakit pa rin dito sa puso ko! Bakit ba ang hilig kong mafall sa mga taong di naman ako kayang saluhin? Bakit ba ang dali kong mainlove? Did I do wrong, did I do bad, kaya pinarurusahan ako ng ganito. Why do I need to feel this? Why do I need to suffer like this. Am I a bad guy, a bad boy, a bad person? Am I like my father? Hindi! Ano ba naman Ken! Hindi ko katulad ang Dad ko. Did I hurt their feelings? Ako nga itong nasasaktan nila. Bakit lagi akong nasasaktan?

Natigil ako sa kakatanong sa isipan ko ng may magknock, "Anak, maggro-grocery ako, sama ka?"

"Sige po," pagpayag ko at nagpalit ng damit.

From now on hindi na ako masasaktan. I dont want to fall inlove again and I'm not gonna let them hurt me again. Not, anymore.

Lumabas na ako, "Okay ka na ba?" She asked at nagsmile ako.

"My son is so back!"

Bumaba na kami at nilock na ni Mom ang door.

"Saan ba tayo Mom?"

My Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon