TWELVE

34 2 0
                                    

12.

VHENS POV

It's Chritmas Day, pero hindi ko man lang siya kasama. Alam kong gusto nya akong kasama pero kahit pareho naming gusto yun mas okay na hindi na lang kasi pag nangyari yun may masasaktan. Ayaw kong masaktan ang taong yun. Ginawa nyang lahat para sakin ayaw ko naman suklian yun sa ganung paaran.

Mom is calling,

"Hello Mom, why?"

("Uuwi na kami. Pasabi nga kay Vhon tinatawagan ko siya pero naka-off telepono niya. Nasaan ba ang kakambal mo?")

"Nasa room pa po niya tulog."

("Tulog pa. Christmas ngayon malapit na kami gisingin mo siya at pagdating namin dyan pupunta tayo sa church.")

"Okay po. Ingat kayo."

Pumunta na ako sa room niya di naman kasi nakalock.

"Vhon, gising na uuwi sina Mom at Dad pagdating nila gusto nila nakaprepare na tayo pupunta tayo sa church."

"Ano ba? Mamaya na lang. Hindi na lang pala ako sasama."

"Ano, okay ka lang. Every christmas nagsisimba tayo."

"Ngayon lang naman ako aabsent. Sige na!"

"Vhon magagalit si Mom."

"Labas na Vhen."

"Vhon naman."

"I SAID LABAS," sigaw nito.

"Okay!"

Ano bang problema ng taong yun? Paskong pasko high blood.

VHON'S POV

Bilang nagbeep ang phone ko. Sino naman kaya 'to? Si Sofia pala.

siya: Ok na ako, magsisimba ba kayo? Pag oo, text mo ako after the mass meet me at Coffee House dun sa table namin ni Thessa.

ako: Sige

Mukhang kailangan kong sumama sa pagsimba. Bumangon na ako at nagprepare na para sumama sa mass kina Mom.

"Akala ko di ka sasama."

Akala mo lang 'yun.

"Galit ka ba sakin?" He asked.

Bakit ako magagalit sayo?

"Vhon?"

Ano ba? Tumahimik ka nga. Naiingayan ako!

"Vhon naman!"

"Shut up."

Pagkatapos kong kumain nagtoothbrush ako at pumunta sa salas para intayin sina Mom and Dad.

"Vhon, galit ka ba? Kung may nagawa man ako. Sorry!"

Wala kang nagawa. Tumahimik ka lang. Gusto ko ng paligid na tahimik.

"Vhon naman."

"Nakakainitindi ka ba ng english kung hindi tatagalugin ko. TUMAHIMIK KA! Pag nagawa mo yun okay na. At hindi ako galit sayo."

Nung sinabi ko yun tumahimik nga si Vhen. Mas mabuti, naiingayan kasi ako sa kanya.

RUTHESSA JANE'S POV

Maaga kaming umalis para umattend ng mass. Pagkatapos dumiretso kami sa mall para bumili ng gifts sa mga cousins and relatives pati na rin sa mga friends ko. Umuwi rin kami para yung mga nangangaroling mabigyan namin kahit mga kendi lang.

May nagdoorbell,

"Ako na po magbubukas."

Lumabas na ako si Vhon pala ang bisita namin. Tamang tama kasi may gift ako sa kanya.

My Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon