THIRTY SIX

20 3 0
                                    

36.

TANYA SOFIA'S POV

"Mauna na ako sa inyo. Remember meeting mamayang hapon sa gymnasium okay. Clarisse, maglagay ka ng mga silya dun for 150 people tulungan niyo siya ha," at umalis na si Thessa.

"Anong oras ng next class mo?" tanong ni Bert.

"Mamaya pang 09:00. Bakit?"

"Wala naman Sofia."

"Ah."

"Mauna na ako may class na din ako eh," paalam ni Bert.

"Okay."

Umalis na din sya, kami ni Clarisse ang naiwan dito sa office may class kasi yung iba kaya four lang kaming nagmeeting ng saglit.

"Tara sa cafeteria," aya ni Clarisse.

"Sure," at naglakad na kami papunta dun sa cafeteria.

"Hi Ms. Tanya." - Boy 1. Aba, sikat ba ako? Ms. Tanya talaga! Wow ha.

"Hello," sagot ko.

"Ang ganda mo nung di ka na nerd look." - Boy 2. Talaga ba? Jusko naninibago ako sa kanila ha.

"Thank you!"

Pagkarating namin, "Anong gusto mo Clarisse? Treat ko." aniko.

"Di na ako na lang Sofia."

"No, I insist."

"Sige na nga, pringles at sprite in can," sagot niya. Nahiya pa. Bihira nga lang akong manlibre tatanggi pa siya.

"Okay."

Umalis na ako at pumunta na sa counter, "1 pringles, 1 sprite in can, 1 mogu-mogu, 1 nova yung malaki po."

"Okay," at kumuha na sya, "P200," binayaran ko na.

"Salamat!"

Bumalik na ako sa table namin si Clarisse, "Ito na sayo."

"Thanks!"

Kumain na kami ni Clarisse, "Alam mo tama yung sabi nung isang lalaki na maganda ka nung di ka na nerd look," panimula nito.

"Talaga? Si Thessa yung nagsabi sa akin na wag ng magnerd look kaya ayun nasanay na din ako."

"Mas okay naman kaya yang new look mo."

"Thanks kay Thessa," aniko.

"Oh nandito ka pala kanina pa kita hinahanap," biglang sulpot ni Vhen.

"Bakit mo ako hinahanap Mr. papopular ha?" tanong ko.

"Anong oras na?" tanong naman ni Vhen.

Tiningnan ko ang oras sa phone ko.. (O___O) oh my god. Start na yung class ko.

"Mauna na a--"

"Hephep," pigil ni Vhen.

"Bakit?"

"Nakamark na dun absent tayo di na nga ako pinapasok eh," sagot nito.

Kainis! Bakit di ko namalayan na 09:00 na pala. Inis talaga. Ang bilis naman ng oras. Akala ko marami pang oras kanina 07:30 palang nung tinanong ako ni Bert. Hayss. Umupo na lang ulit ako.

"Late ka na," ani ni Clarrise.

"Kaya nga eh!"

"Hayaan mo na may next time pa naman para dun."

"Tama ka diyan! Sofia pahingi nga niyan," ani ni Vhen.

"Bumili ka!"

"Damot nito."

My Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon