FIFTY FOUR

40 0 0
                                    

54.

Nagpatuloy kami ni Vhon. Hindi ko alam kung bakit ganito siya ngayon. Inalayo ko si Vhon para makapagsalita ako at para na rin makahinga.

"Teka Vhon sandal--"

"Baby, sorry di ko na kayang pigilan kasi naman kasalanan ito ni Vhen."

Tinuloy niya na ulit ang paghalik sa akin di ko na napigil pa kasi naman mas lalong naging agressive siya. Inalayo ko na siya para di na siya maging ganung karahas. Umalis ako sa ilalim niya at tumayo muna.

"Sorry baby, sorry, sorry, sorry, sorry talaga," sunod sunod na pagpapaumanhin nito.

Napangiti ako sa ginagawa nito. Nakikita kong hiyang hiya siya sa mga ginawa niya sakin halos mamaga na yung lips ko sa kaagressive-an niya. Umupo ako sa tabi niya at ikinulong ko ang pisngi niya sa palad ko at iniharap siya sa mukha ko.

Nginitian ko siya bago ako magsalita, "Hey, can I ask something?" tanong ko dito.

He nodded, "Vhon, actually naweweirdo-an ako sayo. Alam kong yung kanina mga nakikita mo kayna Vhen at Sofia, right?"

Tumango ulit siya bilang sagot sakin kaya napangiti ako sa nakita ko sa kanya. Kahit lalaki siya nagba-blush siya akala ko hindi kailaman magba-blush ang isang lalaki but I saw it from him. Its totally cute.

"Okay ang itatanong ko, ano bang iniisip mo na ganti ko sayo?"

"Magme-make love tayo," hiyang hiyang sabi nito.

Nakita kong lalo siyang namula sa sagot niya, "Look namumula ka," panunukso ko.

"Ha?"

Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang mga kamay niya na kanina ay nakabagsak lang sa kama.

"Its cute, you look more handsome Vhon."

"Joke yun, right?" tanong nito sa nahihiyang tono.

"No, I'm serious!"

Inalis ko ang kamay niya na nakatakip sa mukha niya, "Vhon, lilinawin ko lang ang ganti na gagawin ko ay yung magiging sweet na ako sayo forever hangga't magkasama tayo not like this, not make loving, magiging sweet ako sayo ipagluluto kita ng kakainin mo, mag-eeffort ako lagi for you, lagi kitang pakikiligin at lagi akong mag-iisip ng corny lines or jokes para mapasaya ka. Hindi kasi ako ganun eh kaya naman gagawin ko na yun ngayon. Magiging sweet na ako yun ang ganting sinasabi ko," pagpapaliwanag ko dito.

Napatingin ulit si Vhon sa baba at inalis niya ang palad ko na kanina pang ikinukulong ang pisngi niya sa mga ito.

"Vhon," tawag ko dito.

Kasi alam kong nadismaya siya sa sinabi ko, "Sorry kung hindi ko nilinaw. But I a--"

"Shut up," pagputol nito sa sinasabi ko. Galit ba siya? Hayss. Ikaw naman kasi eh, ang landi mo kaya kanina habang sinasabi mo yun kaya ayan nagkamali tuloy siya ng inisip.

Tumayo ako at aakmang lalabas sa room kung nasaan kami, "Saan ka pupunta?" tanong nito.

"Lalabas muna baka kasi galit ka," sabi ko dito sa mahinang tono.

"Hindi ako galit. Nahihiya ako sa mga pinaggagawa ko sayo yan tuloy pati yung labi mo na--"

(^__^) bumalik ako sa pwesto ko kanina at niyakap siya, "Alam mo ba kahit namaga yung labi ko, aaminin ko nagustuhan ko yun at gaya ng sabi ko nakakaadik pa rin yun. Sana nasa tamang panahon na para magawa na natin yun ng hindi bitin," bulong ko dito sabay kagat labi akong humarap dito.

"Talaga?" tanong nito.

Okay na yung tono niya hindi na siya nahihiya, "Oo. Talagang talaga!"

He kissed me, "Mahal kita!" sabi nito.

My Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon